20

0 0 0
                                    

Malakas na music at sigawan ang sumalubong saamin ni kalix ng binuksan ko ang pinto

"HOY JUSTIN BUMABA KA NGA DYAN SA MESA" sigaw ni raylie at hinahampas ang binti ni Justin na sumasayaw sa ibabaw ng mesa

"ANO BA LIAN CAEL TIGILAN MO NGA KAMI NI JANE!" sigaw ni Kimberly na katabi si Jane at may hawak silang unan na ginagamit na pang harang

Nakita namin pinagbabaril ni Lian at Cael sila ni Jane gamit ng nerf gun

"HUY HUY WAG MO AKONG BANGGAIN.....LANGHIYA NAMAN OH AXCEL!" Sigaw ni kyler

Magkakatabi sila ni kyler , axcel, kiro at busy sila maglaro ng video games

At si Samantha naman busy mag luto at mag hain ng pagkain

Samantalang kami ni kalix ay nakatayo Lang sa pinto at nag dadalawang isip kung dapat ba kaming pumasok at sumugod sa gera na ngayare sa loob ng dorm

"OH! NANDITO NA SILA NI KALIX AT MAXINE...SUGURIN!" Sigaw ni Lian at kami naman ang pinagbabaril ng nerf gun

"HOY TAMA NA LINTEK ANSAKIT!" Sigaw ko

Mas lalo pang nagkagulo ang lahat ng sumali sa barilan sila ni axcel , kyler  at kiro

"DRE AWAT NA!" Sigaw ni kalix na nasa tabi ko

Patuloy parin silang nagbabaril saamin

"MAGSITIGIL NGA KAYONG LAHAT!!" Sigaw ko at hindi na nakontrol ang kapangyarihan ko

Isang makapal na usok na kulay red ang nagkalat sa buong dorm at napaupo nalang ang lahat at samantalang ako naman ay nakatayo
Gulat silang nakatingin saakin

"M-maxine" takot na sabi ni kyler

"Ano!?" Sigaw ko

"Y-yung m-mata mo magkaibang kulay"

Napakunot ang noo at lumingon sa salamin at nakita kong magkaiba nga yun

Yung sa kaliwa ay kulay red tapos sa kanan naman ay kulay grey

"Anong nangyare dito?" Tanong ni kuya calix na nasa pinto

"K-kuya-" tawag ko sakanya

"M-maxine anong nangyare sa mata mo?" Tanong ni kuya Ethan

"Kumalma ka muna maxine" sabi ni kalix saakin at pinaupo ako sa sofa

Binigyan ako ni kuya Dave ng tubig

"Ano bang nangyare? Papunta kami dito tapos narinig namin yung ingay nyong lahat sa labas tapos nagulat nalang kami may pulang usok na lumabas sa pinto" sabi ni kuya Dave

Nagkwento na si kalix tungkol sa nangyare kanina

"Ibig sabihin hindi mo nakontrol ang kapangyarihan mo?" Tanong ni Jane

Tumango naman ako at tinitignan parin ang mata ko sa salamin

"Ngayon lang ako nakakita nyan ah" sabi ni axcel

"Sasabihin ko ba sakanila ni tita ?" Tanong ni kyler

Tumingin silang lahat saakin

"Huwag na muna" sabi ko

"Pero-" pinutol ko na yung sasabihin ni kuya calix

"Kuya wag na muna please alam mo naman kung anong mangyayare pag may masamang ngyare  saakin lalo na pag tungkol sa kapangyarihan ko dba" sabi ko

"Maxine" tawag ni kiro saakin

"Bakit?"

"Bumalik na sa normal yung mata mo" sabi nya saakin at inabot ang salamin saakin

Tinignan ko sarili ko at tama nga sya bumalik na yung pagkabrown yung mata ko

"Okay na ako tara kain na tayo" sabi ko

Tumayo na ang lahat at pumunta na sa mesa

"Carbonara is the best" Sabi ni Kimberly

"The best talaga lalo na pag si Samantha ang nag luto" Sabi ko

"Huyy Hindi naman sadyang tama lang yung mga ingredients" nahihiyang Sabi ni Samantha

"Ayussss hiya kapa masarap luto mo" Sabi ni lian

"Ayiiieeeeee!" Sigaw naming lahat

"Sana oll" Sabi ni kyler

"Walang jowa" Sabi ni kalix

"Aba gago ka pasalamat ka close kayo ni maxine kung hindi baka napatay na Kita" Sagot ni kyler

"Ooppss tama na nadamay na ako" sabi ko

Nakalipas ang ilang oras nagsariling mundo na ang mga tao dito sa loob ng dorm

Naisipan ko na pumunta sa kwarto ko
Napatitig ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko

Ano kaya yung nangyare kanina?

Umiling ako atsaka pumunta sa closet ko
Naisipan ko na pumunta sa mundo ng mga bampira. Antagal ko na ring hindi nakapunta doon

Black high waisted skirt
Black Spaghetti strap na top
Nagdoble din ako ng black stockings
And of course black high heels boots

Tumingin ako ulit sa salamin

Yesss naman antagal ko ring hindi nagbihis ng ganto

Pagkatapos ko mag ayos bumaba na ako

"Oh maxine saan ka pupunta?" Tanong ni kyler

"Ah sa mundo ng mga bampira" sagot ko

"Bakit ka pupunta doon?" Tanong ni kiro

"Wala lang"

"Sino kasama mo?" Tanong ni kyler

"Wala mukhang busy naman kayo eh" sagot ko

"Ako nalang" sabi ni kalix

"Sure let's go"

Sabay kami ni kalix nagteleport sa mundo ng mga bampira

Sumalubong saamin ang malamig na hangin at ang tahimik na paligid normal na ito para sa mga bampirang nakatira dito

Pag may event o kaya kasiyahan lang umiingay ang paligid

"Cool" sabi ni kalix

"First time mo dito noh?" I asked

"Yeah ibang iba sa lugar namin"

"Really ?" Tanong ko

"Yeah kung dito napakapeacefull doon saamin laging may riot o kaya away"

"Meron naman siguro namamahala doon sainyo dba?" Tanong ko

Umiling sya at tumingin sa langit

"Si dad ang namamahala sa lugar namin pero isang araw bigla nalang nawala nang parang bula si dad walang pasabi o kaya trace"

"Ohh sorry" sabi ko

"It's okay hanggang ngayon hinahanap parin sya pero dahil nga wala si dad laging nagkakagulo ang bayan namin"

"May maitutulong ba ako or bayan namin? I'm willing to help" sabi ko

"Nah it's fine but thanks for the offer"

"Wanna grab some milktea?" Pagaaya ko

"Wait may bilihan dito ng milk tea??" Tanong nya

Tumango ako sakanya and hinila sya papunta sa  milktea shop

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Heart (On Going)Where stories live. Discover now