CHAPTER 41

1.4K 54 14
                                    

~~~

Hinalikan ko ang kambal sa mga noo nila at mas hinigpitan ang yakap ko.

"I'm sorry my babies. I'm so sorry mga anak ko." Bulong ko at pinigilan ang sarili na maiyak na naman. "I'm sorry..."

Gumalaw si Theo pero mas humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko. Kanina hirap na hirap akong patahanin silang dalawa lalo na si Tiffany. Kahit na anong tulong nila Mama sa akin hindi ko talaga sila mapatigil. Halos 30 minutes ko silang inaamong dalawa. Naiinis ako kay Kiefer kung may nangyaring masama sa mga anak ko aawayin ko talaga siya.

Hindi ko siya maintindihan bakit biglang naging ganon ang reaksyon niya?! Alam ko naman na hindi niya pa alam ang totoo pero bakit ganon siya?! Bakit kailangan niyang sabihin na ayaw niya sa mga anak ko?!

Nabubwiset talaga ako kay Kiefer. Tapos after nun bigla lang siyang umalis. Parang walang nangyari?! Parang hindi niya naririnig ang iyak ng dalawa. Ilang taon niyang hindi nakasama tapos ganon ang magiging reaksyon niya.

Ilang beses kong namimagine na sa pagkikita nila yayakapin sila ni Kiefer ng mahigpit. Ineexpect kong iiyak siya kasi finally yung pangarap namin nakuha na namin pero biglang ganon lang. Naiinis na talaga ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko?!

Napatingin ako sa kambal at magkayakap sila ngayon. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakatingin sa kanila. "Mahal na mahal ko kayo. Lahat gagawin ng Mommy para sa inyo." Hinalikan ko sila sa pisngi. "At alam ko mahal din kayo ng Daddy. Sorry mga anak."

Napatigil ako sa paghalik sa kanila dahil sa mga katok sa pintuan. Binuksan ko yon kaagad at naabutan ko pa si Mama at si Papa na nagtatalo.

"Ma, Pa." Sinilip nila ang likod ko kaya binuksan ko na yon ng tuluyan. "Maayos na po ang kambal. Nakatulog na rin po sila siguro napagod sa kakaiyak kanina." Sabi ko at ngumiti.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at pinisil yon. "I'm sorry anak." Sabi niya.

"Kami na ng Mama mo ang humihingi ng tawad sa inasal ni Kiefer kanina. Mali yung ginawa niya at alam ko nagagalit ka sa kanya." Sabi ni Papa kaya hindi ko na napigilan na mapaluha.

Sinarado ko ang pinto at sabay sabay na kaming bumaba. Si Dani kasunod lang namin. "Hindi ko po kasi maintindihan si Kiefer eh. Nagulat ako sa kanya kanina, tapos umiyak pa yung kambal dahil sa nangyari parang alam nila yung sinabi ni Kiefer." Hinawakan ako ni Dani sa likod at inalo. "Sa isip ko Mama sana nagalit na lang siya sa akin mas tatanggapin ko yon eh. Mas ayos sa akin yung galit niya kasi alam ko naman na may mali din talaga ako pero yung kanina..." tumigil muna ako at pinunasan ang luha ko.

"I'm sorry anak. Hindi ko rin alam na ganon ang magiging reaksyon niya. At hindi rin namin alam na pupunta siya dito. Matagal na yung huling punta ni Kiefer dito Ly. At kapag pupunta siya dito palagi naman siyang nagsasabi sa akin."

Tumango ako. "Mama yung kanina lang kasi talaga ang sakit sakit po. Lalo na nung sinabi niya sa akin na ayaw niya at hindi niya kayang maging tatay sa kambal. Ma sa ilang taon naming kasal palagi namin tong pinagadadasal. Alam ko rin na gustong gusto niyang magkaroon kami ng anak kaya hindi ko siya maintindihan ngayon. Nasasaktan ako Ma, sobra akong nasasaktan ngayon kasi nung kasal nila Bea nakita ko siyang close doon sa anak ni Margo nakita kong inaalagaan niya yung bata kaya bakit ganito ngayon?! Ito dugo niya ang nananalaytay. Anak niya tong mga to pero bakit ang dali lang sa kanyang ayawan ang mga anak ko!? Niyakap na ako ni Dani kaya mas lalo akong naiyak.

Nakita kong umiiyak na rin si Mama. "Pupuntahan ko si Kiefer. Kailangan namin mag-usap." Sabi ni Papa.

"Baka nabigla lang si Manong." Sabi ni Dani kaya napatingin ako sa kanya. "Ate please huwag mong sukuan ang kapatid ko." Sabi niya habang may mga luha na rin na tumutulo sa mata niya. "Mga bata pa lang kami palagi niya ng iniisip yung makakabuti sa amin. Palagi siyang nagigiveway sa amin ni Kuya Thirdy. Siya yung sumasalo sa mga responsibilidad. Hindi siya perpekto pero nung nawala ka nakita ko siyang sirang sira ate. Ayaw ko ng makita ulit ang Manong ko na ganon, ayaw ko ng makita ka na malungkot at umiiyak. Gusto ko na lang mabuo na kayo ulit at makasama niyo ang kambal. Ate please huwag mo na siyang iwan ulit." Sabi niya kaya pinunasan ko ang mukha niya.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon