"Oh my gosh! Ayan na si Samuel!" Napapikit nalang ako dahil sa ingay, hinihintay ko si Samuel sa may gate. Ngayong nandito na siya ay halos magtilian nanaman 'yong mga fangirls niya. Hay. Simula no'ng naging member siya ng junior varsity team, mas dumami na 'yong mga tagahanga niya, umabot pa sa ibang school at munisipyo. Nakakaloka!"Tss. Parang gusto na nila akong patayin." I whispered to him no'ng makalapit siya.
"Bakit naman?" Curious niyang tanong sa akin. Hindi ako naniniwalang hindi niya alam, patay-malisya lang 'yan.
"Ewan ko sayo! Tara na nga!" Sabay naman kaming pumuntang library after no'n, ngayon lang siya walang training kaya ngayon lang din kami makakapag-aral ulit, tsaka next week na kasi 'yong exam.
At kahit nasa library na kami ay hindi pa rin siya nilulubayan ng mga fangirls niya, kinukunan pa siya ng picture. Grabe ha? Artista ba siya?
"Hindi ako makapagfocus." Seryoso kong sabi sa kanya. "Fans mo oh." I looked to the left side kung saan may kumukuha ng picture or video or whatever sa kanya.
"You're just paranoid." Wow! Ako paranoid? Obvious kaya, sa paraan palang ng paghawak ng phone! Samuel is so dense!
"Mamaya na nga lang tayo mag-aral!" Medyo inis kong sabi pero syempre kinakalmahan ko pa rin. Baka mamaya kunan nila ng video at ikalat pa, sabihin pa na may LQ kami kahit hindi naman kami lovers.
"Ha? Paano?" He asked, furrowing his brows.
"Pumunta ka sa bahay!" I said saka ko sinimulang ligpitin 'yong mga gamit ko.
"Are you serious?" Sinamaan ko siya tingin pero sandali lang 'yon.
"Mukha ba akong nagbibiro? It's for convenience. Kapag sa bahay, hindi limited ang time natin, unlike here tapos ang dami pang..." I looked around. He probably understood that naman kaya tumango siya.
"Okay. I'll come over." Aniya saka niligpit na rin 'yong mga gamit niya.
It was already past seven when he arrived at our house. Binuksan ko agad 'yong pinto para makapasok siya.
I looked at his outfit. Black shirt and faded maong pants. Simple lang pero..hmm! Oo na, aaminin ko na, medyo malakas 'yong dating niya, medyo!
We studied for more than 3 hours, pinilit naming tapusin lahat ng topics na covered sa exam namin. Medyo nakakabangag, kaya after that we decided to watch a movie to deal with the aftermath of studying so hard.
Nakasandal kaming dalawa sa headboard ng kama ko habang nanunuod ng Sherlock Holmes. He's just seriously watching while I'm sometimes looking at him because I'm bothered, may kalmot kasi sa face niya.
"Why?" He looked at me, maybe nagtataka siya kung bakit kanina pa ako tingin ng tingin.
"Sino kumalmot sayo?" Wala pa naman kasi 'yon kanina no'ng nasa library kami.
"What?" I pointed his cheek, pero mukhang hindi pa rin niya gets kaya hinawakan ko nalang 'yon at lumapit ako ng bahagya para tingnan 'yon.
"Eto." I examined it, pero hindi ko maiwasang mapatingin sa mata niya na nakatitig sa akin ngayon. "Bakit?" I asked him because his gaze is making me uncomfortable now.
He didn't answer, hinawakan lang niya 'yong kamay ko habang nakatitig pa rin sa akin. After few seconds, inilayo niya 'yong kamay ko sa mukha niya at umiling-iling siya. Anyare ba?

YOU ARE READING
Night of Falling Stars
RomanceBecause of people's high expectations and the trauma that she's suffering, Julianna Astrid encountered difficulties in dealing with people and in discerning what she really wanted to be. But everything changed when she met Samuel, the introverted Ma...