I'm Just A Transferee: Kabanata XIII

1.5K 92 5
                                    

Dedicated to: Noraine Jacob NoraineAngel 

Trisha Blythe Binibining_kitty,   Gheera May Gonzales Gheeramay,   Ashley Kate Imperial Flores  Aeyshlye_wp 


Kabanata XIII

YESHA BRIE'S POV

KASALUKUYAN akong naglalakad sa isang dalampasigan, tanging ako lang ang tao. Napakatahimik ng lugar, tanging hikbi ko lamang ang naririnig. Walang kahit sinong tao akong malapitan, dahil sa patuloy kong paglalakad kadiliman na lamang ang aking nakikita.

Napakalakas ng hampas ng alon na lalong nagpatakot sa akin. Hindi lang dahil sa malamig na ihip ng hangin ang nakapagpapakilabot sa akin, pati ang katotohanang wala akong kasama ay mas lalong nagdagdag sa takot na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hanggang sa bumagsak ako kasama ang aking tinatapakan.

"AHHHHHHH!" sigaw ko at napabalikwas ng higa.

Isang panaginip, masamang panaginip. Kumuha ako ng isang basong tubig na nasa miniref ko dito sa kwarto at hinagilap ang cellphone ko sa kama.

4:30 AM palang pero gising na ako. Alam kong hindi na ako muling maka ka tulog dahil sa panaginip na patuloy na bumabagabag sa aking isipan.

Bakit ako nasa dalampasigan? Bakit ako nasa dagat na walang ibang tao kundi ako.

Sinulyapan kong muli ang aking telepono at tiningnan kung may text o tumawag man lang ba si Herrand, ngunit nanlumo ako ng wala akong makita ni isa na galing sa kanya. May isang mensaheng galing kay Sam, nangangamusta lang.

Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame. Hanggang sa di ko namalayan na umaga na pala. Bumaba ako ng kwarto ng hindi nagsusuklay. Nakakaramdam na kasi ako ng gutom kaya dumiretso na ako sa kusina.

Nadatnan ko si Momma na nagbabasa ng dyaryo at may tasa ng kape sa kaliwang kamay.

Hindi naman ako nito nakita kaya nagtuloy tuloy lamang ako sa paglalakad.

"Oh iha, gising ka na pala. Anong gusto mong agahan at ipaghahanda kita." Manang said.

Tumigil siya sa pagwawalis at akmang pupunta na sa kusina para magluto ng pigilan ko ito.

"Ako na ho ang magluluto manang." Magalang na sabi ko at naunang pumunta sa kusina.

Kumuha lamang ako ng ready to cook na pancake o tinatawag na hotcake mix. Madali lang naman itong lutuin dahil may nakasulat naman sa lalagyan nito kung paano.

Pagkatapos kong magluto ay agad ko itong isinalin sa isang plato at kumuha ng chocolate syrup.

Nang maayos ko na ang lahat ay naglakad na ako patungo sa harap ni momma dala dala ang niluto ko. Abala pa rin ito sa pagbabasa. Tiningnan ko naman ang header ng binabasa nito.

'Tashiba's Daughter Update!' yan ang nakasulat sa header. Siguro ay nahanap o may lead na sila sa anak nila.

"Good morning po!" bati ko kay momma. Naagaw ko naman ang atensyon nito.

"Magandang umaga honey." bati nito pabalik at tinignan ang hawak kong pagkain.

"You want?" nakangiting alok ko dito.

"Can I have some? Anong tawag dito?" tumango ako at binigyan siya. I know na hindi alam ni momma kung anong tawag dito. Lagi siyang kumakain sa mamahaling restaurant at hindi ganito ang pancake na sine-serve doon.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now