19

5 0 0
                                    


Alaine

Nakaramdam ako ng mainit na hininga sa batok ko at may parang nakapatong sa tyan ko

Minulat ko ang mga Mata ko at lumingon sa gilid ko
Agad akong napatayo sa kama
Tinignan ko ang sarili ko at nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman na may damit pa ako

Teka pero bakit naka topless itong mokong toh!?

Kinuha ko ang isang unan at pinaghahampas ito

"Hmm what the hell is your problem?" Sabi nito

"Hoy Mokong! anong ginagawa mo sa kwarto ko!?" Tanong ko

Bumangon sya sa kama at halos maluwa ang mga Mata ko ng naka boxer Lang sya Kaya agad naman akong umiwas ng tingin

"Lumabas Ka dito" sabi ko

Naramdaman ko ng naglakad Ito papalapit saakin kaya napaatras ako
Tumama ang likod ako sa table ko 

"You don't remember what happend last night baby?" Tanong nito saakin

Ang lapit nya sa mukha ko kaya isang lingon ko lang mahahalikan ko na sya

"A-anong pinagsasabi mo dyan w-walang nangyare kagabi" sabi ko

Nararamdaman ko yung hininga nya sa mukha ko

"But baby you enjoy it kaya I'm sure you'll remember it "

Tinulak ko sya Kaya napaupo sya sa sahig

"Hoy gago walang nangyare Kaya pwde ba" sabi ko

Tumayo sya at aakmang lalapit pero tinutukan ko sya ng katana na nakalagay sa table ko

Agad sya napataas ng kamay

"Yow chill nagjojoke Lang ako" sabi nya

"Wala ako sa mood makipagbiroan Kiro Ramirez" sabi ko

"Okay okay sorry" sabi nya

Tumingin ako sakanya pero nagulat ako ng naka tingin sya saakin at binasa nya ang kanyang labi gamit ng kanyang dila

"H-hoy umiwas ka nga ng t-tingin" sabi ko

Narinig ko syang tumawa at lumapit sa kama at nakita ko may kinuha syang damit

Aba't talagang sa kama ko pa sya naghubad ah mamaya idedesinfect ko ang kama ko

"What do you want to eat? I'll cook for you" nakangiting sabi ni kiro na nakatayo sa harap

"For me ? Paano yung iba?" Tanong ko

"Wala sila dito" maikling sagot nya

Agad namang napakunot ang noo ko

"Wala? Saan sila pumunta? Baka atakihin sila ng kalaban" sabi ko

"Chill ayos lang sila family meeting daw ulit pero nag pasama kami ng bantay nila"

Tumango tango naman ako bilang sagot

"So what do you want for lunch?" Tanong nya

"Uhmm sinigang" sabi ko at ngumiti

"Okay!" Sabi nya at umalis

Inayos ko ang kama ko at kumuha na ng towel para maligo kaso biglang bumukas ang glass door ng balcony at nilipad ng hangin ang kurtina

"Sino Yan?" Sabi ko

May nakita akong isang shadow ng isang lalaki sa likod ng kurtina

"Magpakita ka" sabi ko ulit at kumuha ng baril

The Heart (On Going)On viuen les histories. Descobreix ara