Kabanata 4

17 3 0
                                    

DEAL

Nakasimangot akong pumasok dahil Lunes na naman. Parang ang bilis lang ng pagdaan ng mga araw. Magiging abala ang lahat ngayong linggo sa pagpaplano para sa nalalapit na sports festival. Busy ang lahat sa page-ensayo sa iba't-ibang larangan ng laro. I only joined chess since I am not that sporty. May pagkalamyain kasi ako at madaling mapagod.

Dapat ay intramurals lang ang magaganap pero may mga teachers na nagsuggest na medyo ibahin ang flow ng event kumpara sa nakasanayan. Kaya may mga nagpeprepare na rin ng kani-kanilang props and materials para sa booth contest.

"Macey, paabot naman ng gunting at glue tapos pakidikit nito sa illustration board," utos sa akin ni Brina, presidente ng aming klase.

Inabot ko sa kaniya ang mga gamit na hinihingi niya na nasa tabi ko. Kinuha ko na rin ang illustration board bago idinikit doon ang mga pictures na ibinigay niya.

Next week na ang festival kaya naman abala ang lahat maging ang mga guro. May pagkacompetitive ang aming seksyon kaya alam kong hindi papayag ang mga ito na matalo.

"Hala, wala pala sa akin 'yong list ng mga foods na ibebenta." Napabaling sa akin ang pinagpapawisang mukha ni Brina.

Napataas ang kilay ko 'saka bumuntong hininga.

"Kukunin ko sa inyo?" tanong ko sa kaniya. Nakapunta na ako sa kanila dahil madalas ko siyang makagrupo kapag may group project or research paper.

Napangiti siya. "Pumunta kana lang kay Dan tapos sabihin mo kuhanin 'yong folder na pink na nasa ibabaw ng study table ko. Alam na niya 'yon. Thank you, Macey!" sabi niya bago bumalik sa ginagawa.

Tumingin naman ako sa classroom at mukhang ako lang nga ang medyo wala pang ginagawa. Napabuntong hininga na lamang ako bago lumabas.

Habang naglalakad ako ay panay ang reklamo ko. Kailangan ko pa kasing bumaba ng third floor para marating ang classroom ng kapatid niyang si Dan. HUMSS student ito habang si Brina naman ay ABM.

Nahihiya akong pumunta sa gilid ng pinto at nag-excuse sa isa para tawagan si Dan. Agad naman itong lumapit sa akin. Nakakunot ang noo niya at mukhang badtrip. Naistorbo ko yata ang paglalaro nang tingnan ko ang hawak niyang cellphone.

"Kunin mo raw sa inyo ang pink na folder sa ibabaw ng study table ng ate mo. Ngayon na raw kasi kailangan na," masungit kong sabi bago siya iniwan. Alam ko namang wala iyong magagawa sa ate niya.

Pababa na ako sa second floor para sana dumaan at silipin si Kier nang makita ko sa hagdanan si Laud. May kausap ito sa kaniyang cellphone habang seryosong nakikipag-usap. Mabilis akong nagtago para hindi niya makita.

Naalala ko na naman ang nangyari noong araw na bumisita sila sa bahay. 'Yong pagsosorry niya ng paulit-ulit at pagtawag sa akin ng love. Kinilabutan ako lalo nang maalala ang paglapat ng labi niya sa aking daliri. Hindi ako n'on pinatulog ng magdamag dahil pakiramdam ko pati kaluluwa ko ang sinipsip niya at hindi na ibinalik pa. Isang araw ko rin siyang iniwasan dahil doon.

I don't get him. Wala naman akong ginagawa sa kaniya pero madalas niya akong bwisitin. Kahit nga wala pa siyang ginagawa ay naiinis na ako. Since the day he stepped here in our school, we never had a good encounter. He always annoys and teases me that makes me dislike him more. He's really far from his brother.

Pinilig ko ang ulo ko bago nagtago 'saka siya pinakinggan. Mabuti na lang wala pang dumadaan.

"Anong nangyari? Sabi ko sa 'yo tawagan mo ako agad kapag wala ang asawa mo." Napakunot ako nang marinig 'yon. Sino naman kayang kausap niya?

Napatawa siya dahil siguro sa sinabi ng kausap. "Siguraduhin mong wala ang asawa mo. Wala ka bang gustong ipabili?" Napatakip ako sa bibig habang ipinoproseso ang mga naririnig. May mga ideyang pumapasok sa isip ko pero hindi ko mapaniwalaan.

HATING THE JERKDonde viven las historias. Descúbrelo ahora