Kabanata 14 ( Real)

504 50 12
                                    

DONATO POV:

Last subject namin si Mr. Diaz kaya pagkatapos kong maihatid si Aya ay diretso na akong umuwi.

Tahimik ang buong kabahayan ng pumasok ako.Wala si Lolo at si Lola dahil nagtungo ang mga ito sa simbahan,since it's friday kung saan nakaschedule ang prayer meeting para sa mga kaedad nina Lolo at Lola. 

Pumanhik ako sa aking kwarto at muntik ng mapatalon sa pagkabigla ng bigla nalang lumabas mula sa banyo ko si Maya na tanging tuwalya lang ang nakatapi sa katawan. Namilog ang mga mata niya at eto naman akong mabilis pa sa isang segundong tumalikod. 

"Kumatok ka naman!"asik niya at narinig ko nalang ang pagsarado ng pinto ng aking banyo.

"Lumabas ka muna! Magbibihis ako!"Sigaw nito mula sa banyo kaya mabilis naman akong lumabas at hindi makapaniwalang sumandal sa dahon ng pinto.

'Si Maya ba talaga yun o guniguni ko lang?pero imposible,pakiramdam ko siya yun e,kasi eto,etong puso ko,sa kanya lang ito nagwawala ng ganito.Haisst!ano ba kasing ginagawa niya sa kwarto ko?!'

Ilang minuto pa ang lumipas. Muntik pa akong matihaya dahil sa biglang pagbukas ng pinto,buti nalang ay agad itinukod ni Maya ang kanang kamay sa aking likuran para hindi ko siya madaganan. 

Umayos ako ng tayo at salubong ang kilay na hinarap siya na ngayon ay naglalakad na papunta sa kama ko at umupo. 

Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot siya ng maroon na jogging pants at maluwang na shirt na kulay puti. Basa at magulo pa ang kanyang buhok at nakatabingi ang ulong nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagpaparty ang puso ko at nabuhay nalang bigla ang buong cells ko sa katawan

"Tulala?"aniya,dahilan para bumalik ako sa aking tamang wisyo.

Nakacross ang braso niyang nakatingin sa akin.Nalunok ko ata dila ko,dahil ni wala man lang isang katagang lumabas sa bibig ko.

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin at eto naman akong parang tangang umaatras. Tumama na ang likuran ng hita ko sa computer table ko,sign na wala na akong maaatrasan. Huminto siya sa harapan ko at pinasadahan pa ng tingin ang mukha ko.

"Anong nangyari sayo? nasobrahan ka ba sa kape at hindi na natutulog? hanep sa laki ng eyebags mo ah, pang isang sakong bigas na."aniyang natatawa

"Tss!pa-pakialam mo?!ba-ba't ka ba ka-kasi na-nandito?!" utal to the max na ako.

"Bakit ka nauutal?may sakit ka ba?"aniya sabay sapo ng aking noo.Para na naman akong nakuryente,'langyang buhay 'to o.' Mabilis na pinalis ko ang kamay niya. 

"Sagutin mo muna tanong ko,anong ginagawa mo dito?!"

Umangat ang gilid ng labi niya at humalukipkip. "May pinapahatid kasi na papeles ang mommy at daddy mo para sa lola mo, at tsaka naiwan mo rin yung calculus module mo sa Tagaytay kaya inihatid ko pa kanina sa paaralan mo. Saktu namang nakita ko ang girlfriend mo kaya siya na ang inutusan kong mag-abot sayo." aniya at naglakad pabalik sa kama ko at umupo doon. Nakahinga naman ako ng maluwag. 

"Na-nasa university ka kanina?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ay bingi lang?oo nga,pumunta ako sa university mo kanina."aniyang pinagbubuhol ang lukot lukot niyang buhok. 

"Bakit hindi ikaw ang nagbigay sa akin ng module ko?"Kahit ako ay nabigla pa sa tanong ko.

Tumayo na naman siya at naglakad patungo sa nakabukas na pinto ng silid ko.Ngunit bago pa man siya tuluyang lumabas ay pumihit siya ulit paharap sa akin. 

"Nagmamadali ako eh, nadaanan ko kasi yung nakalagay na tarpaulin sa SM , eeehhhhhhhh!!!!may mallshow daw si Enrique Gil kanina. Pero sa malas! Sa laki ng unibersidad mo naligaw pa ako, tuloy hindi na ako nakahabol!kaya kasalanan mo kung bakit hindi nagkrus ang landas naming dalawa ng my loves ko!"

"Ano?!okay ka lang?!so mas importante pa si Enrique Gil kaysa sa akin?!"uminit ang ulo ko bigla.

Ngumiwi naman si Maya at pinagkorteng L ang mga braso.Ang kanang mga daliri niya ay nakapatong sa kanyang baba na para bang nag-iisip. 

"Oo,kasi mas gwapo siya sayo.Haisst!basta yun na yon!at tsaka pasensiya na dito ako pinaligo ni Yaya Sol,akala niya kasi matagal ka pa makakauwi dahil may date ka pa. O sige na,labas na ako!"aniya at lumabas na nga at pinagbagsakan pa ako ng pinto. 

"Tibay!"

Ng makalabas si Maya ay tumayo na rin ako at pabagsak na tumihaya sa aking kama. Nakatingin ako sa kisame at napangiti ng makita ang dalawang butiking nag-uusap sa kisame.Ang cute cute nilang tingnan,parang kami lang dalawa ni Maya. 

"No!no!no!Donny No!haiissst!"sa inis ay dumapa ako ng higa at isinubsob ang mukha sa kama at bigla na namang tumihaya. 

Kinurot ko  ang braso ko at ng makaramdam ng sakit ay para akong timang na ngumiti. 

"Totoo!totoo ngang nandito si Maya!haha!YESSS!!!!"

SHANAWA Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon