Kabanata 5

21 4 0
                                    

TEXTMATE

"What? No way, mom. Magbaback out na ako."

Dahil sa kadaldalan ni kuya, kanina pa akong kinukulit ni mommy. Hindi ko pa naiibaba ang mga gamit ko ay tumawag na siya. I just arrived from school. I missed my parents so much.

"Ako na ang bahala sa mga susuotin mo, darling. This is your last year and also your first time. Syempre gusto naman namin makita ang prinsesa namin sa ganoong contest. Sayang naman ang gandang namana mo sa akin kung magbaback out ka pa," madrama niyang sabi. I just rolled my eyes. Buti hindi ko minana ang kahanginan niya.  She's really good at this.

"Baka mapahiya lang ako roon, mom. Marami naman sa mga kabatch ko na magaganda na pwedeng pumalit sa akin."

"No, uuwi kami riyan ng daddy mo sa laban mo. I don't want to miss that day."

Natapos ang usapan namin napapayag niya ako. Until now, I still can't believe that they chose me to be their muse. Para akong nilalamon ng hiya. Mom's right. This is my first time. I just can't help but to feel down instead of being overwhelmed.

Sobrang pamilyar na ng pakiramdam na ito. Mas lalo ko lang nakita sa sarili ko ang flaws at imperfections ko. Sa tuwing sasali ako sa mga quiz bee at contest sa school, lagi kong naiisip na hindi ko kaya. Iniisip ko na lang na mairaos at matapos ko 'yon ay ayos na. Mas lalo lamang akong napepressure kapag may mga taong naniniwala sa akin. They keep on cheering me up yet I couldn't do that to myself.  I don't trust my capability. I have a lot of insecurities.

Napahiga ako sa kama at huminga ng malalim.

My mood suddenly changed when I remember something. I immediately went on my bag and took out my phone. Napangiti ako nang makita roon ang contact name ni Kier.

Hindi ako mapakali sa higaan habang nakatingin sa cellphone ko. Inabot na ako ng ilang minuto na ganoon. Hahawakan ang cellphone tapos mamaya ay bibitawan din agad.

What now, Macey? Ngayong nakuha mo na ang number niya kakabahan ka pa? 

Natatakot ako na baka tanungin niya ako kung saan ko nakuha ang number niya. Anong isasagot ko? Sasabihin kong narinig kong kausap ng kapatid niya at ang kabit nito tapos binlackmail ko? Oh no, that's a wrong move.

Bahala na nga.

Kinuha ko ang phone ko bago nagsimulang magtipa ng mensahe. Nanlalamig ang aking mga kamay at namamawis.

Ako:

Goodevening:>

I could hear my hearbeat. Isinubsob ko ang aking mukha sa unan. Napabalikwas ako nang magbeep to.

Halong kilig, excitement at kaba. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit pa ako kinakabahan gayong ilang beses na rin naman akong nagpakadesperada para mapansin niya lang. At saka baka marami rin naman siguro ang nagtetext sa kaniya kaya nga madalas siya magpalit ng simcard. Swerte ko na lang kung mapansin niya ako ngayon. I immediately opened it but my forehead creased as I read his reply.

Baby:

SiN0 p0e cLa?

What? Kailan pa naging jeje si Kiee? Napasinghap ako nang maalala kung kanino ko hiningi ang numero. That jerk! I should've not trusted him. Nakalimutan kong puro kawalangyaan ang alam n'on.

Baka ibang number ang binigay niya. Pero nakita kong name ni Kier ang nand'on, eh. How was that happened?

Ako:

I'm Macey. Sorry, maybe I've texted the wrong number.

Humanda talaga sa akin ang lalaking 'yon. Hindi man lang natakot na baka ipagkalat ko ang kaniyang dirty secret.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HATING THE JERKWhere stories live. Discover now