KABANATA 41 ( What true love means)

490 54 22
                                    

DONATO POV:

Nauna ng umuwi si Enrico dala-dala ang bouquet para sa girlfriend niyang si Helaena. Plano kong hintayin si Maya para sabay na kaming umuwi sa bahay ngunit nagkataon namang tumawag si Ate Ela at nagpapasundo sa NAIA. Nahihiya naman akong si Dad ang sumundo dahil alam kong pagod ito sa maghapong trabaho.

Alas dyes na ng gabi kaming nakauwi ng Tagaytay ni Ate Ela kaya alam kong mahimbing ng natutulog si Maya at hindi ko na siya maaaring istorbohin pa. Ipinagpaliban ko nalang ang pakikipag-usap sa kanya at nagpahinga na rin sa aking silid. 

KINABUKASAN .....

Maaga akong nagising para magsimba kasama ang aking pamilya,and also I know na makakasama ko rin si Maya ngayon kaya maganda ang bati ko sa Haring araw. Pakiramdam ko this is the best morning ever!

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng asul na polo and pants ay agad na akong bumaba para makasabay na sa agahan. Pagkatapos magdasal ay sabaysabay pa kaming napalingon sa may sala ng makita ang pagdating ni Maya na may dala-dala pang isang mangkok ng mabangong ulam.

"Ehe,Goodmorning!Chicken Adobo po?para sa inyong lahat?!'halatang naiilang si Maya sa paraan ng pag ngiti niya. 

"Eeeeeeee!!!!"kinilig bigla ang magkatabing sina Hannah,Solana at Ate Ela. 

Tinapik naman ako ng katabi kong si Benj na may kasama pang kindat. 

Gustuhin ko mang ngumiti,pero hindi ko kaya,takte,nahiya ako bigla sa pinaggagagawa ng mga kapatid ko.

Pagkalapag ng adobo sa mesa ay agad namang nagpaalam si Maya. Kahit anong pilit ni Ate Ela na sumabay siya sa aming mag agahan ay wala pa ring nangyari.Umalis pa rin siya dahil aniya ay may importante pa siyang aasikasuhin,dadalaw pa siya saglit sa puntod ni Lolo Jun bago magtungo sa simbahan,kaya binitawan rin siya ni Ate Ela sa huli. 

Pagkaalis ni Maya ay nakatuon na sa akin ang atenyon nilang lahat,kaya napapailing nalang akong kumuha ng adobo at matapos tikman iyon ay hindi ko na napigilan ang aking ngiti.

"Masarap kuya? "Nanunuksong tanong ni Benj.

Napapangiti naman akong ngumuya at napatingin sa pumapalakpak pang si Solana.

"I love Adobo! I love ate Maya! and kuya Donny love ate Maya!!"wika ng kapatid ko dahilan para magtawanan kaming lahat.

Pagkatapos mag-agahan ay agad na kaming naghanda para magtungo sa simbahan.

SA SIMBAHAN.....

Hindi ko pa rin mahagilap si Maya ng makarating kami ng simbahan.Naupo sa unahan namin sina Mom and Dad para magkasya kaming magkakapatid sa kanilang likuran.

Sa kakalingon ko sa likuran ay instant answered prayer naman dahil nakita ko na si Maya na nasa paanan na ng pinto.Simple lang ang damit niyang kulay asul,at hindi ko maiwasang kiligin dahil magkakulay pa talaga kami ng damit. Tumayo ako para lapitan siya,ngunit bigla nalang humarang sa daraanan ko si Michael Almario na may gusto din kay Maya.Hindi ako nagpatalo,mas binilisan ko ang lakad ko at agad na hinawakan sa kamay ang nabigla pang si Maya at hinila ito papunta sa upuan naming magkakapatid.

Nanunuyang ngiti pa ang pinakawalan ko ng lingunin ang napakamot nalang sa batok na si Michael Almario. 

Pagkarating sa upuan,ay yun na naman ang makahulugang tinginan at ngiti ng aking mga kapatid sa isa't-isa. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa inaasal nila o mapipikon dahil masyadong halata ang ginagawa nila. 

Binate sila ni Maya saka umayos ng upo.

Kahit ang bilis ng tibok ng puso ko ay pinilit ko pa rin ang sariling makinig sa preaching ni Pastor John tungkol sa kahulugan ng wagas na pag-ibig. Nakatuon ang atensyon ng lahat sa projector na nasa gilid kung saan nagflash doon ang Bible verse na 1 Corinthians 13:4-7.

 Nakatuon ang atensyon ng lahat sa projector na nasa gilid kung saan nagflash doon ang Bible verse na 1 Corinthians 13:4-7

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4 Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5 It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. 6 Love does not delight in evil but rejoices with the truth. 7 It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.

"Now you know the meaning of love, this time I want you to say I love you to the person sitting right next to you!"utos ni Pastor John. 

"Oh my gooodddddd .... " Si Solana na napasapo pa sa pisngi niya at nakangiting tumingala sa akin.Magkatabi kami sa upuan at nasa bandang kaliwa ko siya.

"I LOVE YOU KUYA!!!" napakacute na sabi niya kaya kinarga ko naman siya at hinalikan sa pisngi.

"Okay then, you must obey Pastor John's instruction, and say it to ate Maya. "Inosenteng sabi ni Solana. 

Napalunok ako,at hanep sa kaba ang naramdaman ko.Nahagip naman ng mata ko ang kinikilig na ngiti nina Ate Ela, Hannah at Benj.

Kaya kahit naiilang ay lumingon ako sa kanan at pigil ang hiningang tumingin kay Maya at---------


"I LOVE YOU!"

Nagkasabay pa kaming dalawa na sabihin iyon sa isa't-isa.

Pareho kaming natameme,nagkatitigan at-------

TUGDUG**

TUGDUG**

TUGDUG**

TUGDUG**

TUGDUG**

TUGDUG**

Ng biglang-------------------------------

"oh .....my ......gosshh love is in the air!oh no!!!!!!!"napakacute na sabi ni Solana,dahilan para magtawanan ang lahat ng tao sa simbahan. 

Sinulyapan ko si Maya at nahuli ko naman siyang nakatingin sa akin na may ngiti sa labi. 

SHANAWA Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon