16//

243 20 4
                                    

Chapter sixteen


KAE'S POV'S


Nakikinig lang ako dito sa pinagkwekwentuhan nila Jairus, kumakaen yung Ashtone na kanina pa doorbell ng doorbell sa labas, akala ko kase hindi kilala ni Jairus kaya hindi ko pinapasok, naghintay pala sa labas.


"hindi ko talaga natiis noon Kuya Jai kaya umalis na ako sa poder ng papa mo"


"yeah i remember you, ikaw laging kinakawawang utusan"


"hindi naman na niya ako hinanap nung lumayas ako, ilang taon na din kuya Jairus kung saan saan ako napadpad at nagtrabaho, hanggang sa nakita kita, pero nahiya akong lumapit noon sayo kase may kasama ka, hinanap ko na lang bahay mo para makausap kita ng maayos"


"i see"


"ate sungit pwede makahingi ng tubig?"


"hindi ako masungit, Jai oh"


"masungit talaga yan" bulong ni Jai rinig ko yun


Inabutan ko na lang sya ng tubig, para syang gutom na gutom lakas kumaen, matino naman itsura niya hindi halatang mas bata sa amin ng limang taon to, kase parang mas matanda pa mukha niya kay Jairus


Siguro nga sa kakatrabaho kaya ganyan, at kung saan saan sya napadpad sabi niya kaya medyo nagmatured itsura niya


"wala akong trabaho ngayon kuya Jai, baka may alam ka"


"i can help you, pwede kita ipasok sa Ossian as an encoder"


"talaga! Gusto ko yan" nabuhayan sya ng loob sa sinabi ni Jairus, ang bait naman ng asawa ko "pero wala pa akong matutuluyan sa ngayon, pwede din ba ako tumira doon kuya?"


"you can stay here for a while, right Kae?" nilingon pa talaga ako ni Jairus, may magagawa pa ba ako, eh bahay mo to


"oo pwede ka naman magstay dito"


"wala kaseng pwedeng matulugan sa Ossian" paliwanag ni Jairus


"hayaan mo kuya, hahanap naman ako malipatan kapag nakapasok na ako dun sa sinasabi mo"


"do what you want, hindi na tayo kagaya ng dati na sunodsunuran ni Robert"


Mukang okay naman silang dalawa na magkasama, may guest room naman dito sa baba, kaso hindi ko pa naayos, malinis naman


Pumunta na sa guest room si Ashtone, naiwan kami ni Jairus dito sa kitchen, at ngayon sya naman tong gigisahin ko


"kamusta naman yung tungkol kay Tori?"


He's Definitely A GangsterKde žijí příběhy. Začni objevovat