KABANATA 31 ( Best day ever!)

510 57 29
                                    

DONATO POV:

Magtatakipsilim na kaya napagdesisyonan na namin ni Mayang umuwi. Magkahawak kamay naming binaybay ang daan papunta sa mansion ng mga Almario kung saan naabutan namin si Don Diego Almario na nakaupo sa hardin nito.

"Magandang gabi po, Don Almario!"bati ni Maya. Napalingon naman ako sa kanya at napatingin kay Don Almario na ngayon ay matamis na ngiti na ang iginawad kay Maya. 

"Pumunta ba kayo sa punong mangga ng mga magulang ko?"Tanong ni Don Almario na nagpalipat-lipat pa ng tingin sa aming dalawa ni Maya.

Nakangiting sabay kaming tumango ni Maya.

"Naalala ko sa inyo ang mga magulang ko. Simbolo kasi ang punong manggang iyon sa pag-iibigan nilang dalawa,sana gaya ng mga magulang ko ay magkaroon din ng masayang kwento ang pagmamahalan ninyo. "Anitong nakahawak pa sa kamay ni Maya.

"Po? Paktay na! Nako po nagkakamali po kayo,hindi po kami magnobyo, magkaibigan lang po kami."si Maya na halatang naiilang sa pinagsasabi ng matanda. Ngunit napangiti lang si Don Almario at tumango,na para bang hindi naniniwala. 

Nagpaalam kami ni Maya at nauna na si Mayang maglakad sa akin.

Tinapik naman ako ng matanda sa balikat kaya napahinto ako at napalingon dito.

"Wag mong hayaang maagaw pa siya ng iba sayo bago mo harapin at sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman mo"saad ni Don Almario at tinalikuran na ako.

Hindi agad ako nakatinag at napatingin nalang kay Maya na ngayon ay kinakawayan na ako para tuluyan ng makauwi.

Sakay ng kotse kong binaybay ang daad pauwi ng bahay namin. 

Pagkalabas ng sasakyan ay sinalubong agad ako ng yakap ni Mom at masayang ibinalita na nakabalik na si Maya,siya namang labas ni Maya sa aking kotse kaya mas lalong lumapad ang ngiti ng aking mga magulang.

"Nagkita na pala kayo ulit?"Hindi mapawi-pawi ang ngiti sa labi ni Mom. 

Tumango ako at lumingon kay Maya. Nakangiti siya at ---'hayyy..nalulusaw na naman ang puso ko.'

Nauna akong pumasok ng bahay ng magpaalam na si Maya na pupunta muna sa bahay nila sa likuran. Nakangiti naman akong hinatid siya ng tanaw.

Napalingon pa ako kay Dad ng nakangiti niya akong inakbayan at iginiya sa loob ng bahay.Pagkapasok ko ay agad akong sinalubong ng aking mga kapatid at ibinalita ang pagdating ni Maya na mas lalo namang natuwa ng sabihin kung nagkita na nga kaming dalawa.

Pagkatapos maghapunan ay agad akong pumasok sa kwarto ko at nakangiting humiga at tumingin sa kisame. 

Lumulundag ang puso ko sa sobrang saya. Haha!

Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang nakangiting si Benj na agad namang umupo sa tabi ko sabay lahad ng isang maliit na pirasong papel.

Bumangon  ako at napangiti ng mawaring nakasulat doon ang mobile number ni Maya.

"Goodluck Kuya!'Ani Benj na nanunukso pang tumingin sa akin bago lumabas ng aking silid. 

Agad kung kinuha ang cellphone ko na nakalapag sa bedside table ko at agad na isinave ang number ni Maya.

Napapaisip pa ako kung anong itetext ko sa kanya.

Maya...

Erase erase ..

Hi maya....

Erase erase ....

Hoi! Maya! ....

Erase erase ...

SHANAWA Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon