Kabanata 1

8 2 0
                                    

"Wala kang kotse Hayumeia? Where's your BMW?" tanong ni Avrielle ng makarating kami sa basement.

"I'm grounded, remember?" I asked sarcastically. Pinatunog ng mga kaibigan ko ang kotse nila, okay sana all may kotse.

Nakita kong pinatunog ni Tyler ang  Hilux niya, papasok na sana ito sa kotse niya ngunit nakinig muna siya sa pag-uusap namin ni Av. Kalalaking tao chismosa. I unconsciously rolled my eye dahil bigla kong naalala ang pagsupalpal niya sakin kanina.

"Ay oo pala, so ano iyang Ducati ang gagamitin mo, safe ba iyan?" Avrielle asked.

"Kapag si Hayumeia ang nag drive, hindi uso ang salitang safe" biro nila Xyanne bago humagikhik.

Obviously ako lang pala ang mag-isang naka motor bike. Si Avrielle at Xyanne ay sasama sa sasakyan ni Dwine. Si Trixia at Kai naman sa sasakyan ni Cyrildrix.

"Kita kita nalang tao doon sa bar, Hayumeia ingat ka ha" sigaw ni Cyrildrix bago pumasok sa
sa kotse niya, ganon din sila Dwine.

Hinayaan ko munang makalabas ang kotse nila sa basement bago ko paandarin ang motorbike ko. I scanned my phone for a while kung mayroon bang phone calls or messages.

Nagulat ako ng narinig kong may sumaradong pinto ng kotse kaya hinanap ko ang tunog na iyon. To my surprise nakita ko si Tyler na lumabas sa kaniyang kotse at ngayon ay papalapit na sa direksyon ko.

Mabilis kong tinago ang cellphone ko at kumunot ang noo sakanya. He's so fucking handsome talaga! Bagay na bagay sakanya ang suot niyang black button down polo na naka bukas ang dalawang butones sa taas revealing a bit of his chest and his collar bones are so evident, that's fucking... sexy. His also wearing a nude kaki shorts.

He's also tall, dark and handsome. He could pass as a brief model. Charot! His body is in a good shape lalong nadepina ang malawak niyang braso dahil sa paghinga niya ng malalim, I think he's the same age as my Kuya. He's not too old for me naman, pwede kami. Charot!

"What?" I asked habang sinusuot ang aking soft bag kung nasaan ang bass ko.

"You're riding a motorbike?" he asked in disbelief, wala atang tiwala sakin ito eh.

"Oo naman," I said confidently.

"It's safer kung sasakay ka nalang saakin" seryoso niyang sinabi. Namilog ang mata ko dahil sa dirty thoughts na naisip ko. Hinahamon ata ako nito. Charot!

"Pereng eng beles nemen," sabi ko sabay tago ng mga takas na buhok ko sa likod ng aking tenga tsaka pabebeng ngumiti.

"What the hell are you saying?"

"Wala! Tumabi ka nalang" I blurted out.

"I'll just use my motorbike," I said before starting the engine.
Nag hair flip pa ako sakanya bago umalis.

Hinarurot ko palabas ang aking sasakyan tsaka agad nakita ang hilux niya na nakasunod saakin. I unconsciously smirked with the idea of maneuvering my motorbike para hindi ko makita ang kotse niya.

Mas lalo kong binilisan ang takbo dahil konti nalang naman ang sasakyan. Nag over take ako sa iilang sasakyan. I'm used to this dahil sumasali ako sa car racing at motorcycle racing.

I took a glimpse on the side mirror para makita kung may nakasunod pa sakin,I didn't saw his car. Bagal amputa!

Nakarating ako bar at pagkapasok ko palang ay sumalubong na ang ingay ng naglalakasan na mga speakers, pati ang hiyawan ng mga tao ay dumagundong sa loob ng bar. This is an exclusive bar kaya nothing illegal is happening inside at halos lahat ng tao dito ay high-end. Charot!

Ride Home (Limasawa Series 2)Where stories live. Discover now