Prologue

22 2 1
                                    

Prologue

Isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa aking mukha, dahilan para ako ay magkaroon ng malay mula sa aking mahimbing na pagkakatulog sa damuhan, sa isang lugar na hindi ako pamilyar.

Dahan-dahan akong tumayo sa aking kinalalagyan. Napapahawak ako sa aking ulo dahil mayroon kaunting kirot at pagkahilo.

Hindi ko maaninag ang mga nasa paligid dahil sa isang liwanag na  hindi matuklasan kung saan eksaktong nanggagaling. Minsan pa ay naitatakip ko ang aking palad sa aking mukhang dahil sa nakakasilaw ang liwanag na iyon.

Sa paligid ay naririnig ko ang mga nagsigawan at nagiiyakan.

May mga naaaninag akong tumatakbo ngunit para lamang silang mga anino sa paningin ko.

Nararamdaman ko ang kanilang mga yabag sa lupa, mabibigat na para bang nahihirapang magpatuloy pa.

Mabibigat na hanging binubuga sa bawat yapak ng kanilang mga paa, na tila ba'y nahihirapan silang makahinga.

Ang ingay ng paligid, sobrang ingay, umiiyak, sumisigaw, humihingi ng tulong.



Ayoko na!!


Hindi ko na kaya!!...

Tinakpan ko ang aking mga tainga at pumikit ng mariin, nagbabakasakaling mabawasan ang lahat ng aking mga naririnig.

Ngunit sa kasamaang palad ay bigo ako.

"Prinsesa? Prinsesa?!"

Isang boses ng lalaki...

Agad kong inalis ang aking mga kamay mula sa pagkakatakip nito sa aking tainga at iginala ang aking paningin

"Prinsesa... ayos ka lang ba?" hinihingal niyang sabi ng matagpuan ang kinalalagyan ko

Halatang halata sa kanyang pananalita ang labis na pag-aalala.

"Binibini halika na, hindi na tayo ligtas sa lugar na ito"

Inilahad niya sakin ang kanyang kamay.Sandali pa akong napatitig dito


Ayoko...

Natatakot ako...

Napaatras ako ng tatlong hakbang dahil sa biglaang kaba na bumalot sa aking dibdib.

"P-Prinsesa?" nagtataka nitong tanong

Bakit ganito ang nararamdaman ko?


Naiiyak ako..


Natatakot...

Ano ba ang nagyayare?..

Sahalip na sumama sa kanya ay tumakbo ako papalayo. Wala akong pakialam kung saan man ako mapadpad. Bahala na kung saan ako dakhin ng aking mga paa.

Hindi ko na pinapansin ang mga nangyayari sa paligid, para akong lutang na tumatakbo lang at hinahayaang magkagulo ang lahat.

Ayoko nito, hindi ko ito ginusto!

Ngunit isang katanungan ang pumasok sa aking isipan

Ano nga ba ang gusto ko?..

Takbo lang ako ng takbo kahit na hinang-hina na ako. Bumabagal ang aking paghinga.

Ang masaklap pa ay natapilok pa ako sa nakausling kahoy.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko na kaya. Biglaan na lang tumulo ang mga luha ko.

Hanggang sa......

"Binibini! Binibini asan ka!!?"

Ang boses na iyon, ang boses niya na lamang ang tanging naaalala ko sa kanya, hindi ko maalala ang kanyang mukha, bakit sa ganitong sitwasyon pa ay hindi manlang ako pinayagan ng tadhana na masilayan siya kahit sa kahuli-hulihang patak ng oras na meron ako.

Patawad....


_

Pasensya na po kung lame, pahingi po tips hehe

Salamat

World of GEMENIA(Ongoing!)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang