Chapter 22

720 34 17
                                    



"Hey! Bilisan mo!" I shouted at Samuel dahil magsisimula na ang parada para sa Luna del Fuego Sports League. Kaming dalawa ang nakatalagang magdadala ng banner ng Harisson University.


"Tss. It's still early." Reklamo niya habang sumusunod sa akin.


"Pero 'yon iyong bilin sa akin."

Dahil desidido talaga ako sa pagmamadali ay hindi na rin siya nagreklamo pa at sumunod nalang sa akin.


Halos patakbo naming tinahak 'yong malawak na field mula sa gate ng LDF sports complex hanggang sa may harapan ng stage, kung saan nakaassemble 'yong parada.


Bigla naman akong naconscious dahil sa dami ng mga estudyante mula sa iba't ibang school, kabilang na 'yong mga nasa kabilang bayan, kahit 'yong mga nasa liblib na munisipyo.


I fixed my hair when the strong wind blew. Dapat pala ay nagtali ako ng buhok.


"Julianna!" Agad akong napalingon upang hanapin 'yong pinanggalingan ng pamilyar na boses na 'yon.


I smiled when I saw Kristianna Isabella waving at me, she's with the other students of Oak Hills High School, pamilyar 'yong isa niyang kasama, the Lim heir.


"Sino 'yon?" Samuel asked when he saw me looking at them.


"Kristianna Isabella Singson, the governor's daughter."


Hindi naman siya nagtanong ulit at ifinocus nalang ang tingin sa nagsasalita sa harap. The parade was already set to go when a man with weird clothing climbed the stage and started shouting.


"May bomba! May bomba!" Because of what he said ay agad nagkagulo ang mga tao. Gosh! I also felt my knees trembling at tila nawawala nanaman ako sa sarili ko. Good thing Samuel held me.


"Tara na Julianna." Hinila niya ako at nagpatangay nalang ako dahil hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta at kung ano bang gagawin ko, I don't have a freaking bodyguard with me dahil hindi naman inaasahan na magkakaganito. Patuloy pa ring nagkakagulo 'yong mga tao at napansin ko rin na nagsidatingan 'yong mga sundalo mula sa kampo na nasa hindi kalayuan.


Damn! Ngayon lang yata nagkaganito dito sa Luna del Fuego! Banta ba 'to ng terrorism?


Nahimasmasan naman ako no'ng binuksan ni Samuel 'yong sasakyan nila at ipinasok ako do'n. Agad ko namang naramdaman ang pag-alis ng sasakyan nila.


"Saan tayo pupunta?" I asked him, hindi naman siya sumagot agad, sa halip ay inabutan niya ako ng tumbler na may lamang tubig.


"Calm yourself first." Ginawa ko naman 'yong sinabi niya pero agad naman akong ginapangan ng kaba no'ng makita ko na papunta na sa amin 'yong daang tinatahak ng sasakyan.


"Samuel don't tell me.."


"Ihahatid kita sa inyo, don't go out yet hangga't hindi pa naaayos 'yong gulo sa bayan. It's dangerous." Tumango naman ako because it's actually a good idea.


"Paano ka?"


"Don't worry. Uuwi na rin agad ako."


I sighed. I didn't expect that a supposed to be beautiful day will be ruined in a snap.


"Dito nalang.." Agad kong sabi no'ng makita ko 'yong kanto na malapit sa amin.


"No, Astrid. Kuya, sa gate po nila mismo."

Ha? Pero wala naman si Mom ngayon kaya okay lang. Tumango nalang ako.


Agad akong bumaba pagkarating namin sa tapat ng gate.


Night of Falling StarsWhere stories live. Discover now