I'm Just A Transferee: Kabanata XXII

1.4K 83 10
                                    

Dedicated to: itsdddymph , blubibue , misspheem19 , mownethshammil 


Kabanata XXII

SOMEONE'S POV

 SA isang tagong lugar ay may dalawang taong nag sisigawan. Nakakatakot ang babae ngunit parang wala lang ito sa lalaki. Nang maramdaman ng babaeng hindi niya ito matitinag sa sinasabi niya ay dinamay na nito ang taong mahal na mahal ng binata.

"Mas mayaman ka, pero mas kinatatakutan kami. Ngayon mamili ka, ako o ang kamatayan niya?" Malademonyong saad ng isang dalaga habang may hawak na baril sa kanyang kanang kamay.

"Wag na wag mo siyang gagalawin, dahil oras na malaman kong saktan mo siya, malilintikan ka sakin." sigaw naman ng binata.

"Tinatakot mo ba ako? HAHAHA sad to say, hindi ako natatakot sa pananakot mo!" nakangising ani nito sa binata.

"Ano na? Pumili ka, ako o ang kamatayan ng mahal mo?" paguulit ng dalaga.

"Gagawin ko ang gusto mo, wag mo lang siyang sasaktan." pagsuko ng binata.


YESHA BRIE'S POV

 ILANG linggo ang nagdaan mula nung pumunta kami sa park. Hindi na kami nakakapagkita ni Herrand dahil busy nanaman ito. Sa loob ng isang linggo ay tumatawag nalamang ito saakin para mangamusta. Pero nitong araw ay wala ito maski anong paramdam.Papunta ako ngayon sa university para kunin ang mga naiwan kong gamit sa locker na kakailanganin ko ngayon. Mag aadvance reading na rin ako para sa susunod na sem. Ngayong araw lang kasi pwedeng magpapasok sa university dahil nga sarado ito dahil sembreak.

Sabi sakin ni momma ay may lead na siya sa kung sino ang tunay kong mga magulang ngunit kailangan niya pang maghanap ng mas marami pang patunay. Sa katunayan ay nakaramdam ako ng saya ng marinig ang sinabi nito.

Wala parin akong balita kay Sam simula ng matapos ang First Sem. Basta ang alam ko lang ay abala ito.

Pagdating ko sa parking lot ay marami narin akong estudyanteng nakita. Naguusap usap ang mga ito ngunit natigil lamang ng makita ako.

Nagsimula itong magbulungan na ikinakunot ng aking noo.

"May boyfriend na nga, nakuha pang makipag landian sa iba." sabi ng isang babae sa kaliwa ko.

Ha? Ano bang nangyayari?

Napatingin ako sa bulletin board dahil may mangilan ngilan ditong estudyante. May nakita akong nakadikit sa board kaya lumapit ako.

And there I saw pictures of me including Mark. Ito yung araw na tinulungan niya ako noong pinagsasapak ako ni Jersel. Meron ding kuha sa litrato na pinupunasan ni Mark ang luha ko. At nung nakangiti kaming dalawa.

"What's the meaning of this Yesha Brie?' baritonong boses na nanggagaling sa likod ko. Ang mga estudyante kaninang nasa tabi ko lamang ay biglang nawala.

Tumingin ako sa taong nagsalita, and there I saw Herrand, staring at me blankly. Napakadilim ng aura nito na naging dahilan para makaramdam ako ng takot.

"Herrand." tanging nasabi ko dahil sa takot.

Muntik na akong mapasigaw ng marahas ako nitong hinila papunta sa silid na sabi niya ay para sakanila ng Queen.

"Herrand, nasasaktan ako." mangiyak ngiyak kong sabi ng pinaupo ako nito sa sofa.

"Herrand, ano bang nangyayari sayo?" dagdag ko pa. Nakita ko ang pagdaan ng sakit at pagaalala maging ng pagmamahal sa kanyang mga mata ngunit agad itong napalitan ng galit na ekspresyon.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now