KABANATA 33 ( Captions)

484 52 31
                                    

DONATO POV: 

Natapos na ang church service at nakita kong nauna ng lumabas si Maya. Gusto ko siyang habulin ngunit hindi ko magawa dahil nakikipag-usap pa sa amin si Pastor John patungkol sa gagawing prayer meeting sa bahay namin ngayong hapon.

Kaya ng makauwi ay agad akong dumiretso sa bahay nina Maya ngunit walang tao doon at nakalock pa ang pinto. Mabilis akong bumalik ng bahay para kunin ang phone kong naiwan ko dahil sa pagmamadali kanina. Nakita ko ito sa bedside table ko ngunit sa malas ay lowbat pa talaga ito.

"Ahhhhh!! Malas! Malas!"

Napipikong saad ko at kinuha ang charger sa bag ko.

Mag aalas tres ng hapon ng dumating si Pastor John. Hanggang sa matapos ang prayer meeting ay wala pa ring kahit anino ni Mayang nagpapakita.

Pagkalipas ng tatlong oras ay hindi pa rin nakakauwi si Maya. Wala ring alam sina Mom at Dad kung saan ito pumunta.

Alas syete na ng gabi ng buksan ko ang phone ko, at as usual mas daig pa ni Rafa ang nobya kung makapagsend ng text. Nanlumo naman ako dahil wala man lang ni isang text galing kay Maya.

Limang beses kong denial ang number niya bago niya iyon nasagot.

Maya: "Bakit?"

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang boses niya ngunit hindi pa rin mawala ang inis ko sa kanya.

"Bakit?!anong klaseng tanong yan Maya?!"Napipikong sagot ko.

Maya: "Hah?"

Napabuntong  hininga na ako sa inis."Bakit hindi ka nagpaalam sa akin? "

Maya: "Bakit?"

"Dahil NAG-AALALA AKO!----KA-KAMI!!"

Maya: "Ahh.. nandito ako ngayon sa Cavite hindi na ako nakapagpaalam kasi....."

Inioff ko agad ang phone ko at dali-daling kinuha ang wallet at susi ng kotse ko saka mabilis na bumaba ng hagdan kung saan nadatnan ko naman ang mga kapatid kong nanonood ng tv at napatigil pa sa pagnguya ng popcorn ng makita akong nagmamadaling lumabas ng pinto. Palabas na ako ng pinto ng muntik pa akong mapatalon sa pagkabigla dahil sa malakas na kulog at kidlat at malakas na ihip ng hangin sa labas na sinundan pa ng malakas na pagbuhos ng ulan.

"Donny anak, may bagyong paparating kaya ipagpabukas mo muna ang pag-uwi sa Maynila."Si Dad. Muntik na akong mapamura sa sobrang inis ngunit pinigilan ko iyon baka marinig ako ng aking mga kapatid.

"What's wrong son?"Nag-aalala namang tanong ni Mommy kung saan lumapit pa ito sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Maya is in Cavite Mom, hindi siya nagpaalam!"Asik ko, ngunit napangiti lang si Mommy na tumingin sa akin saka humarap at pinagmasdan ang buhos ng ulan. 

"Bakit naman siya magpapaalam sayo? boyfriend ka ba niya? Son, sometimes, kailangan mong lagyan ng label ang isang relasyon bago ka umaktong pag-aari mo na siya.'Mahinahong saad ni Mom dahilan para matahimik ako.

"Lahat kami, ng Dad mo, at mga kapatid mo, alam ang nararamdaman mo kay Maya, ikaw lang ata ang hindi pa sigurado, what's holding you back Son. ?"Napabuntonghininga akong napatingin sa kawalan.Nang hindi ako makapagbigay ng sagot ay tinapik nalang ako ni Mom sa balikat at hinayaan akong makapag isip.

Bumalik ako sa aking kwarto at nakadapang humiga habang tinitingnan ang screen ng phone ko.

"Wala talaga siyang pakialam sa akin!"himutok ko at itinapon na naman ang phone sa basurahan.

Saka napabalikwas ng bangon at kinuha ulit ang cellphone ko at umayos ng higa.

Tinayp ko sa search button ang pangalan ni Maya, at nalaman kong nag activate na pala ito ulit ng kanyang facebook account.

Napangiti ako ng makita ang simple ngunit napakaganda nitong profile pic kung saan ay nasa tabing dagat siya at nakasuot ng maiksing short at long pink sleeve crop top. Na may caption pang ..

#Missing you here with me...

Napansin ko ang halos isang libong likes nito at mga comments ng mga lalaking hindi ko kilala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napansin ko ang halos isang libong likes nito at mga comments ng mga lalaking hindi ko kilala.

Sa inis, sa halip na like button ay angry button ang pinindot ko. Angry button para sa lahat ng picture nitong pinuputakte ng mga lalaking hindi ko alam kung saang planeta galing.

Sa kakascroll ko ay nakita ko ang picture namin ni Maya na kuha sa birthday ni Mom noong 15 years old palang kami.Kung saan ay napipikon siyang magpakuha ng litrato sa akin dahil sa sobrang pamimintas ko sa kulay ng balat niya. Kaya ito ang kinalabasan ng picture naming dalawa na may caption pang ..#Nasan ang tubo?! may papaluin lang akong asungot sa likuran ko!"


Ayon na, walang patumpik-tumpik na hinit ko ang Heart button!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ayon na, walang patumpik-tumpik na hinit ko ang Heart button!

"Bakit may aangal ba? Haha!Ako ang bida dito!----tss!Ang cute ko talaga! malas ..isang beses lang dapat pindutin ang heart button, matawagan nga si Mark Zuckerberg ... "

Natatawang usal ko saka pinindut ang share button. 

At nilagyan ng caption na... 

#LOVE YOUR ENEMY ... HAHA!













(note: MARK ZUCKERBERG - isang Amerikanong negosyante na mas kilala bilang isa sa mga nagtatag ng tanyag na panglipunang networking site na Facebook. 

kaya kung may suggestion kayo sulatan niyo siya.. hihi... :)



SHANAWA Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon