20//

207 16 2
                                    

Chapter twenty


KAE'S POV'S


Maaga akong pumasok dito sa ospital, kinakabahan ako kay maam Monica ano nanaman ang trip niya mamaya


Hindi ako makapagkwento kay Jairus dahil siguradong magagalit at papaalisin niya ako dito, komportable ako dito sa department naming, kay maam Monica lang medyo hindi


Nakikita ko kase sa mga galaw niya na kakaiba syang tao, parang ang daming tinatago, ayoko naman umalis dito basta basta mahirap na makahanap ng masayang working environment, baka kung saan ako mapadpad kapag umalis ako dito


Kaya ayoko sabihin dun sa isa


Muka namang mabait si maam Monica,kaso nakakatakot sya kalabanin, yung nangyare sa coffee shop, mga nakikita kong galaw niya, lalo na ang pagkabihasa niya sa baril, dun ako nacucurious sa kanya.


Saktong may dadalhin ako sa first floor ng ospital, nakita ko si maam Monica palabas ng ospital, mukang aalis sya.


Hindi ko nakita si maam Monica ngayon araw dito sa ospital, mukang natagalan sya sa pinuntahan niya, noong wala akong ginagawa sa department sindaya kong pumunta sa office niya kaso wala naman sya dun


Pauwi na ako pero wala si maam Monica, hindi ko na sya naabutan at nakita hanggang ngayon sa pag uwi ko, mukang rest day niya ngayon or busy lang siguro sa ibang bagay


Maaga din akong umuwi, nagtaxi ako kase nagtext si Jairus sira daw sasakyan hindi daw niya ako masusundo


Pagdating ko sa bahay naming, naabutan ko maraming sasakyan sa labas, mga sasakyan to ng Oracion Seis, nandito din sila?


Agad akong pumasok sa loob, naabutan ko sila sa may parking lot namin, nagkukumpulan sila doon, pati ang SPG at si Ahstone


"anong meron?" tanong ko ng may pagtataka, hindi sila agad na umimik o sumagot man lang saken.


Napansin ko na may mga yupi yupi at parang binato yung sasakyan namin ni Jairus " bakit nagkaganyan yan?" tanong ko kay Jairus, parang ayaw pa niyang sabihin ang totoo


Ganito mga nakikita ko sa movie, yung mga sasakyan na nabubutasan dahil sa bala ng baril.


"naambush kami kanina"


"what?!"


"papunta kami sa isang event, bigla na lang may humarang sa harapan at pinagbabaril kami, buti at bulletproof tong sasakyan hindi tagos sa loob mga bala" paliwanag ni Jairus


"si Kit at Keanna nasaan!" napasigaw ako sa pag aalala, pumasok kaagad ako sa bahay, naabutan ko yung dalawa na kalaro nila mga anak ng kaibigan naming


"wala sila sa tabi ko nung nangyare yun" paliwanag ni Jairus " iniwan ko sila sandali kanila Wendy kaya walang nangyaring masama sa kanila"

He's Definitely A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon