Chapter 23

687 38 15
                                    



"Congratulations, Astrid." A lot of people greeted me because Samuel and I won the title of Prom King and Queen. We both didn't expect that so we're very shocked.


A week already passed ngunit parang hindi pa rin nakakalimutan ng mga tao 'yong mga nangyari no'ng prom. Some students saw us at the garden together kaya kumalat nanaman 'yong balita na may relasyon kaming dalawa but we immediately denied it naman, dahil wala naman talaga. We're bestfriends, that's all.


Speaking of Samuel, he was so weird no'ng prom night pero kinaumagahan ay bumalik naman siya sa usual self niya. Napanatag naman ako dahil do'n kahit papaano, I honestly prefer the silent and cold version of him compared to the version na madaldal at kung ano-ano 'yong pinangsasabi, because I feel like it's not him at all.


Napahawak ako sa star pendant at napangiti. So sweet of him, alam na alam niya talaga kung gaano ako kahilig sa stars.


"I think the young Cardenas likes you." Lizlee said at sinundan naman 'yon ng mababang tili.


"Hindi. Gano'n lang talaga siguro 'yon." I almost rolled my eyes because of the thought, hindi ako papatol sa mas bata sa akin.

I think he's just a lost child.

"Saan nga pala si Samuel?"


"Training. Papunta na rin daw dito." Nakangiti kong sagot saka ako nagsimulang mag-ayos ng gamit.


"Mag-aaral kayo?"


Tumango nalang ako sa tanong niya. Ngumiti siya ng matamis no'ng nakita niyang parating na si Samuel.


"Nandito na pala. Maiwan na kita." She teased before going away. Ewan ko ba sa kanya, lagi parin akong inaasar kahit alam naman niyang wala namang kung ano sa aming dalawa ni Samuel.


"Gets mo na rin naman ba?" He asked, tumango lang ako. Habang tumatagal mas nagiging madali ko ng maintindihan 'yong Math, I'm proud na minsan ko nalang din kinakailangan 'yong tulong niya. And I know, kung hindi dahil sa kanya ay hinding-hindi magiging madali sa akin 'to.


"You're already too good, Astrid."


"Thanks." Kahit ilang beses niyang ulitin ay hindi ako magsasawang magpasalamat sa compliments niya. He's the best Math tutor for me.


Sa loob ng maraming tao ay marami na kaming pinagsamahan, we went to competitions together, we won together, and sometimes we fail together. We're even known as the iconic duo in our school kaya karamihan din ay nag-iisip na baka mas malalim pa sa friendship 'yong mayroon kami. But hell, that's hilarious. For me, he's my friend, my brother, my family.


"Julianna! Congrats!" I'm surprised, dahil sunod-sunod 'yong pagcongratulate ng mga kaklase ko sa akin.


"What is it all about?" I asked Samuel and he looked at me like I'm joking. What? Hindi ko talaga alam dahil sa dami ng inaasikaso ko, palapit na 'yong exams, marami pang projects sa SC, and uh, pati 'yong mga requirements namin for finals.


"The entrance exam result, Astrid." No'ng marinig ko 'yong sagot niya ay awtomatiko akong napakalkal ng bag para mahanap 'yong ipad ko. Naglog-in agad ako sa portal at halos gusto kong tumalon dahil sa nakita ko.


"Oh my! I topped the exam, Samuel!" Siguro sobrang lapad na ng ngiti ko ngayon.


"Congrats, I'm so proud." Aniya saka siya nagpakawala ng isang malaking ngiti. Sa sobrang saya ko ay hinila-hila ko pa 'yong uniform niya.


I also searched for his name and I saw him on the third spot.


"Top 3 ka!" Masaya kong sabi at ipinakita ko pa sa kanya 'yong nakalagay sa screen.


Night of Falling StarsTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang