Chapter 7

184K 10.1K 2.3K
                                    

"ARKANGHEL!"


Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya habang nasa canteen kami. Isang babaeng naka-messy bun ang buhok ang papalapit sa amin at namumukhaan ko siya. Nakalaban ko siya sa spelling contest last year. Zandra ang pangalan niya. Grade 9.


"Zandra, bakit?"


"Tinitext kita hindi ka nagre-reply," nakalabing sabi ni Zandra. Ni hindi niya man lang pinansin na nandito ako at kasama ni Arkanghel.


Napakamot naman ng ulo si Arkanghel. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis dahil doon. Siguro dahil nahuli ko na ang ugali niya na kapag kinakabahan o nate-tensyon ay ganoon ang mannerism niya.


"Bakit ka pala nagti-text?" Arkanghel asked her.


"Pumunta kasi ako kina Isaiah kagabi dahil kinuha ko na iyong binili kong puppy sa kanila. Sabi ko dadaan ako sa inyo after di ba? Dumaan ako kaso wala ka naman. Mama mo lang nandoon."


"Ah, may laban kasi kami kagabi."


O? Di ba inubos niya sa akin kagabi iyong pangcompshop niya? So kanino siya nagsisinungaling? Kay Zandra o sa akin?


Hinampas siya nang mahina ni Zandra sa braso. "Hmp puro laro. Nakalimutan mo pa na pupunta ako."


"Sorry naman."


At sa harapan ko pa talaga naisipang magkwentuhan?


Parang nahurt naman si Zandra. "Ganyan ka..."


Hindi na ako nakainis kaya sumabat na ako. "Arkanghel, una na ako sa room." Kaysa mukha akong tanga rito.


"Oh, Alcaraz?" Saka lang ako napansin ni Zandra o pinansin.


Tiningnan ko si Arkanghel at hinintay ang isasagot niya, pero wala siyang sinabi. O naunahan siya magsalita ni Zandra.


"May prob ka sa subjects mo? Bat di ka sa akin magpaturo?"


"Hala wala..."


Ganoon? Kapag may kasama akong lalaki ay isa lang ang ibig sabihin? Gagawin lang akong tutor sa subjects? Ni hindi man lang nag-isip ang bruha ng mas malala. Di ko ba deserve?


"Sus. Ang shy naman this boy o." Nakangiting tumingin ulit sa akin si Zandra. "Ano, Alcaraz? Pasaway ba ito?"


"Huy Zaza!" saway ni Arkanghel.


"Sige na bye! Mamayang uwian, ha?"


Ano namang meron mamayang uwian?


Hatid-tanaw ni Arkanghel si Zandra habang papalayo.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon