Kabanata 4

6 0 0
                                    

We arrived safely sa bahay namin ngunit bago kami makapasok ay sinipat ko ang braso ni Tyler. It's soaking wet.

"You're so...wet," I seriously said habang aligagang tinatabi ang payong na ginamit namin.

"Ohhh, I like it." he said jokingly and seductively kaya mabilis kong tinampal ang braso niya. Bastos!

Tinanaw ko mula sa sliding door namin ang mga bandmates ko. Nakapasok na sila, ngayon ay nakaupo sila sa sofa namin habang nag-aagawan ng remote ng TV namin. Sinalo ko ang ulo ko dahil sa kanila.

I slid our sliding door kaya mabilis kong nakuha ang atensyon ng mga bandmates ko. They all looked at my direction tsaka mabilis na lumipat ang tingin kay Tyler.

"What?!" I frantically said, umiwas sila ng tingin samin at bumalik sa mga ginagawa nila.

"Hmm, kukuhanan lang kita sandali ng shirt sa room ni Kuya." sabi ko kay Tyler tumango naman ito tsaka siya nakihalo at nakipagkwentuhan sa mga bandmates ko. Paakyat na sana ako sa kwarto ni Kuya ng bigla akong tawagin ni Kai.

"Hayumeia! Ano password ng wifi niyo?" he screamed at me enough for me to hear him.

"Bakit mo tinatanong" I said atsaka pinagpatuloy ang lakad paakyat.

"Damot naman Haya, password lang e!" nagulumihan ako sakanya. I just told him the password, tanga naman neto.

"Bakit mo tinatanong nga ang password. No space, all caps! Bobo naman Kai," I said tsaka na ulit dumiretso sa kwarto ni Kuya.

I knocked on his door at agad naman niyang binuksan iyon.

"Hmm, Kuya my friends are here...pati si Tyler," I said tsaka sa tumango tango habang kinukusot ang mata niya. Mukhang nagising ko ata siya.

"Do you need anything? May ipapabili ba kayo sa labas," he asked.

"Manghihiram lang sana ako ng shirt mo Kuya, medyo nabasa si Tyler ulan," mahinahon kong sinasabi sakanya without looking at him in the eye.

"Wow, concern naman pala. Yieeeeeee" pang-iinis ng Kuya tsaka sinudot sundot ang tagiliran ko tsaka siya dumiretso sa kanyang cabinet, I unconsciously rolled my eyes on him. Sinundan ko naman siya sa loob.

"Bakit daw pala sila napadalaw? May jamming kayo?" my Kuya continued habang naghahanap ng damit na ipapahiram kay Tyler.

"Biglaan lang din silang napadaan Kuya," I said while looking at my reflection sa harap ng malaking salamin dito sa kwarto ni Kuya. I glared at the print of my spaghetti strap, bakit ba kasi ito ang sinuot ko.

"Bababa ako mamaya, just tell me if you need anything, okay?" my Kuya said tsaka niya inabot sakin ang isang plain round neck army green shirt then he gently patted my head. I went straight to the living room at nakita silang may kanya kanyang ginagawa.

Si Kai, Dwine, at Trixia ay paniguradong naglalaro ng Mobile Legends. Si Avrielle naman ay tahimik na mangiyak-ngiyak sa pinapanood niya sa TV namin. Si Xyanne at Cyrildrix ay may kinakalkal sa ref namin. Habang si Tyler naman ay tahimik na may kausap sa phone sa may kitchen namin.

"Lods mid muna tayo lods!" sigaw ni Dwine habang seryosong nakatapat sa cellphone niya.

"Bobo mo naman lods akin yung buff e," hirit naman ni Avrielle sabay batok kay Kai.

I passed on our living room at ganoon ang mga narinig ko sakanila. I walked straight on our kitchen para iabot kay Tyler ang damit niya. He's still talking to someone over the phone kaya tumayo lamang ako doon habang nakatalikod siya at nakapamewang pa. I swallowed hard dahil sa kaba na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman.

Ride Home (Limasawa Series 2)Where stories live. Discover now