6

1.5K 15 0
                                    

LEISHA
    

                Wala sa sariling naglalakad ako papasok ng kompanya. 5 days, limang araw na ang nakakalipas pagkatapos mangyari ang bagay na iyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko.

            Nag tataka na nga ata ang mga empleyado ko dahil para na akong zombie. I know I'm not really presentable this past few days. I'm still in shock.

             Hindi pa rin kami nakakapag usap ni Alec, sa limang araw na iyon ay hindi siya umuuwi sa bahay. Hindi ko alam kung asaan siya, ayaw ko ring magtanong sa mga kapatid niya dahil malalaman nila ang nangyari.

              "Zy,pansinin mo ako ,please?" napahinto ako ng marinig ang boses ni Albi. Nasa tapat siya ng table ni Zy, may hawak pang bulaklak.

           " Mr.  Alfiro, I'm working stop pestering me." seryosong sagot ni Zyrel.  Natatawang nilapitan ko sila.

          " I assumed we don't have any meeting   Albi? What brings you here? " nakangising tanong ko kay Albi na napalingon sa akin ngayon, pati si Zy na binati pa ako ng good morning bago nagpatuloy sa ginagawa.

           "Well, My beautiful sister in law I'm here for your secretary can I borrow her for today?" tumaas taas pa ang kilay niya habang nakangiting nagpapa alam sa akin,nambola pa.

          "What?! No way! " nakuha na ni Albi ang atensiyon nito ngayon. Hmmm, i smell something fishy.

         " Okay, but just for today, and she's still my secretary. " kumindat pa ako kay Albi na ngayon ay ngiting ngiti bago dumiretso sa opisina, narinig ko pa ang pag alma ni Zy pero hinayaan ko na.

             Now, I need to freshen up, masama ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw , dahil siguro hindi ko naaalagaan ng maayos ang sarili ko.

          Well, I have a lot of things to do,  I need to move on, mag iisang linggo na,  i can't be stuck .

           Sinimulan ko ng magbasa ng mga proposals  at  pagpirma, ganun nga ang ginawa ko buong mag hapon.Pirma dito, pirma doon, basa dito, basa doon. Nagpapadala nalang ako ng lunch and snacks dito, since wala si Zy nagpapa deliver nalang ako.

            Pasado alas sais na ng matapos ko ang gawain ko at mapag pasyahang umuwi.
Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang isipin si Alec, akala ko may magbabago na after that day pero wala, he became more distant.


            Nakapatay ang ilaw ng bahay ng datnan ko, napabuntong hininga ako,he is still not here.

          Kinuha ko ang susi at bubuksan na sana ang main door ng pero ng pihitin ko ang door knob ay nakabukas ito. Kinabahan ako, baka may magnanakaw sa loob. Sigurado akong sinara ko ito kanina.

         Dahan dahan kong binuksan ang pinto, nakahanda rin akong tumakbo kung sakaling may magnanakaw nga.Madilim sa loob kaya kinapa ko pa ang switch ng ilaw. 

       Pagkabukas ng ilaw ay laking gulat ko ng makita si Alec na nakahiga sa may sofa. Is he drunk? Bakit andun siya?

        Dahan dahan akong lumapit sa kanya, ibinaba ko ang mga gamit ko sa lamesa doon at sinilip siya. He is sleeping! Lumapit na ako sa kanya ng deretso at napansin ko ang pamumutla niya. Is he sick?

          Hinaplos ko ang noo at leeg niya, oh god! Inaapoy  siya ng lagnat!  Why is he here?  Hindi pa ba siya umiinom ng gamot?  Obviously Isha! He's burning!

        "Alec, wake up, you need to go to your room. " tinapik tapik ko ng mahina ang pisngi niya, inalog ko rin ng kaunti ang braso niya. Medyo natakot pa ako ng dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya dahil baka magalit siya pero hindi wala siyang sinabi.


        "Come on. " inalalayan ko siya sa pagtayo,argh!He is freaking heavy! Naka angkala ang braso niya sa akin habang inaalalayan ko siyang umakyat papasok sa kwarto, at pagkadating doon ay ibinagsak niya ang sarili sa kama. Napahawak pa siya sa ulo sa sakit siguro.

             " Alec you need to change your clothes, magluluto muna ako para makakain ka at makainom ng gamot." paalala ko sa kanya na hindi ko alam kung naintindihan ba niya.

         Dumiretso na ako sa kusina kahit na hindi pa ako nagbibihis, I'm still wearing my office attire. Mag luluto nalang ako ng soup, since may sakit nga siya. Inihanda ko na ang ingredients at tsaka niluto, hinihintay ko nalang ngayong kumulo ito.

           Nagsalin ako sa isang mangkok, kumuha na rin ako ng water and yung medicine na iinumin niya. Inilagay ko lagat sa tray para isahan nalang atsaka ako dahan dahang umakyat sa taas.

        "Sh't! " muntikan kong maibagsak ang bitbit ko ng makita ang ayos ni Alec, nagkalat ang polo at pants niya sa lapag, habang siya ay nakahiga doon sa kama habang nakaboxers lang,napansin ko rin na nanginginig siya. Sabi ko magpalit hindi maghubad!

             Dali dali kong hininaan ang aircon dito sa kwarto niya , inilapag ko sa lamesa yung pagkain niya, pumasok ako sa bath room niya dito sa kwartoat kumuha ng towel at palanggana na may tubig na may halong alcohol.

          Lumapit ako kay Alec atsaka siya pinunasan, buti nalang at hindi siya umaangal, ibubuhos ko talaga ito sa kanya.

         "Alec, you need to sit down, you need to eat. " sabi ko sa kanya pagkatapos ko siyang punasan,inalalayan ko na rin siya pa upo.

         Sinusubuan ko na siya ngayon, kahit naman may masamang ginawa sa akin si Alec, mahal ko pa rin siya, and he needs help, ngayon lang siya mabait sa akin,susulitin ko na.

          Pagkatapos niya kumain ay pinainom ko na siya ng gamot niya at inalalayan uli siya pahiga at kinumutan, aalis na sana ako pero bigla niya akong hinawakan sa pala-pulsuhan ko na ikinagulat ko.

         "N-no, don't leave. " nanghihinang usal niya,napaawang ang labi ko, naginit rin ang sulok ng mga mata ko, napangiti ako, this is the first time he said that.

         Tumango ako sa kanya at dahan dahang umupo sa kama niya, malapit sa uluhan niya, dahan dahang lumuwang ang hawak niya sa akin, nanghihina talaga siya.

         Lumapit pa ako sa kanya, nag aalangan pero dahan dahan kong hinaplos ang buhok niya, hindi naman siya umalma at unti unti na siyang pumikit.

            Hindi ko maiwasang titigan siya, he's a lion,pero ngayon parang siyang maamong pusa,  he's really handsome, with those pointed nose, bushy brows, long eyelashes and his sinful lips, he is like a god and I love him.

           Nang maramdaman na nakatulog na siya ay hinalikan ko siya sa noo at unti unti akong tumayo.

          "I love you Alec. "

a/n: yayyy! Antagal tagal ng wifi, hinihintay ko nalang yun para makapag publish na huehue.

08-12-20

      

  Battered Wife : Alec Alfiro [COMPLETED]Where stories live. Discover now