Chapter two
KAE'S POV'S
"whats wrong?" tanong ko
"wala" ngumiti sya saken at pinasok pabalik sa sobre yung sulat, ano naman kaya yun bakit ganun reaksyon niya " i will tell you this later" sabi niya tsaka tinaas yung sobre
Kinuha niya ulit si Keanna mula saken, at tsaka nakipagkwentuhan na muli sa ibang kasama naming, ang galing talaga magtago ng mood ni Jai
Baka malaki na bills namin?
Sya nagbabayad nun eh, baka kaya dun kaya ganun reaksyon niya, tumaas nanaman ba bill ng kuryente naming?
Or tubig?
Pero bills? Ganon ang itsura ng sobre? Ang sosyal naman may pa VIP ang bills payment kapag ganon, hays bahala na
Basta papakabusog ako, ayoko mastress, nakakatanda yun
Nagkanya kanya na kami, ang Oracion Seis ay nasa labas, nag iinuman at nag kwekwentuhan, habang ang mga girls at mga babies naming ay nandito sa loob ng bahay
"ang laki na talaga ni Kit"- Cheska
"inggit ka? Sya lumaki ikaw hinde?" pang aasar ni Erill
"nahiya naman daw ako sa mahabang legs na babaeng to, porke maliit ako, malaki naman to" sabay hawak sa boobs niya
"oy malaki din saken ah" sabi ni Erill
"me too" sabi naman ni Irish
"kung may linya lang ng palakihan ng dede may isa tayong kaibigan ang nasa hulian" napatingin sila saken
"oo na, nakafoam lang to, lumulubog na nga oh" tinusok tusok ko pa yung dibdib ko, liit naman talaga unlike sa kanila, may iniinom kase mga yan pampalaki
Eh ako natural lang, wala naman reklamo si Jai eh hahaha
Nagkwentuhan lang kami dito sa loob, hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila sa labas, kami dito hidni mapakali kakasuway at kakabantay sa mga bata
Ang gugulo, lalo ng mga anak ko
*****
THIRD PERSON'S POV'S
Kahit gustong gustong pumunta ng SPG sa labas ay hindi nila magawa, sinabihan kase sila na for boys only sa labas
Pero inutos talaga ni Jairus yun kay Erick para pag usapan ang sulat na natanggap niya
![](https://img.wattpad.com/cover/234201107-288-k494528.jpg)