13

1.6K 20 0
                                    

LEISHA

             "Nagtatampo ako sayo! " nagtatampong ungot ni Ali , nalaman kasi niya na nandito na pala kami sa Pilipinas at bakit daw hindi ko sinabi. Hindi ko alam paano niya nalaman, pero mabilis ang pakpak ng balita.

          "Sorry na nga, magkita nalang tayo, treat ko! " natatawang sabi ko, hindi ito makakatanggi sa libre, sure ako dun. Marami rin akong kailangang itanong sa kanya.

               Unti unti naman siyang napangiti at doon ay alam ko ng papayag siya. Nagpaalam na ako sa kanya at sinabi nalang kung saan kami magkikita at anong oras. Sinabihan pa ako na isama ko daw ang pamangkin niya!

              "Kyro! Come here! Take a bath na and we'll meet your Tita Ali!" sigaw ko sa kanya na ngayon ay inaalalayan ni Sean na umakyat ng hagdan.

              "Yey! I'm going to see Tata! Yey!! " excited na sabi niya, ngumiti ako kay Sean at tinanguan naman niya ako  , hinawakan ko na sa kamay si Kyro at inakay papasok ng banyo. Pinaliguan ko muna siya at binihisan bago ako sumunod na naligo,natagal pa ako sa pagpapaligo sa kanya dahil sa kakulitan niya.

                I'm wearing a simple red romper at na pinaresan ko ng white stilleto. Kotse ko na ang ginamit namin this time, dahil nakakaabala na kami sa bahay.

               Hawak hawak ko sa kamay si Kyro na ngayon ay naka polo at shorts, he looks so adorable ang sarap kagatin! Nakakagigil!

             Pumasok kami sa  La Cuisine ,may reservation na ako kaya alam na agad nila, palapit na kami sa table namin ng makita ko si Ali together with her fiance, Yuri.

          Napangiti ako, who would have thought that they would end up with each ?

          Agad naman silang tumayo ng makita kami at sinalubong.

         "Omg! Finally! After five years! Isha in flesh! " exaggerated na pagkakasabi ni Ali, loka loka talaga.

         "Wow, you look Lei,parang hindi ka nanganak. " pambobola pa  ng pinsan kong hilaw, napairap tuloy ako na ikinatawa niya.

         "Tata! " nanlaki ang mga mata ni Ali na nakatingin ngayon kay Kyro, tumili pa ito at agad na pinantayan si Kyro at pinanggigilan ito. Hindi na ako pinansin at hinila pa ito doon sa may sweets center. Napailing nalang ako, mukhang maiispoiled ang anak ko.

           "Nagkita na ba kayo? " tanong ni Yuri na pinaghila ako ng upuan, at umupo naman sa katapat na upuan ko. Habang ang mag tita ay busy sa pagkuha ng foods.

            " Nino? " takang tanong ko kahit na may hint na ako kung sino ang sinasabi niya.

            " Oh don't play that game to me my dear cousin, alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko. " nakangising sabi niya na ikinasimangot ko.

           " Yeah, nagkita kami sa hospital last last day. I got scared,tinakbuhan ko siya. " napakunot naman ang noo niya at may sasabihin na sana ng makuha ng mag tita ang atensyon namin.

             "Gaga ka Ali! Anong ginawa mo sa anak ko! " napasigaw akong makita ng istura ng anak ko na ngayon ay puno ng chocolate ang bibig ,sinamaan ko ng tingin si Ali na ngayon ay nakaprace sign na. It's messy, dali dali kong kinuha ang tissue at pinunasan ito, ngumiti naman ito sa akin at natawa ako ng makita na may chocolates pa sa ngipin niya, kaya pina inom ko siya ng tubig bago inalalayan na maupo.

              " Nagtatampo pa rin ako,alam mo bang kung hindi ako sinugod ni kuya sa bahay ay hindi ko malalaman na nakauwi ka na! " nakangusong sabi ni Ali na ngayon ay tinatawanan ni Yuri.

              "Bakit ka naman susugudin ng kuya mo? " takang tanong ko.

             "Eh syempre! Bakit daw hindi ko sinabi na bumalik na  pinakamama-- "

              "That's enough for you my love, kumain na tayo. " napakunot naman ang noo ko, are they hiding something?

               "Tata, why didn't you go back to Switzerland? " takang tanong ni Kyro sa tita niya na ngayon ay namumula.

              " Because, your tata loves your tito so much that she doesn't want to leave me anymore. " nakangiting paliwanag ni Yuri na hinahampas ngayon ni Ali. Nako talaga..

             " Huh? Then why didn't you two visit us? Visit us there when we go back po ha? " masuyong sabi ni Kyro na ikinakunot noo ng dalawa.

           "Babalik kayo sa Switzerland?Why?" nag aakusang tanong ni Yuri.

            "Our life is there,tsaka balak ko na din na kunin si daddy at doon na mamuhay. " paliwanag ko.

         "As if he'll let you go again. " napalingon ako kay Ali na may binubulong.

         "You saying? " ngumiti nalang siya at umiling .

         Pinagpatuloy nalang namin ang pagkain at kwentuhan, I'm really having a great time with this two, pati si Kyro ay bibong bibo sa tita at tito niya.

           "I'll just go to the restroom, bantayan niyo ang anak ko. " pahayag ko bago tumayo at pumasok sa comfort room at nagretouch. Lalabas na sana ako ng matigilan ng makita kong lalaking naghihintay sa labas, he looks like a model in that position, he is leaning in the wall like a pro.

           Lalagpasan ko na sana siya ng hilahin niya ako bigla, napapikit ako dahil sa ala ala ng nakaraan ang walang habas niyang pagdiin sa akin sa pader,but this time hindi ako nakaramdam ng sakit.

             Nakadikit ako sa pader pero ang isang kamay niya ay umaalalay sa akin para hindi ako mauntog, at ang kabilang kamay niya ay nakapulupot sa akin ngayon..

             Nahigit ko ang aking hininga ng ilapit niya ang mukha niya sa leeg ko at idiniin doon, naramdaman ko rin ang pag higpit ng hawak niya. What  the heck is happening?!

             Lumayo siya ng bahagya sa akin at tinitigan ako, hindi pa rin inaalis ang pagkakapulupot sa akin.

             " I missed you Leisha, I missed you so much. " agad nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

            He is kissing me passionately, his gentleness warmed my heart, ibang iba sa halik niya noong nakaraang limang taon.

            Tinigilan niya ako sa pag halik ng maubusan ng hangin  hindi pa rin inaalis ang tingin sa sakin.

           "Is that our child? " napabalik ako sa wisyo sa tanong niya at naitulak ko siya sa gulat, no this is wrong! Dali dali akong bumalik sa table namin at binuhat si Kyro, kinuha ko rin ang mga gamit ko.

           "We need to go, i have an emergency. " sabi ko sa dalawang nagpapanic na sa inaasta ko bago ako tumalikod, narinig ko pa ang tawag  ni Alec  sa akin bago kami tuluyang makalabas doon.

a/n: hindi ko na alam, nawawala na ako sa linya ng story huhu

08-13-20

  Battered Wife : Alec Alfiro [COMPLETED]Where stories live. Discover now