Kabanata 3

390 155 200
                                    

"Sef... bakla ka ba?"


Erase.
Masyadong straightforward. I thought of something else.


"Naa-attract ka ba sa guwapo?"


Erase. Medyo hindi malinaw. Kaya nag-isip ako ng iba.


"Kahit ano pang identity mo, tanggap kita."


Erase ulit. Tunog desperada naman. Baka isipin niyang di ako maka-move on sa kanya o kaya ay patay na patay pa rin ako sa kanya.


Which is partly true. Pero siyempre ayokong malaman niya. Again, huwag marupok, mga sis!


"Umamin ka, kasali ka ba sa Federasyon?"


Erase.
Paano kung tumanggi?


Hayst. Bahala na nga. With finality in my decision, I pressed the doorbell.


Sa dami ng tumakbo sa isip at imagination ko, hindi ito sumingit. Wala akong ideya na ganito pala ang dadatnan ko sa unit niya.


Bumungad sa akin ang isang di-pamilyar na lalaking nagsusuot ng T-shirt na kulay gray. Sa likod niya di-kalayuan ay si Sef. Si Sef na hubad-baro at the moment. Though half-naked lang naman. Still, hindi ko maiwasang mag-isip ng medyo "green".


Naka-white shorts siya at natigilan sa pagpupunas ng basang buhok nang makita ako. He's looking good as always. Looking fresh. Sana all.


Ang unfair lang. Kasi ako, looking stress! Hindi na nga ako nakakatulog nang mahimbing, 'di pa ako makakain. Nawawalan ako ng appetite.


Kung hindi lang ako nagulat at naguguluhan, kanina ko pa napuri ang ganda ng katawan niya. Uhm-


Kaso...napabalik ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko na kunot na kunot ang noo.


Anong ibig sabihin nito? Gwapo ba talaga ang hanap niya? Isa ba siyang BB Gandang Hari? Sayang naman ang genes kung sakali.


"Sabi ko na, Barbie..." A familiar song mentally played on my mind...


"Who are you?"

"Sino ka?"


Halos magkasabay kaming nagtanong. Kinakabahan man at naduduwag, pilit kong tinatagan ang kalooban. Pinagmasdan ko ang lalaking nasa harapan.


Baka kaedad lang namin siya ni Sef. He looks soft. Maputi. Pang-oppa sa mga K-drama. He's good looking too. Ka-level ng kagwapuhan ni Song Jong Ki. Cute. Okay, siya na ang pinagpala!


Sana all, di ba? Sana all talaga may natural beauty. No pores. No pimples. With flawless glass skin. Kung hindi ko lang siya pinaghihinalaan, tinanong ko na kung anong facial cream ang gamit niya. Pero dahil nai-imbyerna ako sa presence niya, galit-galit muna.


Hayst! Paano nga kung ganito ka-cute ang hanap niya? I can't even call myself, cute or pretty. Anong laban ko dito? Bukod sa Jacinto ang surname ko, wala nang espesyal sa akin. Wala na akong ibang ipagmamalaki.


"Dee..." Tawag ni Sef sa akin. Lumapit siya at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto.


"What are you doing here?" Tanong niya na hindi ko pinansin dahil ang atensiyon ko ay nasa lalaking- not so sure lalaking- nasa bungad ng pinto na ngumingiti pa. And wait! May dimples siya? Ugh! May dimples siya! Ang cute niya. Bakit ganoon? Ang sarap hambalusin ng door!


Breaking Free From EnvyWhere stories live. Discover now