I'm Just A Transferee: Kabanata X

1.7K 95 11
                                    

Dedicated to: Shaira Begueja, RonielynAtizadoItsvhelle and Reizahmimi


Kabanata X

YESHA BRIE'S POV

MAAGA akong nagising dahil sa ingay ng huni ng mga ibon, nakalimutan ko palang isara ang nakaawang na bintana kaya naririnig ko ang huni ng mga ito. Bumalikwas na ako sa pagkakahiga at inayos ang kumot na nagulo dahil sa pagtulog ko, at pumasok na sa cr bitbit ang isang tuwalya.

Mahigit kalahating oras akong nanatili sa loob kaya ng lumabas ako ay narinig ko na si Manang na kumakatok.

"Brie iha, gising ka na ba? Bilisan mo na at baka mahuli ka nanaman sa klase mo." Paalala nito.

"Gising na po manang, kakatapos ko lang pong maligo." Pasigaw na usal ko para marinig nito.

Nakita ko ang isang uniform sa bungad ng closet ko. Siguro ito na ang sinasabi ni Sam na uniform, nakuha na siguro ito ni momma kahapon sa school.

Mabilis ko itong isinuot at kinuha ang bag ko sa couch bago lumabas sa kwarto. Pagdating ko sa dining area ay nakahanda na ang pagkain ko kaya umupo nalamang ako at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos kong maubos ang agahan ko ay nagpaalam lamang ako saglit kay manang bago tinungo ang sasakyan ko. Mabuti naman at maayos itong naiuwi kagabi ng driver.

Dagli akong sumakay at minaneho na ito patungong university.

Pagkarating sa parking lot ay maayos kong pinasok ang sasakyan at bumaba. Hindi pa man ako nakakahakbang papalakad papunta sa room ng may biglang nag alis ng eyeglasses ko at tinakpan ang aking mga mata.

"Who are you?" Tanong ko sa kung sino mang taong nasa likod ko.

"Give me my eyeglasses you bastard." Dagdag ko pa.

Naramdaman kong inilapit nito sa kanang kamay ko ang salamin ko ngunit hindi parin nito inalis ang kamay na nakatakip sa mga mata ko.

"Ano ba! Alisin mo nga ang kamay mo kung sino ka man." Singhal ko.

"Who am I baby?" Malambing na saad ng pinaka-pamilyar na boses.

"H-herrand?" Patanong na banggit ko sa pangalan nito. Nang tinanggal nito ang pagkaka takip sa aking mata ay agaran kong ibinalik ang salamin at humarap sa kanya.

"Ang galing mo naman, nakilala mo agad ako." Hindi ko alam kung bakit napangiti ako ng makita kong may sumilay na ngiti sa kanyang labi. Para bang nagiging komportable na ako sa tuwing kasama ko siya. And the way he talks using tagalog language makes me feel flurry.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Waiting for you?" Parang hindi pa siguradong sabi nito.

"Bakit?"

"Because I'm your suitor, hindi pa ba sapat na dahilan yun?" Diretsahang sabi nito.

"Ah okay." Tanging nasabi ko at tumalikod na dito at nagsimulang maglakad. Naramdaman ko namang sumunod ito hanggang sa tumapat na ito sa akin at sabay na kaming naglakad.

Nabigla ako ng bigla nitong hinawakan ang kamay ko. He intertwined our fingers that made us look like a couple. Balak ko na sanang alisin ang kamay ko sa pagkakahawak nito ng mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak, kaya wala akong ibang nagawa kundi hayaan na lamang ito. Nakayuko lang ako habang naglalakad dahil nahihiya ako sa mga estudyanteng nakatingin sa magkahawak naming kamay.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now