Kabanata 3

21 3 2
                                    

BISITA

Hindi ako pinatulog nang naging pag-uusap namin ni Kier. Kanina pa nga tingin nang tingin sa akin si Erica as if she wants to know something behind my smile. I didn't bother to say since she didn't ask me. Kapag hindi tinanong, huwag magsalita. I still can't move on. Para pa rin akong nananaginip.

"Mukhang maganda gising mo, anong mayr'on?" tanong niya nang hindi na nakatiis.

Kinuwento ko naman agad sa kaniya ang tungkol sa pag-uusap namin ni Kier kahapon. Even her can't believe that we had a talk. Naniniwala na talaga ako na may improvement na ang pagpapapansin ko.

First two subjects lang ang naattendan namin dahil ngayon ay ang itinakdang araw para gawin ang punishment ni Ma'am Morales. Hindi naman maipinta ang mga mukha ng mga kaklase ko. Since wala naman akong gagawin ay naisipan ko nang umuwi sa bahay para matulog. Mabobored lamang ako kung mananatili ako rito at isa pa ay pinayagan naman kami ng teacher.

Nagpaalam lang ako sa kay Erica bago umalis kaya. Halata sa itsura niya na hindi siya natutuwa dahil natapat siya grupo ng mga estudyanteng maglilinis sa mainit na field. May kaartehan pa naman ang isang 'to.

Nagcommute na lamang ako dahil baka busy si Kuya. Wala pa rin naman sina mommy at daddy dahil naroon pa sila sa Batangas, binisita sina lola roon.

Nagtaka ako nang matanawan ang mga kotse sa labas ng bahay. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung kanino ang mga ito.

Kabado akong naglakad papasok ng bahay. Sa labas pa lamang ay maririnig na ang boses ng mga ito na nagtatawanan at naghihiyawan.

Katulad nang inaasahan, nabungaran ko sina Keith at Trent na naghahampasan ng unan. Parang mga bata ang dalawa habang naghahalakhakan. Si Blace at Kaino ay naglalaro ng chess. Malulutong ang mura ni Blace habang pinag-uusapan ang pustahan nilang dalawa. Sa hula ko ay inutakan na naman siya ng isa. Si Kuya Cyd naman ay nakakunot ang noo sa harap ng kaniyang laptop.

Bumagsak ang aking tingin sa lalaking nakaearphone habang tahimik na nagbabasa ng libro. Kahit saang anggulo ay napakagwapo niyang tingnan. Muli kong iniikot ang aking paningin, napahinga ako nang maluwag nang mapansing wala roon si Laud. Buti na lang at wala akong bwisita.

Nang mapansin nila ang presensiya ko ay kaniya-kaniyang bati ang ginawa nila maliban kay Kier na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Back to pagiging masungit na naman siya. Tanging tango at pagngiti na lamang ang isinagot ko sa kanila.

They are my cousin's friends since highschool. Kuya Cyd, Blace and Trent are one year ahead than the others. Nagkakilala sila dahil pare-pareho silang member ng basketball team ng aming school. Madalas silang nandito sa bahay noon kaya ko sila nakilala maging si Kier.

Nakasimangot akong umakyat sa kwarto para magpalit. Kung nandito sana si Erica ay sobrang tuwa n'on dahil maraming boys sa bahay lalo pa't nandito si Kuya Cyd.

Dumiretso ako ng kusina para mag-prepare ng meryenda. Nagulat ako nang madatnan doon si Laud. Napalunok ako nang makita ang pagtaas at pagbaba ng kaniyang adams apple habang umiinom. Shit!

Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa akin kaya mabilis kong tinapik ang kaniyang braso dahilan para matapon ang tubig na iniinom.

"Aray!" Hinawakan niya ang kaniyang braso na parang nasaktan nga sa ginawa ko.

"Gago ka ba, ha? Kay Jasmine pala 'yong notes tapos lakas ng loob mong ipahiram sa akin. May pa sticky note ka pa, hindi rin naman pala ikaw ang nagsulat!" sighal ko sa kaniya.

"Bakit hindi ka na lang magpasalamat? Admit it, it helped you because if it's not then you're with your classmates weeding or mopping the court right now. Kaya huwag kana magreklamo dahil kung hindi ko 'yon ginawa, hindi ka makakapasa," mayabang niyang wika.

HATING THE JERKDonde viven las historias. Descúbrelo ahora