Chapter 10

186K 11K 5.6K
                                    

"LUH FAMOUS DI NAMAMANSIN!"


Gusto ko na talagang sungalngalin si Carlyn dahil sa katabilan ng dila niya. Hinila ko na lang siya papunta sa room namin.


"Yabang na niya, ah? Kainis!" Naghihimutok pa rin siya hanggang sa makarating kami sa room. Doon mismo siya umupo sa tabi ko.


"May nakaupo yata riyan, Carlyn."


"So? Doon siya sa upuan ko maupo!" Tumayo siya at kinuha ang bag niya sa upuan niya saka bumalik sa tabi ko. "Ganitong mainit ulo ko, 'wag nila 'kong bu-bwisitin!"


Wala akong masabi kaya napabuntong-hininga na lang ako.


Lumingon si Carlyn sa akin at pinakatitigan ako. Umanggulo-anggulo pa siya. "Sussie, lalo kang gumanda."


Napausod ako nang pisilin niya ang pisngi ko. "Carlyn, ano ba! Para kang tanga na, ah!"


Ngingiti-ngiti si Carlyn at sa totoo lang, kinakabahan ako sa mga ganitong ngitian niya. Kahit pa matagal na kaming hindi nagkita ay kabisado ko pa rin siya. Alam na alam ko pa rin kapag may naiisip siyang kalokohan.


"Ano ba, Carlyn?!" sita ko sa kanya. Nakakailang na.


"Malapit ka na magdebut, di ba? Gusto mo na bang magkaboyfriend?"


"Carlyn!"


Ang lakas ng tawa niya. Para siyang nasisiraan ng bait. Natatakot na tuloy ako. Hindi kaya habang nasa Bulacan ako ay may nangyari sa kanya? Namental kaya siya nang hindi ko alam?


Tumayo siya at tumingin sa suot na wristwatch. "Doon na lang muna 'ko sa upuan ko." Sabay kuha niya ng bag niya.


"Ha? Akala ko ba gusto mong tabi tayo?"


"Bukas na lang." Tumalikod na siya bitbit ang bag niya.


Hala! May nasabi ba ako? Nagtampo ba siya?


Nakita ko ang paglapit ng isang payat na lalaking estudyante sa akin, siya yata iyong lehitimong nakaupo sa inalisang upuan ni Carlyn. Bitbit niya ang bag papunta sa tabi ko nang hilahin siya ni Carlyn sa kwelyo. "Hoy sinabi ko ba pwede ka nang bumalik doon?!"


Naguguluhang napailing na lang ako. Minabuti ko na lang na maglabas ng libro para magbasa since mukhang late ang first subject teacher namin.


Habang nagbubuklat-buklat ako ng pages ng libro ay may lalaking umupo sa upuang katabi ko. Mabango siya, mukhang imported ang men's cologne na gamit. Hindi ako nag-angat ng mukha pero sigurado akong hindi siya iyong payat na lalaki kanina.


Pasalampak siya sa pag-upo na parang hari. Wala siyang dalang kahit anong gamit maliban sa Pilot niyang ballpen na basta niya lang inilapag.


Napakunot ang noo ko nang mapansin ang makinis at mahahabang daliri niya na ikinakatok niya sa armchair.


"'Musta ka na?"


Doon na ako napaangat ng mukha. Sumalubong sa akin ang pilyong ngisi niya. "Hugo?!"


"Hi, Chubs! Long time, no piggy!"


Si Hugo nga. Wala namang nagbago sa kanya maliban sa halatang mas tumangkad siya, mas gwumapo at mas naging maangas. Complete uniform naman siya ngayon from his black shoes, slacks and polo. Iyon nga lang, hindi clean cut ang buhok niya, may maliit siyang hikaw sa kaliwang tainga at iyong kanang kilay niya, may ahit sa gitna.


South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon