24//

236 15 5
                                    

Chapter twenty four


THIRD PERSON'S POV'S


Sa kabilang dako naman, nakakulong parin si Prince sa isang madilim na silid, napakarami niyang bantay sa labas kaya hindi ito makatakas


"malapit na kayo magsama ni Earl sa iisang kwarto"


"wag mo na sya guluhin, ako na lang" sagot ni Prince sa taong nasa harapan ng pinto ng kanyang silid


"hindi naman maari yun, kailangan kayong dalawa, para mas sulit, magkapatid kayo diba? Hindi naman pwedeng ikaw lang ang mahirapan, dapat pati rin sya, unfair naman sa kuya yun"


"tumigil ka, hindi mo sya kaya"


"yan ang alam mo Prince i mean, Grey? Haha"


Hinang hina si Prince dahil na rin sa mga latay na gawa sa kanya ng kanyang kausap at mga tauhan nito, napansin niya na may teleponong nakalapag sa may lamesa sa labas ng silid na kinalalagyan niya


"kailangan ko pumuntang comfort room" pakiusap ni Prince sa kanyang kausap


"hoy dalhin mo to sac r" utos ng taong nasa harapan niya sa kanyang tauhan


Agad nilang kinalas si Prince sa pagkakatali at tsaka lumabas, hindi nila napansin na nakuha niya ang teleponong nakalapag sa lamesa, yun ang kanyang rason kung bakit sya nagpapunta sa comfort room


Ang tandang numero ni Prince ay ang numero ng telepono ni Kae, sinubukan niya itong tawagan habang nasa comfort room sya


Matagal bago niya ito nagring dahil na rin sa lugar na kinalalagyan niya ay napakahirap ng signal ng telepono.


"yes?" hindi kaagad nakasagot si Prince ng marinig ang boses ni Jairus, si Jairus ang nakasagot ng tawag niya


"Ja-Jai"


"ha? Sino ba to?"


Hindi niya alam kung paano uumpisahan ang kanyang mga sasabihin, dahil matagal tagal din silang hindi nagkausap ng kanyang kapatid na si Jairus


"its me Prince"


"Prince! Talaga ikaw ba to? Bakit ganyan boses mo?"


At dahil hinang hina si Prince hindi sya nabosesan ni Jairus


"may kailangan kang malaman"


"what is it?"


"HOY ANG TAGAL MO DYAN!" sigaw ng bantay ni Prince sa kanya " KAPAG HINDI KA PA LUMABAS BUBUKSAN KO TO!"


"sino yan? Nasaan ka! Sabihin mo nasaan ka!"


He's Definitely A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon