Chapter 14

4 1 0
                                    

Boybestfriend

Lucas

Nung nalaman ko na susugod ang dark association sa university na pinapasukan ni maxine agad akong nagpalipat ng university

Dahil nag promise ako sakanya na proprotektahan ko sya kahit anong mangyare

Pero nung nang nakita ko si maxine na naka pajama at may hawak na baril

"Mukhang hindi ko na sya kailangan protektahan pa" sabi ko sa sarili ko

Nandito ako ngayon sa dorm ko sa dark n light University

Malaki ang nagbago kay maxine simula nung huling pagkikita namin noon

Pero how come hindi nya ako makilala?

Ganon ba ang laki nang pinagbago ng mukha ko ?

Pati rin si kiro hindi ako makilala

4 years ago

"Oy tara na punta na tayo sa beach" sabi ni Kassandra

"Boys! Antagal nyo sobra inip na inip na kami dito daig nyo pa kaming mga babae mag ayos o my gosh!" Inis na sabi ni maxine

Nasa Palawan kami ngayon
May island kasi ang parents ko dito kaya dito kami nagbabakasyon

"Tapos na po mga mahal na reyna tayo na sa dalampasigan at magsaya" sabi ni Alex at nag bow pa

"Tsss tara na" sabi ni maxine

Nang makadating na kami sa beach nag latag na kami ng tela sa buhangin

"Girls c'mon pabayaan nyo na yung boys dyan mag ayos tara picture tayo" sabi ni maxine sa mga babae

"Ang bait mo talaga sobra maxine!" Sarkastikong sigaw ni kiro

"I'll take that as a complement" prangkang sabi ni maxine at kumindat pa

Umiling nlng si kiro at nag set up na ng paglukutuan namin

"Boys okay na yan! Tara picture na tayo sayang yung magandang background oh!" Sabi ni kassandra

Naglakad na kami papalapit sakanila at nag picture

"1......2......3... Say vampys!" Sigaw ni maxine

"VAMPYS!" sigaw naming lahat

"Sobrang sarap talaga mag luto ni kiro at lucas!" Sabi ni maxine at sumubo ng malaking hiwa ng beef

"Slow down mabulunan ka nyan" sabi ni kyler

Nagkwentuhan at nagtawanan kami habang kumakain

Natigil ang kwentuhan namin ng nag ring ang phone ko

"Excuse muna guys" sabi ko at lumayo muna sakanila

"Hello mom?" Sabi ko

"Anak.." sabi ni mom

"Is everything okay? Bakit parang ang lungkot nang boses mo?" Tanong ko

"Ang daddy mo..."

"What happened?"sabi ko

"Naaksidente" sabi ni mom at tuluyang umiyak

"P-pupunta ako dyan n-nasaan kayo?" Tanong ko

The Heart (On Going)Where stories live. Discover now