Kabanata 8

1 0 0
                                    

"Are you okay?" agarang tanong saakin ni Kuya pagkatapos niyang isara ang pinto. Bakas parin ang kaunting galit sakaniya pero unti-unti naman na siyang nagiging kalmado. 

Biglang napatulo ang luha ko dahil sa tanong ni Kuya. Naiiyak na ako sa concern niya sakin, my heart is melting right now. 

"Hush, stop crying Hayumeia. Hindi bagay Hayumeia." Kuya jokingly said then he smiled.

Nakaupo kami ngayon sa aking kama. He sat beside me habang cinocomfort ako sa mga nangyari.

We remain silent for quite a long time dahil gusto ko lang umiyak at maglabas ng nararamdaman.

In silence, there is peace. Hindi siguro lahat ng tao ay kagaya ko na mas pinipiling umiyak nalang hanaggang sa mahanap ang kahinahunan sa puso, pero 'yon talaga ang nagpapakalma saakin. 

"Thank you Kuya for protecting me," sabi ko ng makabawi habang pinapaalis ang mga takas na luha sa aking pisngi. 

"Sorry din kuya because I admit, may mali din ako" I continued.

"It's good that you're now realizing the things you have done at tumatanggap ka na ng kamalian ngayon." he seriously said, napatango naman ako.

"Protecting you from mommy doesn't mean I'm tolerating you sa lahat ng gagawin mo, you will still grow through the process. I believe in you Hayumeia." Kuya said as he patted my head bago siya lumabas sa kwarto ko. I pouted dahil patuloy na naglalaro sa isip ko ang sinabi niyang 'I belive in you Hayumeia' never in my life I received the sincerest comforting words maliban ngayon kaya naiiyak nanaman ako.

Damn it, I hate it when I cry, I hate it when I look weak pero accepting your weaknesses isn't bad at all. Lahay may kahinaan, kaya lahat pwedeng magsumikap para mas maging matibay. 

I don't know how to explain what kind of attitude I have. Sometimes I'm just a happy go lucky person, minsan naman seryoso, most of the time I don't give a fuck at everything at all. I'm an extrovert and introvert as well. Confusing.

Same routine, I isolated my self inside my room. Sinubukan kong paliguan si Mimi and she's really behave. May ilang kalmot lang siya sa braso ko pero hindi naman ganon kalalim. 

The next morning I knew that the classes were resumed kaya maaga akong nagising para maghanda. I heard noises from our kitchen meaning naghahanda na ng pagkain sila manang kaya mabilis ako nagbihis wearing my usual school uniform at dumiretso na sa kusina. Nakaalis na si Kuya pati si Mommy kaya sila manang na ang kasabay kong kumain. Habang kumakain ay mabilis kong nilabas ang aking phone at nagtipa ng message para kay Cyrildrix. 

Ako:

Oy bhie, pasundo. Thanks labyu!

Pagka-send ng mensahe ay mabilis kong tinungga ang gatas na hinanda ni manang tsaka na ulit umakyat sa kwarto para mag-ayos pa ng konti.

Sobrang maga pala ng mata ko dahil sa kakaiyak kagabi bago matulog. Mukha tuloy namamagang bayag 'tong mata ko. The fuck, unlucky day.

Ilang minuto ko pang hinintay si Cy, knowing na napakakupad kumilos nun. I played with my cat for a while tsaka ko na rin binilinan sila manang na pakainin siya sa mga oras na idinikit ko sa may refrigerator namin.

After a couple of minutes bumusina na si Cyrildrix mula sa may labas ng bahay namin, pagkalabas ko ay tumambad ang napaka pogi niyang jeep wrangler.

"Ang kupad talaga" pabiro kong sinabi ng makapasok na sa may tabi niya, nilagay ko ang bag ko sa may backseat tsaka na nag seatbelt. He remained unbothered at bakas sa mukha niya ang pagka badtrip, gandang bungad naman nito. Napailing ako sa kawalan habang tinatapat ang aircon ng sasakyan saakin. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ride Home (Limasawa Series 2)Where stories live. Discover now