KABANATA 40 ( Reconciliation)

472 51 14
                                    

DONATO POV: 

Nakarating na ako ng Tagaytay at agad na dumiretso sa bahay nina Maya ngunit nanlumo ako ng hindi ko siya maabutan doon. Pabalik na ako ng bahay namin ng magkasalubong kami ni Dad sa paanan ng pinto.

"Dad,si Maya?"

He smiled."I will take you to her, let's go."

Nag-uumapaw ang saya sa puso ko,kaya mabilis akong tumalima para sumakay sa kotse ni Dad. 

Pamilyar sa akin ang tinatahak naming daan,dahil patungo kami ngayon sa rose farm namin. Ibig bang sabihin nito,nasa rose farm lang namin si Maya these past few days?hmmm.

Hindi ako mapakali sa upuan at hindi rin mapakali ang puso kong kanina pa hindi mapirmi sa kinalalagyan nito.Pagkapasok sa farm at matapos maiparada ni Dad ang kotse,ay agad kaming nagtungo kung saan naroon ang nakahilerang tanim namin na mga rosas. 

AT-------------

"Yeah,she's here."namutawi sa labi ko,habang pinagmamasdan si Mayang namimitas ng rosas at panaka-nakang inaamoy bago ilagay sa basket na nakasabit naman sa kanyang kaliwang braso.Nililipad ng hangin ang kanyang maganda at wavy na buhok at habang tumatama sa pisngi niya ang sinag ng araw,pakiramdam ko ay parang kristal na kumikinang si Maya,at ang suot niyang mahabang bestidang kulay pink. 

"Lapitan mo na."wika ni Dad na tinapik pa ako sa balikat.

"Thanks Dad."sabi ko. 

Ang bawat hakbang ko ay literal na sumasabay sa pintig ng puso ko. Para akong ikakasal na naglalakad patungo sa babaeng aking pakakasalan.Nakakakaba,nakakamangha,nakaka----

Napahinto ako ng makita si-----


"Enrico?----teka anong ginagawa niya dito?"

Nagsalubong ang kilay ko,lalo na ng makita itong pumitas ng bulaklak at ibinigay kay Maya,nagkatitigan pa sila at nagngitian.

"What the hell....."

Tumikhim ako kaya sabay silang napalingon sa direksyon ko.

"Hi Donny!"nakangiting bati sa akin ni Enrico. 

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko bago siya tinanguan.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko, bago sinulyapan ang tahimik lang na si Maya. 

Ngumiti si Enrico.

"Ahh,nagpapatulong ako kay Mayang mamili ng magandang rosas."sagot niya na sinulyapan pa si Maya at nginitian.

Pumitas na naman siya ng rosas para ibigay kay Maya,ngunit mabilis kong kinuha ang rosas sa kamay niya at sa higpit ng pagkakakapit ko sa stem ay bumaon ang mga tinik nito sa aking palad. 

Napangiwi ako at nabitawan ang rosas.'Ang hapdi ng kamay ko,haiist!engot mo kasi Donny!'naiinis na saisip ko.

"Paktay na!saglit lang Enrico ha!gagamutin ko muna ang sugat niya."Si Maya na hinawakan ako sa pulsohan at hinila patungo sa opisina ni Dad.Kumuha siya ng first aid sa medicine cabinet at agad akong binalikan. 

Inilapag niya sa mesa ang mga gamot at hinawakan ang nagkasugatsugat kong kanang palad.

"Haist Donny naman e!alam mo namang may tinik yun di ba?bakit ba hindi ka nag-iingat!ayan tuloy!haisst!tuktukan kita jan e!"litanya ni Maya habang isa-isang ginagamot ang mga sugat ko. 

Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng sakit sa palad ko,habang nakatitig ako sa kanya.

Ngunit----

SHANAWA Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon