1

270 28 3
                                    

"Rain symbolizes darkness but also represents an essential part of rebirth." 

—Sabrina Claudio



Pauwi na ako ngayon sa bahay, nag-aabang nalang ako ng bus dito sa station...

Maulan ngayon, timing pa na wala akong dalang payong.

Makalipas lang ng ilang minuto ay nakasakay na rin ako ng bus. Wala pang masyadong taong nakasakay dahil dito ang unang ruta ng mga bus, kaya nakapili pa ako ng pwesto. Paborito kong pwesto palagi ay nasa tabi ng bintana. Dahil siguro napagmamasdan ko ang mga lugar na nadadaan ng bus na sinasakyan ko.

Sobrang tahimik ngayon dito sa loob ng bus, hindi binuksan ng driver ang maliit na TV na kadalasang pampalipas oras ng mga pasahero.

Naisipan ko na makinig nalang ng music, kaya kinuha ko yung earphones ko sa bag at sinalpak ito sa aking cellphone. At bumukas naman yung screen ng phone ko, 12:47 AM February 06, 2018 Tuesday, Song Playing Ulan by Cueshé.

Tamang-tama itong kantang pinapakinggan ko dahil umuulan din, #DramaModeOn.

Kung hindi niyo naiitatanong ay pinakapaborito ko na panahon ay tag-ulan, hindi ko alam kung bakit. Napapansin ko kasi halos lahat ng tao ay ayaw ng tag-ulan, totoo naman dahil maraming struggles tuwing umuulan. Isa rin ito sa mga matitinding kalaban ng mga commuters mga nagtatrabaho man o mga estudyante.

Huminto na ang bus sa pangalawang bus stop, doon na nagsipasok ang maraming pasahero. Lumakas naman lalo ang ulan at dinig ko ang mga reklamo ng ilan sa mga pasahero. Naisip ko na tumingin nalang sa bintana ng bus at pagmasdan ang mga nadadaan na mga straktura, mall, convience store at iilang mga kabahayan.

Habang nakatingin sa bintana ng bus ay naalala ko yung nabasa ko sa isang social media na, sabi nila sa milyon-milyong tao sa mundo ay may isang nakalaan para sayo. Minsan napapaisip nalang ako kung sino ba ang taong nakalaan para sa akin. Minsan nararamdaman ko na para bang may kulang pa sa akin, hindi ko Alam kung ano ang kulang na iyon...

Naniniwala din ako na lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang librong baon dahil may sari-sariling kwento din ang buhay bawat isa. At alam ko na isa rin ako sa mga iyon, dahil ang buhay ko ay parang isang makapal na libro, sa dami ba naman ng karanasan ko sa buhay. Pwede na nga siguro gawing teleserye ang buhay ko...  siyempre joke lang yun, parang kawawa naman ata yung artista na gaganap sa buhay ko.

Hindi ko rin maiwasan na mamiss yung dati kong buhay,  sana lahat nalang ay kaya ko maibalik sa isang pitik lang...

Kinaumagahan nagising nalang ako sa sermon ni Ate Brea. "Ikaw naman kase Vera sinsabi ko sa iyo na palagi mong dalhin yung payong" sinasabi pa niya habang nakapamaywang.

"Ayos lang yun Ate nalimutan ko kase nagmamadali na ako kahapon, nalate kase ako ng gising" palusot ko.

Hindi ko talaga dinala yung payong kasi walang magagamit si Ate Brea, sa kaniya kasi talaga yung payong, nasira kasi yung akin, hindi pa ako nakakabili dahil hindi pa ako nagsuweldo.

Sa totoo lang ang swerte ko sa pinsan ko na ito. Lahat nalang siguro ng meron siya ay ibabahagi pa niya sa akin. Minsan ka lang maka-experience ng ganitong klaseng pinsan. Kadalasan kasi ay palaging nag-aaway o hindi masyadong malapit sa isa't-isa.

Hindi naman dahil siya lang yung pinsan ko, noong mga bata pa kami ay hindi naman kami masyadong close sa isa't-isa. Palagi pa nga kaming nahuhuling nag-aaway. Pero ngayon sobrang close namin, sabi nga ng iba ay para daw kaming magkapatid.

"Halika na dito Vera nagluto ako ng lugaw, para naman mabawasan yang sipon mo at hindi ka masyadong ginawin" Mataray na sabi ni Ate Brea.

"#MatarayMode nanaman ang aking pinakapaboritong pinsan" pabiro kong sabi sa kaniya.

"Hay nako Vera tigil-tigilan mo ako sa pambobola mo, anong paboritong pinsan? Eh ako lang naman ang pinsan mo" sagot niya.

Teka anong elemento nanaman ba ang sumanib sa pinsan kong ito? Teka siete pala ngayon, kailangan na pala naming bayaran yung upa namin kay Aling Marites. Hindi kaya ito yung dahilan kung bakit ganito nanaman tong si Ate Brea?

"May problema ba Ate?" malumanay ko na tanong

Natahimik lang si Ate Brea, "Diba sabi ko naman sayo Ate ay huwag mong sasarilinin yung problema mo?"

"Bayaran kasi ng Upa ngayon kay Aling Marites, kulang pa kasi itong sweldo ko naibayad ko na kasi yung kalahati sa tubig at kuryente. Hindi naman na pwede pang humingi ng isang Linggo pa dahil magiiskandalo nanaman siya dito" malungkot niyang tugon.

Bumalik ako sa kwarto para kunin yung ipon ko at idagdag sa bayarin ng Upa sa bahay. "Ito Ate idagdag mo para makapagbayad na, baka kasi mabingi nanaman tayo sa bunganga ni Aling Marites"

"Salamat Vera ngayon lang ito pero sa susunod hindi ko na ito tatanggapin" masayang sabi ni Ate Brea.

Kailangan change topic na para wala na ang mga negative vibes.

"Anong gamit mong shampoo Ate? Ang ganda ng buhok mo ahh" Biro ko.

"Nako Vera walang shampoo shampoo ito, niyog lang to na binigay sa akin ni Emma" Masayang tugon niya habang hinahawakan ang kaniyang buhok.

Dumeretso na ako sa kusina at kumuha ng lugaw, habang sumasandok ay nagsalita si Ate Brea. "Nabalitaan ko na namatay na daw ang Lola Gracia noong nakaraang Linggo" Bigla akong nanigas sa pagkakatayo ko.

Mabait si Lola Gracia, hindi kami masyadong close dahil nasa probinsya siya at nandito kami sa Maynila. Huling punta ko doon ay 15 years old ako. Masakit din para sa akin dahil siya nalang kasi ang natitirang kamag-anak namin.

"Sinabi din sa akin na iniwan daw ng Lola Gracia  yung bahay para sa atin" sabi ni Ate Brea

"Doon nalang kaya tayo tumira Ate? Para less gastos sa bahay. Para makapag-ipon ka naman". suhestiyon ko.

"May point ka rin naman, Pero pag-iisapan ko pa magiging malayo na ito sa trabaho natin" sabi niya

"Gawan nalang natin ng paraan Ate, marami naman sigurong mga trabaho doon". sabi ko

"Sige sige, nanghihinayang kasi ako sa bahay at para makatipid din tayo sa ilang mga gastusin". Sabi niya

Another Chapter nanaman ng aking life ang naghihintay sa Probinsya!

Excited na ako...

1825 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon