~~~
"Besh ikaw naman magkarga kay Baby Kyrie." Sabi ni Ella at hindi pa man ako nakakasagot inabot na niya sa akin.
"Besh hindi ako marunong eh." Sabi ko pero tinitigan ako ng masama ni Ella.
"Parang marunong ako ah. Hindi rin naman kaya bilisan mo na." Kinuha ko si Kyrie at sakto naman na pagkakarga ko sa kanya bigla siyang ngumiti kaya hindi ko rin tuloy maiwasan na mapangiti dahil doon.
"So cute... hawig na hawig ni Baser ah." Sabi ko kaya nagtawanan kami.
"Sinabi mo pa Ly. Hay nako! Basta ang tanda ko gustong gusto kong nakikita si Baser. Ilang beses pa nun na kapag nag oovertime siya inaaway ko siya kaya ang ending uuwi na siya tapos tititigan ko lang kaya ayan ang resulta. Kahit na hindi mo na sila pagtabihin pa alam mo kaagad na mag-ama dahil sa magkamukha talaga sila." Tumawa kami after magkwento ni Justine.
Tinitigan ko si Kyrie at pilit niya akong hinahawakan sa mukha kaya naman nilapit ko siya sa akin. "Kiss mo si Ninang ha? Ako ba favorite mong Ninang? Huwag mo ng pansinin mga Nianng mo dito sa table kay Nangnang Alyssa lang ha." Pagkausap ko sa kanya at napangiti ako lalo nung tumawa siya na parang sumasang-ayon sa sinabi ko.
"Hoy! Huwag mong turuan ang bata ng ganyan Alyssa." Lumapit si Ella sa amin. "Kyrieee ako pinakamaganda mong Ninang diba? Walang sinabi si Ninang Alyssa at Ninang Gretchen."
"Napakagaga mo Jorella!!" Sabi ni Gretchen. "Turuan daw ba ang bata ng mga kasinungalingan."
"Ang yabang nitong HO na to. Matangkad ka lang mas maganda pa din ako."
"Besh magkape ka nga ng madalas para naman kabahan ka din ah." Sabi ko kaya nagtawanan na naman kami.
"Sige magkampihan pa kayo dyan." Naupo na si Ella at bumalik na kami sa pinaguusapan namin.
Hinawakan ni Kyrie ang kamay ko at nilalaro niya yon. Napangiti ako at hinawakan ko siya sa ulo. Ang cute cute niya talaga grabe. May baby na ang tropa namin. Nakakaexcite tuloy kapag medyo lumaki na to malamang makikipaglaro na rin to sa amin lalo na doon sa boys. Kanina ko pa sila naririnig na tuturuan daw nila magbasketball to. Akala mo talaga ang laki na nung tuturuan nila eh.
"Aba! Hindi umiiyak yang maliit na tao na yan sa Ninang niya ah." Sabi ni Kiefer at lumingon ako sa kanya. Kasama na niya sila Luigi at umupo na sa tabi namin.
"Kaya nga! Unfair tong si Kyrie eh kanina nung buhat ko yan umiiyak siya. Tapos ganon din dito kila Luigi. Justine yang anak niyo ah may favorite kaagad." Sabi ni Ella.
"Syempre tinuruan na namin yan na doon dapat siya sa mga galanteng tao. Sige pa Kyrie dyan ka tatabi sa ninong mong CEO sure ako anak maraming regalo sayo yan sa pasko at birthday mo."
"Siraulo! Ang regalo para lang sa anak mo kaya huwag ka ng umasa na makakaabot sayo yon." Tumawa kami. Sumandal ako kay Kiefer at inakbayan naman niya ako. "Love you, namissed kita." Binulong niya sa akin kaya natawa ako.
"Nandoon ka lang sa kabilang table tigilan mo ako sa mga banat mo dyan Kiefer asawa na kita kaya di na kailangan niyan."
"I love you so much then. I love you forever my wifey!"
Hinalikan ko siya sa pisngi hahalikan ko pa sana siya pero bigla akong hinawakan ni Kyrie sa mukha.
"Oh... why baby?"
"Nako! Nako! Huwag mo daw agawin ang Ninang niya sa kanya Manong." Sabi ni Gretchen. "Mukha talagang maka-Ninang Alyssa tong si Kyrie."
"Kaya nga. Ly natutuwa siya sayo talaga." Sabi ni Justine kaya napangiti ako. Sobra rin akong natutuwa sa kanya kasi hindi siya iritable sa akin at hindi talaga siya umiiyak. "Ly pwede niyong hiramin si Kyrie sa amin." Nagulat ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Once Mine, Always Mine
Fanfiction"True love stands by each other's side on goods days and stands closer on bad days."