Kabanata 1

19 2 2
                                    

Note

Simula nang gumising ako kaninang umaga ay inihanda ko na ang sarili sa sandamakmak na sermon. Kaya ito ako ngayon, parang batang nakatungo habang minimisahan ng pinsan ko.

"Kaka-eighten mo lang tapos pumupunta kana sa bar. Gosh, Macey! At hindi man lang kayo nagpaalam muna sa akin. Paano kung napahamak kayo? Paano kung narape kayo? Hindi ka talaga nag-iisip."

Wait, rape? Sounds so familiar.

Muli kong pinikit ang aking mata. May hang-over pa ako. Bakit ko ba kasi naisipang maglasing?

"Please, Kuya Cyd. Don't tell it to mom and dad. Malalagot ako," pagmamakaawa ko sa kaniya. I know they'll ground me once na malaman nila at ayaw kong mangyari 'yon.

Nagsalin siya ng tubig bago tumingin ng diretso sa akin.

"I won't tell this to them but make sure na hindi na mauulit," aniya at inabot sa akin ang isang basong tubig.

Napangiti ako nang malawak. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Thank you, Kuya. Promise, hindi na mauulit."

"Yuck, Macey Xiera! Ang baho ng hininga mo. Maligo ka na nga at ihahatid pa kita sa school," sabi niya sa tonong nandidiri na ikinatawa ko.

Hinabol ko siya bago binugahan ng aking hininga. Halos mamatay naman ako sa katatawa dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Eww! Isusumbong talaga kita kina mommy kapag hindi ka tumigil!" sigaw niya habang tumatakbo kaya napatigil ako. Napakaarte talaga ng lalaking 'to.

Kuya Cyd is my cousin but he lives in our house. Maagang nawala sa kaniya ang parents niya kaya inampon na lang siya ng mga magulang ko. Actually, kaya naman niyang mabuhay mag-isa dahil malaki naman ang naiwang yaman sa kaniya pero mas pinili niya ang normal na buhay. I know he wants a family who would take care of him. And besides, never ko siyang tinuring na iba dahil tunay na kapatid na ang tingin ko sa kaniya.

"Hindi pa tayo tapos, Macey. Mag-uusap pa tayo mamaya," banta niya. Napairap ako. Daig pa niya sina mommy at daddy. Natanawan ko naman sa labas si Erica. Naghihintay siguro sa akin.

Lalabas na sana ako sa kotse nang may maalala. "Kuya Cyd, sino nga pala ang nanghatid sa amin ni Erica pauwi?" tanong ko sa kaniya.

"Inuwi ka ni Laud sa bahay. Nakita ka raw na lasing na lasing. Ako ang naghatid kay Erica sa kanila," tugon niya. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Si Laud? Ano naman kayang mabuting nilalang ang sumapi roon at naisipan niya pa akong ihatid? Sabagay, magkaibigan nga pala sila ni kuya kaya baka nakonsensya lang. Kainis. Bakit kasi wala akong maalala!

"Sige, una na ako Kuya," paalam ko sa kaniya bago lumabas. Sinalubong ko naman ang nanghahabang leeg na si Erica. Akala niya siguro ay mapapansin siya ni Kuya.

Kagaya ko ay nasermonan din pala siya sa kanila. Medyo naguilty tuloy ako dahil ako ang nagsama sa kaniya na pumunta sa bar.

Pagkarating sa classroom ay idinukdok ko ang aking mukha sa upuan habang walang tigil sa pagkukwento si Erica. Iba rin talaga ang bunganga ng isang 'to, eh.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang hilo. B'wisit na alak na 'yon, ang tagal mawala sa sistema ko. Parang si Kier lang.

"Kyaaah! Alam mo ba nanaginip ako kagabi?" humahagikhik na utas ng katabi ko. Hindi talaga maka-move on ang gaga.

"Ano bang napanaginipan mo?" bulong ko habang nasa unahan pa rin ang tingin. Mahirap na baka mahuli kami ni Sir Gio. Nakakatakot pa naman itong magalit dahil siguradong sa guidance office ang bagsak mo.

HATING THE JERKWhere stories live. Discover now