"Kuya pogi!"
Napatingin si Flann sa pintuan ng sumigaw si Flynn. Napangiti siya ng nakita si Ryder."Hello baby boy! Ready ka na bang umuwi?"
Tanong agad ni Ryder kay Flynn ng kargahin niya ito. Ilang araw din sila sa ospital. Laking pasasalamat ni Flann kay Ryder dahil hindi siya iniwan nito. Hindi umalis si Ryder sa tabi niya habang nandito sila sa ospital."Opo kuya pogi! Ayoko na dito!"
Hindi na din gaanong masakit ang sugat ni Flann. Napangiti si Flann ng makitang close na close ang dalawa. Sa onting panahon nila na magkasama ay napalapit na ang loob ni Ryder kay Flynn. Sino nga bang hindi lalapit ang loob sa cute at bibong bata na si Flynn?"Dapat kumain ka na sa oras! Hindi nagpapalipas ng gutom para hindi ka na bumalik dito"
Bilin sakanya ni Ryder. Ngumiti naman at tumango si Flynn sakanya. Pinisil nito ang pisngi at hinalikan sa noo."Cute mo talaga!"
Humagikgik naman si Flynn at lalo pang mas yumakap kay Ryder."Bae?"
Tumingin si Flann kay Ryder ng tinawag siya nito. Nag-aayos kasi siya ng gamit at uuwi na sila sa bahay nila. Lunes na ngayon. At umabsent pa silang pareho para matutukan si Flynn."Hmmm?"
Sagot ni Flann sakanya habang nakangiti.Natawa si Flann ng ngumuso ito na nagpapahiwatig na gusto nito ng halik.
"Saan ba? Iyon ba?"
Loko ni Flann dito tsaka tinuro ang water bottle sa tabi niya.Sumimangot naman si Ryder. Natatawang naglakad si Flann papunta kay Ryder at walang pasabing tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Buti nalang at nakatalikod si Flynn.
"Isa pa!"
Parang batang sabi ni Ryder."Nako bae! May bata tayong kasama!"
Bulong ni Flann kay Ryder. Nakadukdok kase si Flynn sa balikat ni Ryder. Walang nagawa si Ryder kundi sumang-ayon nalang."Ayos na ba ang lahat bae?"
Tanong sakanya ni Ryder habang sinasayaw si Flynn na nasa bisig niya. Nakatulog kasi ito kanina pa. Ayaw niyang bumaba.Kung titignan mo ang itsura nilang dalawa ngayon, mukha silang mag-ama, kung itim lang ang buhok ni Flynn. Naghahanap siguro si Flynn ng kalinga ng isang ama. Kaya ayaw niyang umalis sa mga bisig ni Ryder.
"Oo ayos na bae!"
Nakangiti namang sagot ni Flann dito at nag-thumbs-up."Lets go. We're going home"
Tumango naman si Flann at kinuha ang bag na naglalaman ng gamit nila ni Flynn."Ako na kaya ang bumuhat diyan kay Flynn? Baka mahirapan ka! Mabigat yan!"
Natatawang singhal ni Flann. Ngumiti lang si Ryder sakanya at kinuha ang bag na dala niya sa isang kamay nito at ang isang kamay naman nito at naka-suporta kay Flynn."Humawak ka lang sa braso ko. Yun lang ang gagawin mo bae"
Natawa naman si Flann dahin duon. Nakangiti siyang humawak sa braso ni Ryder."Perfect!"
Singhal ni Ryder bago sila naglakad palabas.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)
Romance[Obsesiòn Amorosa Series #2] Flann is a strong independent teenager. He's taking care of his little brother. He will do everything for him. He will do anything for his good. Kahit na ikapapahamak niya pa basta para lang sa kapatid niya. What if one...