CHAPTER 43

1.7K 60 4
                                    

~~~

Nakatingin lang ako kay Margo at siya naman umiwas ng tingin sa akin. Hindi ko narinig ang pinaguusapan nila pero mukhang seryoso yon dahil na rin sa mga itsura nila kanina. Nandoon lang ako sa hulung baitang ng hangdan at hindi ako lumalapit sa kanila baka anong magawa ko sa babae na to eh.

"Babe, hindi pa tayo nagaalmusal. Halika na." Sabi ko kay Kiefer. Tumango siya.

"Nagluto na sila Manang Luisa. Wala na ring laman na gatas mo yung mga feeding bottles mabuti at si Tiffany lang ang naghanap kanina." Sabi niya. Oo nga pala nakalimutan ko yon kagabi siguro hinila na rin ako ng antok ko kaya ganon. Mabuti na lang hindi naghanap si Theo.

"May anak kayo?" Tanong ni Margo na gulat na gulat pa.

"Meron, kambal. Gusto mo silang makita nasa loob sila?" Sabi ko at ngumiti pa sa kanya.

"Kief.." sabi niya kaya napakunot noo ako. Bwiset na to!!

Sumandal ako at napatingin ako sa bata na nakatingin din pala sa akin. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya tapos bigla siyang naglakad palapit sa akin.

"Hi!" I said.

"Hi!" Yumuko ako at hinawakan niya ako sa pisngi ko. "Pwety.." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Aww. Thank you baby." I said and kissed her forehead.

"Anak halika dito." Sabi ni Margo. Ayaw pa sana nung bata pero pinanlakihan niya ng mata yung bata at para naman siyang natakot doon kaya umatras na siya sa akin.

"Wala naman akong balak gawan ng masama ang anak mo. Relax ka lang hindi ako eskandalosa na katulad mo." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Kiefer aalis na kami. Babalik na lang kami ulit dito kapag wala ka ng kasamang iba dito." Sabi niya kaya napairap ako.

"Ay hindi kami aalis dito eh so baka hindi ka na rin bumalik?" Hinawakan ni Kiefer ang kamay ko at pinisil yon.

"Babe..." sabi niya pa.

"Ang yabang mo." Sabi ni Margo.

"Ay! Hindi pa ako mayabang nito. Kulang pa nga to sa pangsisira mo sa buhay namin dati diba? So sino na ang tatay ng anak mo? Kasi sigurado ako hindi ang asawa ko ang tatay niya." Nagulat siya sa sinabi ko kaya nginitian ko siya. "Oh Margo! Paano ba yan pero alam ko na ang totoo ngayon. Kaya sino na ulit ang ituturo mong tatay ng anak mo ha?" Sabi ko ulit at napaatras siya.

"Hindi mo alam ang totoo!!" Sabi niya kaya napaayos ako ng tayo.

"Bakit ano ba ang totoo ha?" Tinignan ko si Kiefer. "Oh dapat pala ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin mo ulit? Ano hindi ka pa ba nagsasawa na palagi ka na lang nanloloko ng tao?!" Sabi ko.

Tumawa siya bigla. "Margo umalis ka na. At huwag ka na bumalik dito." Sabi ni Kiefer.

"Nandito na kasi yan kaya ganyan ka na naman Kiefer!!" Sabi niya.

"Bakit ano pa bang hindi alam ko ha?" Tanong ko at medyo naiirita na ako dahil parang may mga alam sila na hindi ko alam. Para silang may tinatago sa akin. Pati tong lalaki na to. "Kiefer!" I said.

"Margo leave!" Sabi niya.

"See that, Alyssa? Hindi ka pa sigurado sa mga alam mo."

"Margo!!!" Sigaw ni Kiefer.

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Umalis ka na Margo at huwag ka ng babalik dito. Narinig mo ang asawa ko diba?"

Hindi ako papayag na magmumukha akong tanga dito. Hindi ako papayag na ako ang mapapahiya siya dapat ang mapahiya dito dahil nasa teritoryo ko siya. At sawa na akong inaapi ng babae na to.

Once Mine, Always MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora