I'm Just A Transferee: Kabanata XIX

1.4K 86 0
                                    

Dedicated to: Periwinkleblue , binibining_ginger , 

Kabanata XIX

YESHA BRIE'S POV

 MATAPOS ng nangyari sa labas ng CR ay bumalik na kami sa mesa kung saan kami nakaupo. Tapos na kumain si Tita ng bumalik kami.

"What take you so long iha? Nagalala kami sayo kaya pinasundan na kita kay Lester Herrand." nagaalala paring utas nito.

"I'm fine tita, I'm sorry for making you worried." Paumanhin ko na tinanguan niya lamang.

"So let's go? Magsisimula na ang photoshoot maya maya lang. Nandun na ang photographer ng kompanya." aya niya at tumayo na mula sa pagkakaupo.

Nang makalabas ay sumalubong saamin ang sobrang init na ihip ng hangin dahil sa tirik na tirik ang araw.

"Come here." Pagsabi ni Herrand at hinila ako papalapit sakanya. Ginamit niya ang kanyang palad para takpan ang ulo ko upang maiwasang mabilad sa araw. Nang malapit na kami sa sasakyan ay pinagbuksan agad kami ng driver ng kotse.

Katabi ko ngayon si Tita sa bandang kaliwa at sa kanan ko naman ay si Herrand, napapagitnaan nila ako.

"Ma'am saan po ang sunod niyong pupuntahan?" magalang na tanong ng driver sa kanyang amo.

"Let's go back to the company, the shoot will start at 1:15 in the afternoon." sagot naman ni tita. 

Napatingin ako sa relo ko at malapit na palang mag ala una.

Ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa harap ng kompanya, muli akong inalalayan ni Herrand pababa habang may lumapit naman na body guard para payungan si tita. Naglakad kami papasok sa building, kaliwa't kanan ang pagbati saamin ng magandang hapon na nginitaan lamang naming dalawa ni tita, dahil kahit ngiti o tango ay hindi man lang magawa ni Herrand.

Pagkarating namin sa office ay nadatnan naming may nakaupo malapit sa mesa ni tita.

"Oh Melinard, nandito ka na pala." pabungad na bati ni tita sa binata.

"Magandang hapon sainyo, magsisimula na ho ba tayo?" magalang na tanong niya at isa isa kaming nginitian, ng tumingin ito saakin ay agad akong hinila ni Herrand papalapit sakanya.

"Lester and Brie, pumunta na kayo sa shooting hall ng kompanya at ng makapagsimula na." pormal na saad ni tita at may sinabi ito sa tinawag niyang Melinard na magiging photographer namin.

Sinunod naman agad namin ang sinabi ni tita. Pagkarating sa hall ay kita kong abala ang ibat ibang empleyado sa kani kanilang ginagawa. May nagaayos ng mga damit, may nag aayos ng camerang gagamitin at iba pa.


~*~

"So let's start!" anunsyo ng photographer.

Kasalukuyan kaming nagbibihis ni Herrand ng damit. V-neck white T-shirt ito at may nakapintang 'His Property' at ang kay Herrand naman ay 'Her Property'. Isa itong couple shirt, nakasuot din ako, maging si Herrand ng maong short para sa pang ibaba.

"Position! Sir Lester akbayan mo si Ms. Brie at ikaw naman Ms. Brie ay humawak sa bewang niya." Utos nito na agad rin naming sinunod.

Nakatayo ako sa kanan ni Herrand habang nakayakap ang isa kong braso sa kanyang bewang habang siya naman ay naka akbay ang isang braso saakin.

"Okay, that's nice. one, two, three." bilang ng photographer na si Melinard.

"Change clothes!" utos muli nito ng matapos kuhanan ang bawat anggulo namin.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now