Chapter 6

952 48 31
                                    




Pagkarating sa canteen ay agad akong tumingin ng pwedeng makain dahil medyo gutom na ako ngayon. I ordered fried chicken with rice tsaka fries at cola. I need a heavy meal dahil may quiz mamaya.


Dahan-dahan kong inilapag 'yong tray ko sa harapan niya. I surveyed his tray, nauna siyang makapag-order sa akin, he has steak and rice.


Pareho lang kaming tahimik habang kumakain. Ang bilis bilis niyang kumain, kalahati palang 'yong nakakain ko samantalang siya, tapos na. Tila nagmamadali lagi. Hinayaan ko nalang siya, pinagpatuloy ko nalang 'yong pagkain ko at inisip 'yong quiz mamaya sa Math. Okay na din naman, nasagot na 'yong mga tanong na bumabagabag sa isip ko. I glanced at him again at nakita kong kinakalikot na niya ngayon 'yong phone niya. During the first time that I talked to him here, umalis agad siya after he ate, nakakagulat lang na nanatili siya ngayon. Naisip niya na rin kaya na medyo rude 'yong ginawa niya non? Tss. It doesn't seem so. Binilisan ko nalang ng very slight 'yong pagkain ko.


Hindi pa rin siya umaalis. Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na 'yong pinagkainan ko, that's when he also stood up and did the same with his tray.


"Babalik ka na sa room?" I asked him no'ng makalabas na kami ng canteen.


"Oo." Iyon lang 'yong sagot niya at nagpatuloy na sa paglalakad, nakasunod lang ako sa kanya dahil ang bilis niya masyadong maglakad.


Wala pang tao sa room, wala pa 'yong mga classmates namin dahil hindi naman kasi tumatambay 'yong mga 'yon dito kapag break-time.


"Do you have any other questions?"


Umiling lang ako bilang sagot dahil naintindihan ko naman na ngayon, sana lang mataas 'yong makuha ko mamaya sa quiz. Nagbasa nalang ako sa ibang subject samantalang siya ay naglalaro yata ng games, I'm not sure dahil nando'n din siya sa upuan niya.


Few minutes passed at nagsidatingan na rin 'yong iba naming classmates. Ang ingay nanaman nila. Nadia is looking at me pero hindi naman siya nagsalita. Nagtataka ako, may gusto kaya siyang sabihin? She should talk to me kung mayroon man, gano'n din naman 'yong ginagawa niya dati.


No'ng Math time na namin ay muli nanaman akong kinabahan. Ewan ko ba, gano'n talaga ako, kinakabahan pa rin kahit nag-aral naman. I'm always anxious and I know it's not healthy.


Our teacher wrote the problems on the board, 15 items pero kailangang ipakita 'yong solution sa lahat ng problem. Inalala ko nalang 'yong mga nireview ko at nagsimulang magsolve. It was okay, I smirked when she gave us a problem without an answer again, seems like she really like playing a trick on us, good thing I asked Samuel earlier.


Natapos ko 'yong quiz ng nakangiti. It was the first time na hindi ako nag-alala sa mga sagot ko. Si Samuel kasi, he taught me how to check answers and I did that earlier. We checked the papers, and guess what? I got a perfect score. I am so happy!


Wala na kaming class after ng Math dahil may gagawin 'yong mga teachers for the upcoming school fair kaya dinismiss na kami ng maaga. Cleaners ako kaya nagpaiwan muna ako with my other classmates para maglinis. I actually like sweeping the floor, hindi ko kasi 'to magawa sa bahay because the helpers there were too scared to let me do the cleaning.


After we cleaned the room ay lumabas na rin agad ako. Agad kong tinahak 'yong malawak na football field, as usual may mga naglalaro nanaman ngayon, palabas na sana ako ng gate when I saw Samuel with some guys at sa tingin ko ay seniors na 'yong mga 'yon. Anong ginagawa nila kay Samuel? Hindi kaya? Curiousity pushed me to approach them.


"Samuel!" I called him and I immediately remembered that it's the first time I ever called his name.


Tumingin lang siya sa akin. "Ano ginagawa mo?" I asked him saka ko tiningnan yong mga kausap niya. "Who are they?" I asked again at hindi ko inalis 'yong tingin ko sa mga kausap niya. Medyo nakakatakot sila kasi ang tatangkad nila masyado, sa tingin ko nga 6 footer mahigit 'yong height nila.

Night of Falling StarsWhere stories live. Discover now