Chapter 4

22.9K 682 26
                                    

"Aalis na si Madam?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Aalis na si Madam?"

"Paano 'tong resto?

"Ibinenta niya?!"

"Sinong nakabili?!"

Ilan lang yan sa mga narinig na bulungan ni Flann ng makapasok siya sa resto. Hindi niya pinansin ang bulungan at dumiretso sa locker room at nagpalit.
Gaya ng dati, iniwan niya sa bahay si Flynn. Hindi na siya mag-iisip na maiinip ito dahil may cellphone na nilalaro si Flynn. Pero hindi niya kinalimutang bilinan si Flynn na wag magbabad sa cellphone baka masira ang mata nito. Hindi na makikitawag si Flann kay aling Ising para lang maka-usap si Flann. Tinuruan niya rin ang kapatid kung paano tumawag at sumagot ng tawag para kung may kailangan ito ay matatawagan niya si Flann. Ipinagbilin niya rin ang kapatid kay aling Ising. Gaya ng nakasanayan.

"Alam mo na ba ang chimis?"
Agad na singhal sakanya ni Belle ng lumapit si Flann sa counter. Wala pang ganong tao ngayon dahil sobrang aga palang. Kokonti palang ang nag-aalmusal. Malamang ay mga early bird ang mga ito. Halos hindi ata natulog sa sobrang agad.

"Anong chismis ate Belle?"
Taka naman na tanong ni Flann habang nagpupunas ng counter.

"Aalis na daw kasi si Madam!"

"Kaya ipinagbili niya itong resto!"

"Kailan daw ang alis ni Madam? Ate?"

"Isasara na ba ang resto ate? Tatanggalin na ba tayo sa trabaho?"
Nag-aalalang singhal ni Flann. Kapag naalis siya sa trabaho, panibagong adjustment na naman at hirap sa paghanap ng trabaho. Bukod sa studyante palang siya ay mahirap din pagkasyahin ang oras niya.

"May nakabili na daw!"

"Ang kaso.."
Lumapit ng kaunti si Belle kay Maxim at bumulong.

"Hindi pinangalan nung buyer sakanya 'ting resto!"
Kumunot naman ang noo ni Flann dahil sa sinabi nito.

"E kanino niya pinangalan? Sa kapitbahay niya?!"
Natatawang singhal nito.

"Gaga hindi syempre!"
Parehas nalang silang dalawang natawa.

"Pinangalan niya raw sa mapapangasawa niya.."
Kinikilig na bulong nito.

"Diba?! Ang sweet! Binili niya itong buong resto para lang sa mapapangasawa niya!"
Napakibit balikat nalang si Flann dito.

"Sino daw bang nakabili ate?"

"Ayun na nga!"

"Ayaw ipasabi!"

"E yung mapapangasawa ate?"
Hindi din malaman ni Flann kung bakit curious na curious siya dito at gustong-gusto niya itong malaman. Dahil ba dakila silang chismosa?

"Ayaw sabihin ni Madam!"

"Kabilin-bilinan daw, wag ipagsabi sa iba hanggat hindi sila nakakasal!"
Napatango nalang si Flann dito.

𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon