~~~
"Kief laro daw tayo nagtext sa akin si Kevin." Sabi ni Baser at tumango lang ako.
"Sige. Saan sa UST?!" Tanong ko at tumango siya. Nasa Ateneo lsng kami ngayon at nagpapalipas oras lang.
"Tang ina nito may tinitignan ka na naman na chicks dyan no?! San bro?!" Sabi ni Luigi kaya binatukan ko siya.
"Gago! Napatingin lang ako." Sabi ko at hinabol ko ng tingin ang babaeng dumaan sa harap namin.
"Ganda ah." Sabi pa ni Luigi at umiling ako. "Nakatingin ka na naman sa babae mo. Ulol!!"
"So may kaibigan ka pala, Ells? Bakit sa UST pa nag-aral? Ano maganda ba?" Sabi ni Baser kaya naman napatingin na ako sa kanila.
"Oo maganda yon matangkad yon tapos mabait pa. Magkabaligtad kami sure ako magugustuhan niyo yon." Sabi ni Ella kaya naman nasa kanila na ang atensyon ko.
"Maganda daw nako lagot na naman kay Kiefer yan." Asar sa akin ni Gretchen kaya umiling ako.
"Hindi ka pupwede doon, Kief! Mataray yon eh at wala pa yon balak magkaboyfriend." Sabi ni Ella kaya napataas ang kilay ko. Really? Sige tignan natin kung hindi siya bibigay sa akin. Wala pang tumatanggi sa akin. Wala pa.....
I remember the first time I saw her in UST. Nagmamadali siya nun dahil parang may klase pa yata siyang susunod. Mabuti na lang din talaga at tumawag sa akin si Mama kaya naman kailangan kong lumabas sa gym at sakto siya ang nakita ko.
"Ah yes... yes po Mama. Uuwi rin ako after ko dito nagyaya lang sila Kevin at Baser." Sabi ko kay Mama at sinilip ko ang sapatos ko. Napaangat ang tingin ko at may babaeng naglalakad sa unahan ko hindi ko na sana papansinin yon pero bigla siyang natapilok kaya naman hinawakan ko siya kaagad sa braso bago pa siya sumubsob sa sahig.
"Ops...." lumingon siya sa akin. "Are you okay?!" Tanong ko sa kanya.
Oh shit! Ang ganda!! Hindi ako mahilig sa morena pero tang ina ang ganda nitong babae sa harap ko. Ang simple niya pero may kakaiba sa kanya na hindi ko nagawang alisin ang tingin ko aa kanya. Fuck! She's an angel.
Hindi siya sumagot kaagad at nakatingin lang din sa akin. Tinulungan ko na siyang makatayo ng maayos at ako na rin ang nagpulot ng mga gamit niya na nalaglag sa sahig.
Masyadong kang maganda para lang hindi tulungan. Ako ang yuyuko sayo mahal na binibini.
"T-thank you!" Sabi niya.
Putang ina!! Ang lambing ng boses. Mas may lalambing pa sa boses niya?! Feeling ko sa sobrang lambing para na akong hinehele. Maganda na ang sarap pa sa tenga ng boses.
"Welcome. Sa susunod mag-ingat ka ha." Sabi ko. Sana huwag na tong maulit kasi baka kapag nangyari ulit to wala na ako doon para iligtas siya at ataw kong may ibang lalaki na magliligtas sa kanya.
"O-oo.."
"First year ka?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko ang pagtingin niya sa jersey ko. I'm wearing my Ateneo Jersey kaya siguro nagtaka siya. Kailangan kong magpakilala, kailangan kong malaman ang pangalan niya.
"Ako nga pala si Ki--"
"Hoy Kief!! Tara na laro na tayo!!"
Putang ina mo Kevin!! Panira ka!!
"Sandali lang Kev may ginagawa pa eh." Sagot ko at kulang na lang murahin ko siya.
"Gago nakahanap ka na naman ng bago mo ah." Hindi ko na siya sinagot at hinarap ko ulit siya at ngumiti.
"Pasensya ka na doon sa kaibigan ko ha." Sabi ko.
Please huwag kang maturn-off.
"Sige alis na ako ha may klase pa kasi ako eh." Sabi niya at nagmamadaling umalis doon.
BINABASA MO ANG
Once Mine, Always Mine
Fanfiction"True love stands by each other's side on goods days and stands closer on bad days."