CHAPTER 42

1.6K 54 6
                                    

~~~

Hinawakan ko si Tiffany sa pisngi at hinalikan siya. "Go to daddy na baby." I said and smiled to her. Nakatingin lang siya sa akin. "Theo..." hindi ako pinapansin ni Theo at busy lang din siya sa paglalaro. Talaga tong dalawa na to mukhang nawala na sa mood. Nakayakap lang sa akin si Tiffany at panay ang tingin niya sa kusina kung nasaan nandoon si Kiefer.

Kausap niya ang isang maid doon at mukhang seryoso rin ang usapan nila.

"Da..." bulong ni Tiffany kaya napangiti ako.

"You want to go to Dada?" I asked her pero umiling lang siya at nagpababa na sa akin para makalaro na niya si Theo.

"May mga bawal ba silang kainin?" Tanong ni Kiefer sa akin. Tinignan ko siya.

"Magpapabili ako ng stocks hindi ko alam kung may bawal ba silang kainin."

"Peanuts." I said and smiled to him.

"Okay. May gusto ba silang mga kainin? Cake or ice cream." Tanong niya.

Pigil na pigil na yung ngiti ko dito ayaw kong makita niya dahil baka magsungit na naman. "Cake na lang ayaw ko sila masyadong sanayin sa matatamis." I said and he nodded.

Aalis na sana siys pero napatigil siya nung biglang nagsalita si Theo.

"Dada.." Si Theo at unti unting naglakad palapit sa kanya. Akala ko aatras si Kiefer pero nilapit niya lang ang wheelchair kay Theo.

"Hey buddy..." Sabi niya at ngumiti bigla si Theo.

"Da..." ngumiti ako nung hinawakan niya si Kiefer sa kamay at bigla niya akong nilingon. "Si Da...dy." sabi niya sa akin at tumango ako.

"Yes anak." I said.

Tatayo na sana ako para lumapit sa kanila pero biglang umatras si Kiefer. Napakunot noo ako dahil doon.

"Kief sandali!"

"May gagawin pa pala ako. Dito na lang muna kayo." Sabi niya at nagmamadaling pinagalaw ang wheelchair niya.

Naabutan ko si Theo na pabalik na kay Tiffany at mukha naman hindi siya naiiyak. Ayos na rin siguro yon diba? Kasi atleast pinansin niya si Theo. Maayos na yon kaysa naman itaboy niya na naman.

Sinundan ko si Kiefer na nagpunta pala sa likod ng bahay na to at naabutan ko siya na may kausap na medyo may edad ng matandang lalaki.

"Mang Ramon salamat po ha. Malapit na pala tayong mag-ani yung mga pataba po malapit na rin yon dumating."

"Oo nga hijo. Di bale nakaready naman kaming lahat sa araw ng anihan kaya wala kang magiging problema sa bagay na yon." Tumango siya.

"Ahm. Mang Ramon pwede pong padagdag ako ng mangga na ipapadala niyo dito sa bahay." Sabi niya bigla.

"Osige hijo ilang kaing ba?" Nagisip muna si Kiefer.

"Kshit na isang kaing po siguro ulit. Nandito po kasi ang pamilya ko." Sabi niya bigla. Imbes na umalis ako mas gusto ko tuloy manatili dito lalo.

"Nandyan sila Sir Bong?"

"Hindi po. Ang asawa ko at ang mga anak namin."

Nagulat yung lalaki at hindi pa siya nakareact kaagad. "Ay hala Nandyan na ang mag-iina mo? Ang tagal mong hinintay ang asawa mo ah. O sige ako ng bahala sa prutas niyo. Kung may maani kaming dates at pineapple dadalhin ko dito kaagad."

"3 yeard old lang po ang kambal Mang Ramon pero sige po sigurado ako gusto ni Alyssa ang mga yon."

"O sige hijo. Nako! Dapat pala hindi ka nagtatrabaho at nandyan pala ang pamilya mo. Nakakatuwa naman kapag may gusto kayong ipaluto na pagkain sabihan niyo kami ni Seling ha kami ng bahala. Sigurado ako gwapo ang anak niyo."

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon