Kabanata 2

19 4 0
                                    

Thank you nga pala kay basyo, bestfriend ko, sa paggawa ng aking book cover. Mwah!

First time

"Macey Xiera Sanez, 47."

Ma'am Morales was reciting our score on our quiz and gladly, I passed it. Wala pang kalahati ng klase ang nakapasa sa amin kaya alam kong marami-rami ang makakatanggap ng punishment ngayon.

Kung hindi dahil doon sa notes ni Laud, malaki ang possibility na hindi ako makapasa.

"Sana all 47," dinig kong bulong ni Erica. Hindi rin kasi siya nakapasa sa quiz kaya napatawa ako dahil para siyang naluging bata.

"Puro kasi si Kuya Cyd iniisip mo. 'Yan tuloy pati score mo nabugok," pambabara ko sa kaniya kaya naman nakatanggap ako ng hampas sa kaniya. Napakasadista ng gaga.

"Yabang mo, eh ikaw nga dalawang taon na nagpapansin sa Kier mo hanggang ngayon hangin ka pa rin sa paningin." Hindi ko na lamang siya pinansin at muling binalik ang tingin sa unahan, isa pa ay tama naman siya. I never existed in his life.

"Madali lang naman ang ipapagawa ko sa inyo ngayon. Since malapit na ang Sports Fest, hahatiin ko kayo sa dalawang grupo para maglinis sa field at sa court. Para naman doon sa mga nakapasa, you can do whatever you want on that day," wika niya. Kaliwa't-kanan ang reklamo ng aking mga kaklase. Napakatatamad pa naman ng mga ito.

Hindi ko tuloy maiwasan kung anong pumasok na magandang ispiritu kay Laud. His notes were really a big help. I was be able to understand it easily. Kinuha ko ang notebook niya sa aking bag bago muling tiningnan ang kaniyang sulat. His penmanship is good, parang babae ang kaniyang sulat. Nahiya pa nga ako dahil mas malinis at maganda pa ang sulat niya kumpara sa akin though I'm the secretary of our class.

"Hoy, anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

Mabilis kong itinago ang notebook. Maybe later, I'll give it back to him and also to thank him.

"Wala, I'm just happy na hindi ako maglilinis. Hayst, mainit pa naman sa field tapos kapag sa court hassle maglinis kasi laging maraming tao," pagpaparinig ko habang tatawa-tawa.

"Uloks!" Napahalakhak ako nang padabog siyang pumunta sa unahan para bumunot kung saang grupo siya mapupunta.

Morning class went well. Wala masyadong ginawa. Kaya naman nang maglunch ay mabilis kong hinila si Erica pababa para dumaan sa second floor. Kaming ABM kasi ang nasa fourth floor, STEM naman sa third, HUMSS sa second, then ang first ay ang mga ICT students.

Binagalan ko ang paglalakad para matanawan si Kier. Lalo ko pang binagalan nang makitang nagrerecite ito sa unahan. I can't help but to admire him again. Kita ko kung paano siya tingnan ng mga kaklase niyang babae. Hindi niya talaga alam ang epekto ng simpleng kilos niya sa mga babaeng nakapaligid sa kaniya.

Pagkatapos naming kumain ay pinauna ko nang pabalikin si Erica sa classroom dahil naisip kong ibalik na 'yong notebook ni Laud. I didn't tell this to her because I know she'll just tease me.

Pansin ko ang magugulo niyang mga kaklase. May nagbabatuhan ng papel sa labas, naghaharutan at mayroon pa ngang biglang nagbasketball sa aking harap kahit wala namang hawak na bola.

Mga pasaway!

"Sinong hanap mo, Macey?" tanong sa akin ni Rea, dati kong classmate n'ong Grade 10.

"Ahh, nand'yan ba si Laud?" Nakita ko ang biglang pagngisi niya na sinabayan pa ng hiyawan ng iba. Medyo nakaramdam naman ako ng hiya dahil baka binigyan nila 'yon ng ibang meaning.

"Wala siya, eh. Pinatawag sa guidance office may kalokohan na namang ginawa," sagot niya kaya napatango naman ako. Hindi na talaga nagbago ang isang 'yon. 'Saka ko na lang ibabalik sa kaniya para naman makapag-thank you ako ng personal.

HATING THE JERKWhere stories live. Discover now