4

1.4K 18 1
                                    

LEISHA
    

              Two weeks have passed since that dreamy night happened, after that dinner everything came back to normal. Hindi niya na uli ako kinikibo. Minsan inisip ko kung ano bang pwede kong gawin para mahalin niya rin ako, pero naalala ko, he will never love me sinabi niya yun eh,sa kanya mismo nanggaling.

           Isang linggo na ang nakalipas matapos ang kasal na iyon pero walang nangyari, hindi niya ko pinapansin, magkasama kami sa iisang bahay pero parang wala lang rin.

          Napabalikwas ako mula sa panonood ng tv ng bumukas ang pinto at pumasok si Alec, alas nuebe na ng gabi babatiin ko sana siya ng makita na may isa pang pumasok na babae sa loob.

         "Oh, honey is she your maid? " malanding sabi ng babae kay Alec at lumingkis pa na parang ahas dito, natigilan ako at hindi maiwasan na mainis pero mas  nananaig sa akin ang sakit na nararamdaman ko.

            Mas nadagdagan pa iyon ng hindi man lang ako ipinagtanggol ng aking asawa at basta nalang hinila sa taas ang babae, sa kwarto na dapat ay sa amin.

           Masakit, sobrang sakit, this is tge first time na nag uwi siya ng babae at dito pa talaga sa bahay,sa bahay naming mag asawa. Pumunta ako sa kusina at kinalma ang sarili.

            Nasa kalagitnaan ako ng pag inom ng tubig ng pumasok si Alec sa kusina na walang pang itaas, kitang kita ko ang pulang marka sa may bandang dibdib niya.Nanahimik ako dahil kumikirot ang aking dibdib sa nakita ko.

           Pero ng hindi ko na mapigilan ay nagsalita na ako.

        "Really Alec? Harap harapan ang pagtataksil mo?  Ganyan mo ba talaga ako kaayaw at magdadala ka ng babae dito sa bahay? Sa bahay nating mag asawa?! " galit na turan ko na agad ko ring pinagsisihan dahil sa tingin na binigay niya sa akin.

           Lumapit sa at hinawakan ako sa pisngi, napakadiin, masakit. Unti unting nag init ang mga mata ko.

         " Don't you dare talk to me like that ever again! Huwag mong paki alaman ang mga desisyon ko! You ruined my life! I'm supposed to be free and having fun but here I am stucked in this fucking marriage!" galit na galit na singhal niya.

       Napapikit ako sa sakit na naramdaman ng mas lalong dumiin ang hawak niya sa pisngi at braso ko. Nilapit niya ang mukha sa akin na konti nalang ay magdi dikit na ang mga labi namin.

        "You fucking asked for this right?  Now taste your own medicine. If you are your father's princess, well, welcome to hell, because I'll make your life a living hell. " madiing dugtong niya .

            " B-bakit k-asi hindi mo nalang ako subukang m-mahalin?  M-magagawa mo rin iyon, j-just give me a c-chance. P-please. "
nahihirapang usad ko na mas lalong ikinagalit niya.

            "No,  I will never love a spoiled bitch like you! Never in my life! " sagot niya bago ako pabarag na binitawan at iniwan sa kusina na hinang hina.

             Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa kwarto ko sa kalagayan na iyon pero maling desisyon na pumanhik ako dito dahil rinig na rinig ko ang ungol nilang dalawa sa may kabilang kwarto.

                   Napabalik ako sa wisyo ng biglang may pumitik sa noo ko. Napatingin ako kay Sean na nakatingin sa akin ng mariin ngayon.

           "You're spacing out, may problema ba? " napangiti ako sa kaya, he's really caring and sweet, he's one of tge stock holders of my company and a very good friend, may meeting dapat kami ngayon pero mukhang naubos ang oras ko sa pagba balik tanaw.

             "Uh, sorry what is it again? " medyo nahihiyang tanong ko. Napabuntong hininga naman siya at tinitigan ako saglit bago muling nagsalita.

              " Tell me, is it about your husband? Hindi pa rin ba siya nagbabago? " seryosong tanong niya,napayuko ako sa sinabi niya,alam din kasi niya ang relasyon namin ni Alec, parang kuya na rin ang turing ko sa kanya since simula pagkabata ay sabay na kaming lumaki.

              "Tsk, that asshole, bakit kasi hindi mo pa iwan? Hindi na ata magbabago ang gagong yun. " galit na utas niya, napataas naman ang ulo ko sa kanya.

          " Hayaan niyo na ako sa desisyon ko, mapapagod rin siguro akong mahalin siya. Wala eh, nagmahal ako ng gago." tumatawang sabi ko kahit na alam kong peke iyon. Lumambot ang tingin niya sa akin at hinawakan ang pisngi ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

           " Okay okay, pero if ever na may mangyaring masama sa iyo dahil sa kaya ako na mismo ang maglalayo sayo sa kanya. Maraming mas deserving para sayo Isha huwag kang mag stay sa gagong iyon. "  mahinahong sabi niya, hindi ko na napagilan ang iyak ko kaya lumapit siya sa akin at niyakap ako at inalo.

        Makalipas ang ilang minuto ay umayos na rin ako at nagpaalam na, medyo nahihiya pa dahil sa iyakan session na iyon, aftef that meeting ay uuwi na rin talaga ako napatagal lang dahil napaganda ang kwentuhan.

           Nakabukas na ang ilaw sa bahay habang nagpapark ako kaya alam kong nakauwi na si Alec, at hindi nga ako nagkakamali dahil siya na nakaupo sa may sofa ag sumalubong sa akin.

         He's sitting there like a king, with those raging eyes that can kill you.

a/n: bored lang siguro talaga ako kaya sinipag akong magsulat HAHA,mag tuloy tuloy na sana ito, yayyy.

08-11-20







  Battered Wife : Alec Alfiro [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon