12

142 14 5
                                    

"Ang mundo'y nababalot ng misteryo at sorpresa, minsan magugulat ka nalang sa mga bagay na hindi mo aakalaing sasampal sayo sa katotohanan."

— LNM


"P-Paano ka nakapunta dito Ate Brea?" Gulat ko na tanong.

"Mahabang Kwento Vera ang mahalaga ay nakita na kita" sabi niya sabay yakap sa akin.

"Marami ka bang nalalaman Ate Brea?" Tanong ko.

"Yung iba Oo yung iba naman ay hindi ko pa sigurado kung tama ang mga hinala ko, pero marami rin akong katanungan" sabi niya.

"Señora Laura! Hinahanap na po kayo ng inyong  Ama" sigaw ni Agnes.

"Papunta na" sagot ko.

"Ate Brea bumalik ka dito bukas ng umaga, basta sabihin mo lang ay matalik na kaibigan ni Laura para papasukin ka nila. Gusto ko sanang malaman lahat, gusto ko na rin umuwi" sabi ko. Tumango naman si Ate Brea sabay alis.

"Señora! Kanina pa po kayo hinahanap ni Don Seferino" sabi ni Agnes. "Sige tara na bumalik na tayo" sagot ko. "Sino po yung kausap niyo kanina Señora?" Tanong ni Agnes. "Ahh isang matalik na kaibigan lang" sagot ko. Tinignan lang niya ako. "Bakit? Ano nanaman iniisip mo Agnes? Ikaw talaga masyado ka maissue bata bata mo pa" sabi ko.

Pagbalik namin ni Agnes sa loob ay mas dumami ang mga bisita, mas marami palang bisita kapag hapon.

Agad ko namang pinuntahan si Ama sa sala.
"Ama hanap niyo daw po ako?" Tanong ko. "Gusto ko lang sabihin sayo na ipinagmamalaki talaga kita Laura, alam mo bang tuwang-tuwa ang iyong Ate Eliana sa regalo mo sa kaniya" sabi ni ama.

"Saan ka galing? parang hindi rin kita masyado nakita dito kanina" sabi ni Ama. "Ahh nandoon po kami ng mga kaibigan ko sa hardin kanina" sagot ko. "Pero nandito sila Amanda at Cecilia sa loob kanina" sabi ni ama.

Haaa! Sino naman si Amanda at Cecilia, hindi ko sila kilala at ano ang idadahilan ko sa kaniya.

Ahh-- hindi ko natapos ang aking sasabihin ng biglang nagsalita si Doña Flabina at kinausap si Ama.

"Maaari ko bang mahiram muna saglit si Laura?" Paalam ni Doña Flabina. Pumayag naman si Ama.

OMYY! Savior ko talaga itong si Doña Flabina, hindi ko alam kung anong isasagot kung hindi siya pumunta kanina.

"Halika hija sundan mo ako" sabi niya. Sinundan ko din siya at tumigil kami sa isa sa mga lamesa marami ding mga bisita na nasa pwestong yun.

Nagulat naman ako nang may biglang yumakap sa akin "Ate Laura!" Sabi niya. "Emilio ikaw pala iyan, kamusta ka na?" Sabi ko sabay yakap pabalik sa kaniya. "Ayos na po ako ngayon Ate, Salamat po pala" sabi niya.

Nagulat naman din akong may nagtanong na dalawang babae kay Doña Flabina "Iyan na ba ang mapapangasawa ni Niyong?" Sabi ng isang babae. "Nako napakaswerte naman ni Niyong sa kaniyang mapapangasawa, maganda na at mukha pang mabait" sabi ng isa pang babae.

Ngumiti naman si Doña Flabina at nagsalita "Nako siyang tunay, alam niyo ba na siya ang tumulong sa kay Emilio nung may sumaksak sa kaniya. At nakita niyo roon yung burdang kumot na regalo kay Eliana? Si Laura din ang gumawa nun." Pagmamalaki ni Doña Flabina.

"Talagang bagay pala talaga kayo ni Niyong, hindi ako magtataka kung bakit ikaw ang kaniyang napusuan" sabi ng isang babae.

"Hija nabibigla ka ba sa mga pangyayari? Narinig ko kasi ang usapan ng aking asawa na si Ignaldo at ng aking anak na si Juan  gusto mo pa daw ng kaunting panahon upang makapagisip" sabi ni Doña Flabina.

1825 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon