Chapter 16

4 1 0
                                    

New place and new people

Alaine

Maaga akong nagising kaya napagisipan kong maglakad lakad dito sa university

Medyo madilim pa ang kalangitan dahil 4am palang

Malamig din ang simoy ng hangin
Sakto lang ang suot kong jogger at hoodie para hindi ako lamigin

Umupo ako sa isang bench kung saan kita ang lawak ng field

Ang ganda sa pakiramdam na magisa lang at tahimik ang paligid

"Maxine"

Hindi ako lumingon dahil kilala ko kung sino yun at wala akong pake

"Maxine" tawag nya saakin ulit

Naglakad ito sa harap ko at hinarangan ang view

"Pwede bang umalis ka sa harap ko? Aga aga sinisira mo na araw ko alis" sabi ko at pinaalis sya

Nanatili lang syang nakatayo sa harap ko

"Ano ba kiro umalis Ka nga!" Inis kong sabi sakanya

"Aalis ako dito sa harap mo pag nasagot mo ng totoo ang tanong ko" sabi nya

"Aish sige basta umalis ka pagnasagot ko" sabi ko

"Bakit mo ako sinampal? At bakit Ka galit saakin?" Tanong nya

Tumingin lang ako sakanya at sinamaan ko sya ng tingin

"Hindi ako aalis dito pag Hindi mo nasagot Yung tanong ko" sabi nya

Tumayo ako sa harap nya at nagsalita

"Gusto mo malaman kung bakit Kita sinampal at bakit ako galit sayo sige kaya Kita sinampal dahil galit ako sayo at kaya galit ako sayo dahil hindi mo tinupad ang pangako mo saakin dati bago ka umalis ng bansa na ngako ka na babantayan at ililigtas mo ako sa mga demonyo dba? Pero bakit nung may sumugod sa mansion namin tinatawag Kita at sinisigaw ko ang pangalan mo umaasaha akong dadating Ka pero Ano ? Wala dba walang dumating halos mamatay na ako at mawala lahat ng kapangyarihan ko galit ako sayo dahil na disappoint ako sayo lagi mong tinutupad ang mga pangako mo pero binigo mo ako sa isang pinaka mahalagang pangako mo saakin kiro" sabi ko

Nakatitig lng sya saakin

Hindi ko mapigilan na lumuha

Agad kong pinunasan ang luha ko at lumayo sakanya

"Ayan na sagot ko na tanong mo kahit umalis ka dyan sa pwesto mo wala parin magbabago dahil aalis na ako" sabi ko at nag lakad papalayo sakanya

Bumalik na ako sa dorm

naligo na ako at  nagpalit ng damit

Black croptop Off shoulder na long sleeve
High waist black shorts
Black boots
Sinuot ko din yung binigay ni Kimberly saakin na clip chain piercing earrings

Kinuha ko ang Susi ng motor ko at lumabas na ng dorm

5am palang kaya wala pang mga estudyante sa university

Dumaan ako park para tignan kung nandoon sila ni kuya pero wala

"Saan ka pupunta?"

Napalingon ako sa nagsalita

Nakita ko syang nakasandal sa may poste at naka crossed arms

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at lumapit saakin

"What do you need?" Tanong ko

"Answer my question" sabi nya

"Ano bang pakialam mo renaize kung saan ako pupunta tapos na tayo dba" sabi ko at nag lakad na papalayo sakanya

The Heart (On Going)Where stories live. Discover now