16

131 15 7
                                    

"Huwag mong  hahayaang lamunin ka ng sarili mong problema dahil parang laro lang yan, kapag hindi ka lumaban... talo ka"

 —LNM



"Hindi ko alam kung ano pang problema ang dadagdag sa akin"

"Gusto ko nalang umupo dito at umiyak, iba pala ang pakiramdam kapag marami kang iniisip na problema at hindi mo pa alam kung paano ito bibigyang solusyon".

"Gusto ko nang bumalik sa dati, umuwi sa totoong mundo kung saan talaga ako nababagay"

"Ayoko na ng ganito, nahihirapan na ako. Gusto kong sumuko pero hindi pwede, dahil alam kung pagsumuko ako, Talo ako"

"Kaso hindi ito ang oras para mag-drama ako at maginarte. Kailangan Kong gawan ito ng solution at paraan".

"Tatapusin ko na ito.."

"Tulungan kita"
Agad naman akong napalingon "Juan!?" "A-Anong ginagawa mo dito?" "Kanina ka pa ba nadiyan?" Sunod-sunod kong tanong.

"Nandito ako upang magpahangin, Oo kanina pa ako narito. Pasensya na ngunit hindi ko sadya na marinig lahat ng iyong sinabi" wika niya.

Haa? Lahat? Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko.

"Anong Ibig mong sabihin sa totoong mundo?" Tanong niya.

Hays, ito na nga ba, paano ko ito ipapaliwanag?
Hindi niya dapat ito malaman. Alam ko na hindi niya rin ito paniniwalaan.

"Haa? May nasabi ba akong ganon?" Pagpapanggap ko na tanong.

"Pasensya ka na ang dami ko kasing problema ngayon kaya kung ano na ang pinagsasabi ko" palusot ko sa kaniya.

"Ano bang problema iyan? baka maaari kitang tulangan".

"Wala ako sa pwesto para sabihin ito pero, hindi ka nagiisa Laura. Nandito ako para tulungan ka, sasamahan kita sa kung ano man ang gagawin mo. Hindi ako papayag na gawin mo iyan ng magisa, dahil natatakot ako na masaktan ka o mawala ka" Sabi niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya, pinagaan niya yung loob ko.

Mapagkakatiwalaan ko ba siya? Sasabihin ko na ba yung totoo sa kaniya para matulungan niya ako?

"Salamat Juan, salamat dahil sayo kahit papaano ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko" Sabi ko sa kaniya.

Napansin ko naman na umiwas siya ng tingin sa akin. Natawa naman ako dahil namumula yung Tenga niya.

"Bakit ka naman natawa?" Tanong niya.

"Walaa, next time wag masyado pahalata" Sabi ko sabay tawa.

"Paano ba kita tutulungan?" Pagiiba niya ng usapan.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung Kay Ate Brea ba o Kay Nanay Ading.

Siguro Kay Ate Brea muna..

"Ahh, Juan? Pwede mo ba akong tulungang hanapin yung kaibigan ko?" Nahihiya kong tanong sa kaniya.

"Sige, Tara na hanapin na natin siya ngayon. Ayaw mo magsayang ng oras hindi ba?" Sabi niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya, narinig nga niya lahat.

Teka paano ko pala hahanapin si Ate Brea kung hindi ko alam yung pangalan niya dito? Describe ko nalang physical appearance niya.

Matapos ang ilang oras na paghahanap namin ni Juan ay hindi pa rin namin nahanap si Ate Brea. Dumeretso naman na muna ako sa bahay nila Juan.

"Maraming akong maaring kausapin para mahanap ang iyong kaibigan, maraming tauhan ang aking Ama dito sa bahay na makatutulong maghanap" Sabi niya.

1825 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon