I'm Just A Transferee: Kabanata XIV

1.5K 82 4
                                    

Dedicated to:  Kristine Bengil  Krizzyako 

Janice Adayo Bagobo ghenzlhehzx02, Schuyler Charlisle  Misspheem19


I'm Just A Transferee: Kabanata XIV


Kabanata XIV

YESHA BRIE'S POV

KAY bilis matapos ng araw at ngayon ay lunes na naman. Kasalukuyan akong naghahanda para sa pagpasok ko sa paaralan. Kahapon ay wala man lang paramdam si Herrand, baka ay sobrang busy nito.

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba, kaba na hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit.

Minadali ko na ang aking pag ligo at pag bihis. Lumabas ako ng aking silid na dala na ang aking

bag. Nang makababa ako sa may sala ay tinawag agad ako ni manang para kumain.

"Kumain ka muna, maagang umalis ang mama mo dahil may importante daw itong lakad at ipinagbilin ka niya sa akin." sabi nito. Kung napapansin niyo ay si manang lang ang laging uma-asikaso sa akin. Sa katunayan hindi lang si manang ang katulong namin sa mansyon na ito.

Mahigit sampu sila ngunit bihira ko lamang makita ang iba dahil may sari sarili itong inaasikaso sa mansyon.

May ibang katulong na nakatoka lamang sa hardin, ang iba ay sa mga kwarto, ang iba naman ay sa swimming pool, at si manang naman ang nakatoka sa akin.

"Manang, normal po bang kinakabahan kahit hindi mo naman alam ang dahilan?" tanong ko dito, nakakunot noong nilingon ako nito bago nagsalita.

"Bakit Brie? Kinakabahan ka ba ng walang dahilan?" tanong nito na ikinatango ko.

"Kasi manang kanina pagkagising ko lang nakaramdam na ako ng kaba kahit wala pa naman akong ginagawa at wala naman akong ginawang masama." Parang batang sumbong ko dito.

"Aba'y huwag kang mag drive ng kotse mo, magpahatid ka sa driver niyo. Naiintindihan mo ba ako Yesha Brie?" dahil sa sinabi nito ay hindi ko naituloy ang pag subo sa sana'y pagkain na nasa kutsara ko na.

"Ha? Bakit naman po manang?" naguguluhang tanong ko dito.

"Ay basta, makinig ka nalang saakin Brie. Magpapasama rin ako ng isang body guard na magbabantay sayo kahit sa malayo lang. Ano ba namang bata to." pahinang pahina ng sabi nito na kahit ang huling sinabi niya ay hindi ko na narinig.

"Bakit pa po kailangan ng bodyguard? Manang sabihin niyo nga sa akin kung bakit ganyan kayo umasta?" magalang parin na tanong ko.

"Sabi kasi sa akin ng mama ko noon, kapag kinabahan ka na hindi mo naman alam ang dahilan ay may masamang mangyayari." mahinang sabi nito.

"Totoo po ba yun manang?" paninigurado ko pa.

"Aba'y hindi ko alam Brie, basta't yun ang sabi sa akin ng magulang ko. Bahala ka na kung paniniwalaan mo ako. Basta ang gusto ko lang ay maging ligtas ka." Nag aalalang sabi niya.

"I'll take the driver manang, but not a bodyguard. Para naman akong bata niyan eh." Nakangusong sabi ko.

"Sige, nakung bata ka. Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng ikapapahamak mo ah?" Saad nito.

"O siya, ipagpatuloy mo na ang pagkain mo at sasabihan ko na ang driver mo na siya muna ang mag dadrive para sayo." Dagdag pa nito at dire-diretsong pumunta sa likod bahay.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now