Kabanata 3

3 0 0
                                    

The following days were the same. I go to school after that I'll go straight on our home then sleep, eat and repeat. My Kuya went back to Manila for study kaya madalang lang akong lumabas saaking kwarto dahil I'm just so scared to interact with my Mom. Hindi ako sanay dahil growing up it was Manang Ester and Kuya Brent who I talk to, sila ang nasa tabi ko dahil puspos sa trabaho sila Mommy at Daddy.

I isolated myself in my music room this time. My music room screams evident minimalism as well. Ako ang nag paint ng walls nito, I matched the colors of it sa color ng room ko. Nagagalit nga ang Mommy ko dahil hindi akma sa theme ng bahay namin ang design ng music room at bed room ko. Tropical Glam and concept na gusto ni Mommy pero minimalism ang gusto ko.

May band posters din dito ng Ben and Ben, Eraserheads at IV of Spades. Spacious ang room na ito dahil gusto ni daddy na maging komportable kami 'pag dito nagja-jam. Actually I can play all band instruments it's just that I'm better at playing the bass kaya iyon ang position ko sa banda. Nilinisan ko ang mga instruments ko ngayong araw kahit kakauwi ko lamang sa school at hindi pa nakakapag bihis.

While arranging my bass guitars, biglang sumagi sa isip ko si Tyler. I wonder if his future wife or whatsoever is now using my dream bass. The fuck, I can't imagine someone using that aside from me! I know dapat noon ko pa binili 'yon, I actually cn buy it naman but I want to work hard for it and use my own money.

Mabilis akong umupo sa couch sa loob parin ng aking music para magpanhinga saglit.

"Meron kaya siyang soc med account?" I asked my self bago buksan ang cellphone.

I searched his name as Tyler Khalil Ortiz. Madaming lumabas na account kaya pinindot ko ang pinaka unang account sa list. Bakit wala siyang profile picture? Pa mysterious ka ghorl?

I first checked on his info. He's currently studying BS Political Science at De La Salle University. So he's not a lawyer pa, lawyer in the making palang. Tanging iyon lang ang nakalagay sa information niya. Grabe pa mysterious talaga, kahit birthday ay hindi nakalantad. Come on, ang damot naman sa info. 

I scrolled on his timelime at tanging tagged pictures lang ang nandoon. I saw some pictures of him with my Kuya Brent and some of his friends. I zoom in his picture to see his face clearly. He looks cute when he's drunk.

I spend my time stalking his facebook. I didn't get any information about him maliban sa kurso niya.

I tried searching him on Instagram. Voila! Meron siyang IG, ang display picture niya tanging ang silhouette lamang niya habang may hawak na gitara, zero following siya pero nasa 2k ang followers niya kahit na inactive naman siya. I scrolled on his feed at nakita ang iilang pictures na naka upload doon.

"what the..." napatayo ako dahil sa nakitang picture sa Instagram niya, it was his first uploaded picture. It was him with a girl na sobrang sophisticated. She's really pretty, her well defined body is superb. Who the fuck is this? So ito pala ang mga tipo niya kaya ayaw niya sa Kiddie Meal na katulad ko? I tried clicking the picture once para makita kung may naka tag ba doon. But I was wrong, walang naka tag sa picture.

Out of frustration, I accidentally double clicked the picture leaving it with a heart.

"Fuck! Nag notify na 'yon!" dahil sa gulat ay mabilis kong ibinato ang cellphone ko. Bumagsak ako sa lapag at nangisay na parang bulateng binudburan ng asin. My skirt went up revealing my short dahil sa paglulumpsay sa lapag. To my surprise bumukas ang pinto at tumambad si Manang na gulat na gulat.

Natigil ako sa paglumpasay, ngayon ay para tuloy akong isang laruan sa toys story na binalibag sa lapag.

"Hija Tang ina!" biglang lumapit sakin si Manang at dahan dahang hinaplos ang aking mukha.

Ride Home (Limasawa Series 2)Where stories live. Discover now