Chapter 3

24.1K 729 39
                                    

"Kuya!" Masiglang sigaw ni Flynn ng makita niyang pumasok ang kuya niya sa pinto ng bahay nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kuya!"
Masiglang sigaw ni Flynn ng makita niyang pumasok ang kuya niya sa pinto ng bahay nila.

"Hi baby!"
Nakangiting singhal naman si Flann sa kapatid. Mabilis na tumakbo si Flann papunta sakanya at mabilis nagpakarga.

"Kumain ka na ba?"
Agad na tanong ni Flann saka binitawan ang mga dala niya. Umupo siya sa sofa nila at ikinandong si Flann.

"Hindi pa po kuya.."

"I have surprise for you baby!"
Nakangiting singhal ni Flann at inilabas sa paper bag ang isang kahon na naglalaman ng cellphone na binigay ni Mr. Alistair.

"Meron ka ng lalaruin kapag wala ako!"

Isa ang cellphone sa mga binigay ni Mr. Alistair. Para daw mapadali ang pang-araw-araw na buhay ni Flann. Hindi naman niya kailangan ng hi-tech na cellphone. Kaya ipapagamit niya nalang iyon kay Flynn. Para hindi naman ito mainip kapag mag-aaral na siya o magtratrabaho.

Sabay nilang sinet-up ang cellphone. Meron na din itong kasamang sim card at internet connection kaya hindi na nahirapan si Flann sa pag-set up nito.

Old MacDonald had a farm
Ee i ee i o
And on his farm he had some cows
Ee i ee i oh
Nakangiti lang na pinapanood ni Flann ang kapatid niya habang sinasabayan nito ang kanta mula sa cellphone.

With a moo-moo here
And a moo-moo there
Here a moo, there a moo
Everywhere a moo-moo
Napatawa si Flann ng gayahin nito ang tunog ng baka. Napahinto sa pagkanta si Flynn.

"What's wrong kuya? Mali po ba pagkanta ko?"
Nakangusong tanong ni Flynn. Agad naman napahinto si Flann sa pagtawa.

"No baby! Ang cute mo lang kasi!"
Natatawang sabi ni Flann kasabay ng pagpisil niya sa pisngi ng kapatid. Lalo naman ngumuso ito na lalong nagpa-cute sakanya.

"Kuya? What's that red mark on your neck po?"
Agad naman na tinakpan ni Flann ang kaliwang parte ng leeg niya.

"Sa kabila po"
Napangiti nalang ng alanganin si Flann at tinakpan agad ang kabilang parte ng leeg niya.

"Wala lang yun baby.."
Nakangiting singhal ni Flann.

"Nood ka muna baby.. maghahanda lang ako ng kakainin natin"
Bilin sakanya ni Flann.

"Ok po kuya! Thanks po!"
Pinisil ni Flann ang pisngi ng kapatid niya sa huling beses bago niya ito iwang nanunuod sa sala.

Agad siyang tumakbo papunta sa banyo at humarap sa salamin.

"Gago!"
Naiinis na singhal ni Flann ng makita niya ang bakat ng kagad sa bandang ilalim ng leeg niya nung lalaki iyon.
"Tangina! Mapapatay ko talaga yon!"
Naiinid na singhal niya bago maghilamos.

"Flynn my baby? Kain na tayo!"
Sigaw ni Flann pagkatapos niyang ihanda ang pagkain nila.

"Mamaya ka na manuod ulit!"
Sigaw niya pa.

Agad naman naman pumunta sakanya si Flynn. Agad niya itong pinaupo at inahinan ng pagkain.

"Pagkatapos nating kumain magbihis ka ha.."

"Saan po tayo pupunta?"
Nagtatakang tanong ni Flynn.

"Pupunta tayo ng mall!"
Masayang sabi ni Flann.

"Ibibili kita ng mga damit mo!"

"Ang liliit na ng mga damit mo sayo e!"
Natatawang sabi ni Flann habang pinupunasan ang bibig ng kapatid.

"Kuya? Kasya ko pa naman po!"

"Kahit hindi mo na po muna ako ibili!"

"Kailangan po nating magtipid! Mag-aaral ka pa po kuya diba?"
Napangiti nalang si Flann aa sinabi ni Flynn. Iba talaga mag-isip ang kapatid niya. Napaka-mature.

"Akong bahala! Basta ibibili kita ng maraming damit!"
Huling singhal ni Flann bago bumalik sa pagkain.

"Ito! Bagay sayo 'to baby!"

"Ang cute! Bagay sayo!"

"Kailangan mo din ng maraming shorts at sando baby Flynn!"

"Eto! Hindi mainit ang tela!"

"Ang ganda! Gusto mo ba to baby?"

Halos lahat ng tindahan ng damit ay dinaanan nila Flann. Ngayon ay hawak-hawak niya ang mga paper bags na naglalaman ng mga damit na pinamili niya para kay Flann.

"Kuya! Saakin po lahat yan e! Wala ka pong binili para sa sarili mo!"
Nakangusong singhal ni Flynn.

Halos kumpleto ang binili ni Flann, sapatos, damit at shorts at iba pa ay binili niya lahat para kay Flann.

"Minsan lang to baby! Tsaka mag-aaral kana next year! Kailangan gwapo ka diba!"
Tumatawang singhal ni Flann.

Di baling siya ang wala basta ang kapatid niya ay meron. Ayun ang paniniwala ni Flann. Kahit siya ang magmukang kawawa basta wag lang ang kapatid niya. Kahit siya ang mawalan basta wag lang ang kapatid niya.

Pagkatapos ng mahabang paglalakad, pumasok sila sa isang ice cream parlor.

"Anong gusto mo dito?"
Turo niya sa menu ng mga naka-display na Ice cream.

Maya-maya pa ay nakaramdaman na naman ng pangingilabot si Flann. Kanina niya para nararamdan ito lero minabuti niyang wag nalang pansinin.
Inikot niya ang buong paningin niya sa paligid. Nakakuha ng pansin niya ang lalaking  nakahoodie jacket, face mask at shades. Para pamilyar ito sakanya. Nangilabot siya ng biglang nabaling ang pansin ng lalaki sakanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at tumingin sa kapatid.

"Nakapili ka na ba?"
Tumango naman si Flynn.

Lingid sa kaalaman ni Flann na ang lalaking katitigan niya lang kanina ay tinititigan pa rin siya hanggang ngayon. Pasikreto itong kumukuha ng litrato habang nakatalikod sila Flann sakanya.

Ngumisi ang lalaki bago bumulong.

"So adorable my bae. Now, Im falling for you deeper.."

"Pag nakuha kita, hindi ka na makakawala pa.."

"Just wait my bae. Just wait."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon