23//

229 11 6
                                    

Chapter twenty three


KAE'S POV'S


"nakoo ikaw pusa ka, ano nanaman ginawa mo" binuhat ko sya, jusko po ang bigat talaga, eto yung kabit ni Jairus eh


Naghanda ako ng breakfast namin, nakakahiya sa bisita namin, kapag hindi ko naasikaso.


Narinig kong may bumababa na, akala ko si maam Monica na si Ashtone pala " goodmorning ate" bati niya sa akin habang papasok sa comfort room


Patapos na ako sa ginagawa ko, umakyat muna ako para tignan si maam Monica, pagkahawak ko ng doorknob, bukas? Hindi sya naglock?


Pagpasok ko wala naman nang tao, eh? Nasaan na yun? It means kanina pa sya wala dito? Hindi ko naman sya napansin na umalis, an gaga ko na nagising niyan


May nakita akong note sa may table


"maaga ako umalis, may meeting pa ako, salamat sa pagpapatuloy" yan lang nakalagay, ano bay an nadamihan ko luto ko


Mukang maaga nga sya umalis, mas maaga sa akin, hindi na niya ako ginising, nakakahiya naman, palabas na ako ng kwarto nang may mapansin akong parang papel ano to?


Parang sa ospital, mga pang first aid kit ganun


Naalala ko tuloy yung mga patak ng dugo na nakita ko sa baba kanina, nalinis ko na yun habang nagluluto ako, multitasking eh


Kay maam Monica kaya galing yung dugo? Bakit may ganito sya? Imposible naman ano naman nangyare sa kanya kung ganun


Yung pusa talaga salarin dito eh, alam ko nanghuli ng daga yun o butiki, kadiri.


Pagkababa ni Jairus agad ko sinabi na umalis na bisita naming, wala naman syang reaksyon sa sinabi ko, hindi ko na sinabi yung tungkol sa mga patak patak ng dugo na nakita ko, baka kase nag ooverthink lang ako, eh pusa lang naman niya salarin dun


Kanya kanya na kami ng larga matapos naming kumaen, as usal ako mag OOJT si Jairus papasok sa Ossian kasama si Keanna, habang si Kit ihahatid naming sa school, si Michigo lang maiiwan, si ampon na Ash naman pumapasok din


******

OSPITAL


Napansin ko kotse ni maam Monica na nakapark na dito, mukang nandito sya sa ospital, may meeting sya diba Kae, malamang nandito na agad yun


Pinatawag niya ako matapos ang ilang oras, pumasok ako sa opisina niya, naabutan ko sya na nakatayo, at nasspray ng kanyang halaman


"maam?"


"come in"


"may iuutos po ba kayo"


"pasensya na kanina hindi na ako nakapaalam"

He's Definitely A GangsterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang